Good Evening Boys and Girls... π Kanina nawala ko yung Work ID ko kailangan ko pa naman iyon dahil MECQ sa amin start na bukas at kailangan may maipakita ako kapag papasok ako ng trabaho, buti na lang at may nakakita ng Work ID ko at nag message sa aking messenger, nakita daw niya sa tapat ng bahay nila sa gate malapit sa highway. Kukunin ko sana kaso umalis daw siya at wala sa kanila ngayon bale bukas ko daw makukuha. Medyo nakahinga ako ng malalim dahil iniisip ko na baka gamitin yung ID ko sa maling paraan buti na lang at ang nakakuha yung may malasakit. Iniisip ko ngayon kung paano ko siya mapapasalamatan. Anyway, yung pusa ko, nagulat ako dahil 1 buwan nawala tapos bumalik sobrang taba niya na. Amazing, ang cute niya nakakagigil.π
No comments yet