The Bamboo Plant

14 59
Avatar for Usagi
Written by
2 years ago

Sa title pa lang siguro curious na kayo kung tungkol saan ito no? Maski ako hindi ko rin alam bakit ako napunta sa ganitong article. Pero isa lang ang nasa utak ko, wala akong maisip na magandang i-kwento ngayong araw.

To my friends who are from other countries, I am so sorry to say that my today's article will not be in English. It's just that, I don't have any more brain cells if I compose this in the English language. But if ever you still wanted this to read, I think Google translator can help you with that.

So balik tayo dito sa ike-kwento ko. Pasensya na kung magiging magulo pero I will try na i-explain ng maayos itong kwento na ito.

So last year, alam ko February iyon. Binigyan lang naman ako ng partner ko ng isang bouquet ng flowers. As in lahat ay rose. Binigay niya pa yon ng nasa simbahan kami. Odiba kilig yarn?

Sa totoo lang hindi ako nag eexpect ng ganun sakanya. Pero mahilig kasi siya sa surprises. Magugulat ka talaga sa mga ibibgay niya sayo. Balik tayo sa bouquet.

Sabi ko sakanya palagi, wag niya ko reregaluhan ng bulaklak dahil ayoko non. Madali din naman mamatay. Mas gusto ko ung mga bagay na magagamit ko pa saka makikita niya na lagi kong suot. Kaso ewan ko bakit that day, binigyan niya pa rin ako ng bulaklak.

Na-surprise yern ?

After non nag-date kami sa Akik. Ito yung isa sa mga famous special lugawan na malapit sa lugar namin. Doon niya ko nilibre ng dinner. Pag-uwi namin sabi ko sakanya paano ko yan ipapakita sa mga tao sa bahay? So dahil wala naman akong choice kundi iuwi yon, gumawa na lang ako ng paraan para di ako matukso.

Me and my juwaaaa

Pag-uwi ko sa bahay, sakto tulog na pala ang lahat so hindi na nia nakita ung bouquet. Bale ang ginawa ko jan is nilagay ko agad sa paso. Sakto naalala ko meron pala kaming plantita project sa school, kung saan need namin magtanim ng mga halaman at bulaklak tapos aalagaan namin ng ilang linggo. Bale yun na lang sinabi ko dito sa bahay. Kako eh kelangan ko ng rosas at ipapakita ko sa school. Buti na lang that time hindi na sila nagpumilit mag isip ng kung ano ano.

As time goes by, syempre hindi naman ako maalaga sa flowers. Kahit nilagyan ko na ng zonrox eh kusa na silang natutuyo at namamatay. So dahil tine-treasure ko pa rin ung bouquet ng mga rose na binigay ng jowa ko, ginawan ko na lang ng paraan para may tumagal sakin. Kinuha ko agad sa paso ung nag-iisang tangkay ng Lucky Bamboo. As in sobrang liit lang niya. Ang nasa isip ko eh baka pwede ko pa to maalagaan ng ilang araw. Kaya ang ginawa ko is nilagay na agad sa paso na may lupa. Di ako sigurado noong time na yon kung tutubo ba talaga pero nag baka sakali na lang rin ako.

And tadaaa!!!

This is the Chinese Bamboo na naka-halo sa bouquet nung roses ko.

Tumagal nga siya sa akin. Yung jowa ko? Oo pero ganun din yung lucky bamboo ko.

Ang maganda rito. Hindi lang linggo o araw. Mag-iisang taon na siya dito sa akin. Kakatuwa kaya. Parang feeling ko talaga ang galing ko na mag-alaga. Yung mga rosas, ilang araw lang natuyot na pero nag iwan ako ng mga dried petals. Itong lucky bamboo lang talaga natira. Ang maganda dito from 1 stem, ayan lumaki na sya tapos lumago pa. Okay na din kasi kapag napapansin ko yan sa umaga twing magkakape, naaalala ko yung boyfriend ko.

