Tagaktak Ang pawis, tila hinahabol Ang paghinga. Tumatakbo, minsan ay nadarapa, ngunit pilit na itinatayo Ang sariling mga paa. Alat, pait at Tamis na lasa ng pinaghalong pawis at malamlam na dugo sa buong katawan ng isang dukha.
"Isa..." bantay ng isa SA mga naka-unipormeng nakangising naglalakad, tinging nito'y Nanlilisik sa dukha At mukha pang natutuwa.
"Dalawa.." sambit ng Isa pang naka-unipormeng humahabol SA kanya. Tindig nito'y Hindi maipaliwanag sa tiyan nitong busog sa laman. Ang mga nakasunod ay humahalakhak at nangungutyang tumingin sa kanya.
Tumakbo sya ng tumakbo, SA isang iglap ay bigla syang nadapa. Pilit niyang iginagapang Ang duguang mga magaspang Na kamay at paa, dala ng matinding pagtatrabaho't pag-aararo SA ilalim ng sikat ng araw Sa malawak na bukid upang maigapang Ang pag-aaral ng anak. Ang kanyang MGA mata'y pilit nyang ibinubuka, na tila ba ayaw nang Bumukas sa tindi ng bugbog ng mga balakyot na naka-uniporme. Tama na, Tama na, kanyang nasasaisip At hirap ng maipahiwatig Ang kanyang MGA hinaing gamit Ang bibig.
"Tatlo.." tila natatawa pang Sabi ng may hawak Na mahabang baril, na Hindi nya Alam Ang katawagan dahilan SA kamangmangan At kawalan ng edukasyon. "No read, no write" Ang mga salitang tawag sa kanila At laging naririnig sa tuwing may dumadayong dayo sa baryo nila.
May mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata. Ang kanyang gutay-gutay na damit Ay puno na ng dugo At pawis, maruming putik at buhangin. Siya'y nauubusan na ng pasensya, tiyak ay Wala na syang pag-asa, 'pagkat sya ay isang hamak lamang na dukha. Ilang dipa nalang ay maabotan na sya. Halakhak ng MGA nakangising demonyo Ang tanging naririnig nya. Nandidilim na Ang kanyang MGA paningin, pagsabay ng pagkagat ng dilim na lumalabi. Isang gapang nalang, Ang katawan ay nanlalamig na tila ba parang bangkay.
Siya lamang ay inosente at napagbintangan. Noong hinuli'y may nakuha sa kanyang bulsa'y may mga maliliit na plastic na may puting butil-butil Ang laman.
"Magtago ka na." Dumagundong sa kanyang pandinig na may Nakalibot na yabag sa kanyang kinaroroonan. Tila tumigil Ang kanyang paghinga At luha'y nag-uumalpas na muling sumibol Mula sa kanyang Mata. Hinila Ang kanyang buhok at Ang kanyang duguang mukha ay munting umangat sa lupa. Ang mga nakalibot sa kanya ay tumatawang ngumisi na parang ipanaaalam na Wala na syang kawala. Kinuryente sya At katawa'y nanginig hanggang sa magsuka Ng dugong pulang-pula. Ang kanyang mundo'y tumigil ng marinig Ang lagitik ng isang gatilyo... Wala na.. sa wakas ay naka-alpas na siya Mula sa kanila. Hinding-hindi nya makakalimutan Ang huling sambit ng Isa SA MGA uniPormeng nkapalibot sa kanya at nakita nya Ang luhang namamalisbis Mula sa mga Mata. Ang mga mata nito'y punong-puno ng awa at tila walang magawa.
At 'yon ay Ang anak nya.
"Paalam at pasensya na ama."