Masaya ang maglakbay lalo na kung kasama ang pamilya. Maaari itong maging inyong masayang karanasan ng magkakasama. Sa paglalakbay makakakita ka ng mga bagong tanawin at may makakasalamuha ding mga bagong mukha. Maraming mga lugar dito sa Pilipinas ang maaaring puntahan kung maglalakbay. Mga lugar na talagang dinarayo at binabalik-balikan ng mga turista.
Ang Pilipinas ay hitik sa mga magagandang tanawin na maaaring puntahan. Mga sikat na lugar na talaga namang kamangha-mangha at binabalik-balikan ng mga turista. Ang mga halimbawa ng mga tanawin na ito ay ang bulkang Mayon sa Bicol, Talon ng Pagsanjan sa Laguna, Tsokolateng mga Burol sa Bohol, at Hagdan-hagdang Palayan sa Ifugao atbp. Ang bulkang Mayon ay matatagpuan sa Legazpi sa rehiyong Bicol. Dinarayo ang bulkang ito dahil sa hugis simetrikong kono nito. Kilala ito sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Maganda ito puntahan lalo na ang Cagsawa Ruins na matatagpuan din dito. Maganda ding puntahan ang tsokolateng burol o Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol. Ito ay naging tanyag dahil sa mala-tsokolate nitong itsura kapag tag-init. Maaari ding bisitahin ang hagdan-hagdang palayan na matatagpuan sa bundok ng Ifugao. Ito ay sikat sa buong daigdig dahil sa malinis na pagkakaukit sa bundok nito na sya namang magandang tingnan dito. At huwag din kakalimutang pumunta sa Laguna para bisitahin ang sikat na tanawin nito ang talon ng Pagsanjan. Maganda itong puntahan dahil sa taglay nitong malinis at magandang talon. Ang mga halimbawang ito ay ilan lamang sa mga magagandang tanawin at lugar na maaaring puntahan kung magbabakasyon o kaya namay magbabalak na libutin ang buong Pilipinas.
Kung nagbabalak man magbakasyon o maglakbay mas mainam kung kasama ang pamilya o kaya ang mahahalagang tao sa buhay mo. Gumawa kayo ng mga magagandang ala-ala sa mga lugar na ito. Mag-iwan ng masasayang ala-ala at mga ngiti sa mga lugar na ito at yan talaga ang tunay na nakakapagpaganda ng lugar na ito.
Maganda talaga mag your .samin kahit Hindi na mag your magsama sama Lang sa isang Lugar Ang buong pamilya e napakasaya na .halos di mapantayan Ang kasiyahan Ng mga matatanda samin .Kasi un nalang din UNG araw na nagkakasama sama sila .