We are about to lose Hachi
I am not really fond of petting some animals but our oldest doggo in the house is one of the most adorable animal we ever have. Hachi is here since 2012 and mas matanda pa nga siya sa anak kong 7 years old kaya ang tawag ng anak ko sakanya ay kuya Hachi. So eto na, Monday ng midnight eh hindi na natulog yung kapatid ko at si papa kasi nakita nila sa garage na iba na ang iyak ng aso namin. Si Harry yung unang lumapit and nakita niya na dumudugo na yung ilong ng aso at sobrang hirap na huminga. So buti gising pa sila kaya tinignan nila maigi if ano nangyayare. Noong umabot na madaling araw, ganun pa rin si hachi so ginising na ng kapatid ko si Papa para tignan na. Nooong nakita naman ni papa, nilagyan niya agad ng tela na basa yung ilong ni Hachi at yung dugo talaga tuloy tuloy lang daw at kaya umiiyak na si Hachi eh dahil may natuyo nang dugo sa mismong loob ng ilong niya. Ito naman si papa eh hindi na siya natulog para bantayan si Hachi.
Paggising ko naman ng Martes ng umaga eh nag chat sakin si papa. That time hindi ko pa alam nangyare exactly noong gabi kaya tinanong ko si papa ano nangyare. Pagbaba ko naman tinignan ko agad si Hachi at chineck kung kamusta lagay. So nakita ko talaga na mahina na at parang papikit na si Hachi. Gusto ko ngang umiyak at naawa talaga ako sa lagay niya. Noong nag usap naman kami ng ate ko, dito kami lalo naiyak. Gusto na kasi dalhin ng ate ko sa vet si Hachi pero hindi pabor yung mama namin at wag na daw kami magsayang ng pera. Dito ako medyo naiinis sa mama namin. Medyo selfish talaga at lahat na lang sakanya big deal. Naiyak na ako kasi wala kaming magawa at alam namin talaga na malaki gagastusin kay Hachi kapag dinal sa vet. So kinausap ko si ate. Sabi ko, mukhang mas okay ipakuha na lang si Hachi kasi for me, ayoko makitang mamamatay dito sa bahay. Ayaw naman ng ate ko at mas gugustuhin na lang daw nila dito mamatay kesa mahirapan pa sa ibang lugar.
So as of now, Wednesday, mahina pa din si Hachi pero tinatry na ng Papa namin na pakainin at subuan talga kasi halos di talaga kaya ng doggo namin. Nagtataka din ako at late din nagising today si Papa. Feeling ko eh hindi talga siya pumasok para mabantayan na si Hachi 24/7.
Si papa naman namin, love na love nito si Hachi. Sadyang wala lang talaga kaming panggastos na malaki in case na may kailanganin kay Hachi pero base sa observation ko kanina mukhang nagiging okay na talaga yung aso namin. Siguro iniinda lang talaga ay yung ilong. Mainit din kasi ang panahon kaya baka dahil din doon.
So na-realize ko na hindi din talaga madali mag alaga ng mga animals. Kailangan eh responsible owner kayo at handa kayo sa pwede mangyare. Ang pag-aalaga din kasi ng hayop eh parang pag-aalaga din ng bata. Actually feeling ko nga mas mahirap pa mag-alaga ng hayop dahil di sila nagsasalita diba. Mas mahal pa ang gastusin. So dapat, once na mag alaga kayo, dapat passion nyo talaga at mamahalin nyo na parang tao lang din kasi may buhay din yang mga yan. Dito naman sa amin, ang hirap lang gumawa ng desisyon dahil may mga matatanda na pala desisyon din. Nakakaumay at nakakainis yung ganoon. So ako namaan, siguro, if may mangyare man kay Hachi sa mga susunod na araw, ayaw ko na munang magka aso at sobrang hirap din talaga. Naalala ko yung dati rin namin mga alaga. Before, nagka aso din kami at Haru naman pangalan pero puppy pa lang eh namatay na dahil nagkasakit din. Nadala naman namin sa vet yun pero sabi nga din ng mga vet eh wala ng chance at dehydrated na yung si Haru. Dito naman kay Hachi, nararamdaman naming lumalaban pa sya kaya habang andito pa sya samin eh todo alaga nalang talaga. Hindi naman yan magtatagal ng ilang taon kung pinabayaan namin.
So ito na muna ang kwento dahil wala talaga akong gana mag post ngayon dahil grabe yung pagod ng utak ko.
Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli!!
PUBLISHED: MARCH 30, 2022 TIME: 21:40 PM PST ARTICLE:Â #75
naisip ko si hachiko.. nakakalungkot hopefully maging okay na sya totally..