My influential movies

0 28
Avatar for Weatherthestorm
3 years ago
Topics: Review, Fun

Naalala ko pa nun bata pa ako yung tito ko maglalabas ng mga upuan tv at betamax. Dun magtitipon kami ng mga pinsan ko pra manood ng movie. Ibabahagi ko lang sa inyo ilan sa mga movies na tumatak sa buhay ko. At hanggang ngayon ay pinapanood ko pa ito. :)

Child's Play

Trip namin ng mga pinsan ko noong araw na di pa uso samin ang mag-brip, ay ang gayahin/i-reenact yung mga eksena kung saan pinagtatangkaan ni Chucky na isoul-swap si Andy, pero sa kalagitnaan ay biglang nauudlot. Saulado pa namin noon (with matching feelings/fervent passion) yung incantation na binibigkas ni Chucky sa ritual nya, palitan pa kami ng role magpipinsan as the possessor and the possessee, he-he-he, goodtimes.

E.T.

Nung mapanood ko to nung bata, ang gusto ko lang talaga eh makita si E.T., pero ang hindi ko napaghandaan ay ang emotional burden na ipapataw sakin dahil sa pagtatangkang yun... Nakaka-trauma, masyado pa kasi akong immature nung mga panahon na yun para intindihin ang ilang mga ideyang minumungkahi sa movie, gaya ng paglalagay ng mga tao sa mas di kapabor-pabor na posisyon sa perspektibo ng dualistic paradigm of good and evil, kung saan ay hostile ang role ng ilang humans kay alien protagonist, which dissents mula sa spectrum ng aking hilaw na kaisipan (me:human=good, ET=good / movie:human=bad, ET=good), at sa concept ng non-attachment na mahirap lunukin sa murang edad. Dahil may betamax tape copy kami nito, lagi ko tong pinapanood sa tuwing masusumpungan. No choice ako nun, dahil ang ibang mga tapes daw sa bahay ay yung "bawal sa bata". Ang siste eh, kahit ilang beses ko na napanood, mabigat padin sa feels pagtapos. Kaya tinuring ko noon na challenge ang panonood ng E.T. nang hindi maiiyak. Ginawa ko pa ngang parang game na premyo ang recognition sa sarili na "matapang" ako pag hindi napaiyak... paulit-ulit yun, pero kahit kelan hindi ako nanalo, at sa halip na ma-desensitize ang response sa pinapanood, e lalo lang na-ensure ng kalokohang ito ang aking masochistic tendencies.

The Exorcist

Pinakamalaking break sa hollywood acting career ni Beelzebub, aka, the lord of the flies... na kapareho ng title ng paborito kong libro na iniakda ni Golding. Halaw naman sa librong to ang isang classic pinoy movie na may pamagat na "Alkitrang Dugo", na pinagbibidahan ng walang iba, kundi ng primyadong actor na si Roderick Paulate, way back when he was still a kid, na mas nakilala ko naman sa kanyang mga natatanging pagganap sa mga pelikulang,"Inday, Inday sa Balitaw", at bilang orig na Petrang Kabayo sa "Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting", co-starring Aiza Seguera

Star Wars

Si George Lucas ay isang twisted na nilalang na may Morals na kagaya ng sa Pretzel. Ang pa-uso niyang StarWars franchise ay kalapastanganan sa dangal at tunay na adhikan ng Sith. Siya ang Mastermind sa walang pakundangang pagmaniubra ng mga salaysay upang mas paburan ng mga makapapanood ang gawi ng mga buktot na Jedi. Sa katunayan, ang tanging hangad ng Galactic Empire ay ang katiwasayan, seguridad at istabilidad ng buong Galaxy sa pamamaraang ibinatay (presumably) sa ideya ni Plato sa kanyang argumento ukol sa pamamahala na dapat pamunuan ng isang tatawaging Philosopher King. One way to describe how truly awesome the Empire is, is by imagining a great leader - Let's say Hitler for example, but a kind of Hitler who can use the Force Choke and without the stupid pornstache... tapos naka-lightsaber... and commanding the DeathStar... Now it's like the 3rd Reich on a galactic scale -- cool diba. Ang kaso, ang paggo-glorify sa anti-imperialist insurrection na pakana ng mga rebel alliance na sinawsawan naman ng mga palaboy na Jedi na mas trip ang kabaduyan ng egalitaryanismo, ang tampok sa pelikula. Kung tutuusin, dehado ang kampo ng mga rebel forces, umepal lang sa eksena ang mga laos at bitter na Jedi. Gamit ang kanyang Jedi mind-trick, nagawang ma-brain wash ni Obi-Wan Kenobi (ang former master ni Darth Vader at nag-taraidor din sa kanya) na kasangkapanin si Luke Skywalker -- ang nawawalang unico-hijo ni Darth Vader-- upang kalabanin ang kanyang sariling ama (dirty Jedi tactics). Sinulsulan pa ito ng isang matandang gremlins na baliktad kung mangusap. Sinubukang palayain ni Darth Vader si Luke mula sa malisyosong impluwensiya ng mga Jedi, ngunit hindi siya nagtagumpay. At dahil hindi niya magawang saktan ang kanyang anak -- ito ang inaasahan ng mga Jedi --ginamit ng mga Jedi ang pagkakataon upang mapabagsak sa kanilang mga kamay ang dalawang Sith Lords. Dahil sa parehong pagkakakubkob ng Master at apprentice, tuluyang naapula ang lagablab ng apoy ng Galactic Empire at dito din huling nagtapos ang layunin ng Order of Sith (see The Rule of Two). Binaliktad naman ni George Lucas ang mga pangyayari para sina Darth Vader at ang Emperor ang magmukhang masama. Mapapatunayan kung gaano ka-sira ang ulo ni George Lucas nang i-suggest nito na magkaroon ng romantikong relasyon ang magkapatid/kambal na sina Princess Leia at Luke Skywalker... buti nalang si Han Solo ang type ni Leia. Talagang todo effort nitong si George Lucas na ma-corrupt ang utak ng mga manonood. Hindi naman ako masyado na-apektuhan... Nang mapanood ko kasi ito noong bata, ang naintindihan ko lang sa StarWars eh -- tungkol ito kina R2D2 at C3P0.

Photos ctto.

4
$ 0.05
$ 0.05 from @rosienne
Avatar for Weatherthestorm
3 years ago
Topics: Review, Fun

Comments