Hindi niya din inexpect na magtatagal sakin ito. Parang yung relasyon namin ganern.. Akala din namin hanggang 7 days subscription lang tapos naextend ng na-extend. Yun pala, di namin napapansin eh tuluyan na namin inaalagaan ung isat-isa.

Just like our Lucky Bamboo, pareho kaming nag -go-grow as a person. Minsan eh kala mo masisira na pero yun pala lumalaban pa.

Sa ngalan ng pag-ibig mo... 🎢🎢🎢

Anyways, ayun lang for today. Sana may moral lesson kayong natutuhan. Ako kasi wala. Byeeee!!!

In case you want to read more of my articles, you can visit me here:

https://read.cash/@Usagi

Published: January 22, 2022
Time: 6:00 PM PST

9
$ 10.20
$ 10.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @Hanzell
+ 3
Sponsors of Usagi
empty
empty
empty
Avatar for Usagi
Written by
2 years ago

Comments

Ayyy, yan ang sanaol 🀧🀣 alagaan mo yang halaman, baka yan yung lifespan ng relationship niyo. Chariizzz HAHAHHAA jok lang

$ 0.00
2 years ago

mas mahaba kami syempre hahaahah pero up to this day eh buhay na buhay yarn

$ 0.00
2 years ago

Nangiinggit kalang na may kadte ka ulit sa 14 ee tapos kami wala πŸ₯Ί. Pasintabi naman sana saming mga singol aba πŸ₯Ί charizzzzzz ahahaha. Pero why magkamulha na kau? Sabi sa simbahan na daw tuloy pag ganyan ee yiehhhhh

$ 0.00
2 years ago

hoy hahaha busy kami both sa 14 ihhhh monday pala yorn so baka advance na langmuna kami hahaha.

Andami nyo nagsasabi nyan, kikiligin na ba ako?

$ 0.00
2 years ago

Ayie Ayieh, tuloy na tuloy na ini ahekk.

See magkamukha talaga kayo ee

$ 0.00
2 years ago

hahahahaahah kilig yern? naging magkamuka kasi magkapatid pala no hahaha chariz!

$ 0.00
2 years ago

Swerte din daw kasi yang lucky bamboo sis, marami din kaming tanim niyan ma try nga din mag lagay jan para magtagal din ang anumang bagay na gusto nating tumagal hehe ang gulo ko.

$ 0.00
2 years ago

Lagay mo sa pinto ate ng bahay. Pampa suwerte nga din daw po.

$ 0.00
2 years ago

Naks naman. Na relate talaga ang bamboo sa life in general no? Hehe

$ 0.00
2 years ago

Pero seryoso ate yan lang talaga tumagal sakin na halaman. Kaya parang naging foundation na din namin kahit maliit na bagay.

$ 0.00
2 years ago

Matibay ang bamboo kaya yan lagi ang symbolism for strength and flexibility. Strict siguro ang parents mo at need mo pang itago? haha I can relate, minsan need pumaraan pag may nanliligaw para maitago ang mga binibigay or else, gigisahin ka nila hahaha Cheers to the growth of your bamboo plant and your relationship πŸ₯°

$ 0.00
2 years ago

Hindi sila healthy kausap in terms sa usapang pag ibig ko ate kaya hindi ako gaano nag she share ng mga bagay bagay. Pero aun nga ate parang naging symbolism na siya sa amin. Nakaka amaze kaya na makikita ko yan araw araw. ❀️❀️

$ 0.00
2 years ago

Ang bamboo na ang naging symbolism ng love nyo sa isa't isa. Ang bamboo kahit medyo nakadapa na, matibay at matatag pa rin parang relasyon nyo ngayon ate. Bamboo for the win!

$ 0.00
2 years ago

Oo parang ganun nga. Sana tumagal pa yan sa akin, parang siya syempre. ❀️😍

$ 0.00
2 years ago