"Maligayang kaarawan Tatay

4 18
Avatar for Touchy
Written by
2 years ago
Topics: Writing

Para sa aking ama na nasa kabilang buhay, binabati ko po kayo nang isang maligayang kaarawan hinding hindi ko kayo malilimutan kahit kailan dahil kayo po Ang dahilan Kung bakit ako naririto sa mundong ibabaw,

Natatandaan ko pa nung ako'y batang paslit.pa lamang, lagi kayo naririyan sa aking tabi para ako ay alagaan kapag Wala kayong pasok sa trabaho, ikaw tatay ko Ang matiyagang nag babantay sa akin kahit sobrang kulit ko na matiyaga ka pa rin na parang walang kapaguran.

Kami na iyong mga anak ramdam namin Kung gaano mo kami ka Mahal napalaki mo kami Ng maayos,kahit mahirap Ang buhay naririyan ka pa rin ,ipinag mamalaki Kita dahil nakaya mong palakihin Ng mabuti Ang iyong mga anak katuwang Ang aming ina.

Ngunit sa paglipas Ng panahon ay di inaasahan ikaw ay nagkasakit,tulong tulong kami magkakapatid para ikaw ay alagaan,kahit nakaratay ka sa ospital naririyan pa rin kami sa tabi mo kami ni nanay para alagaan ka nais namin ibalik sa iyo any sakripisyo mo para sa amin sa pamamagitan Ng pag aaruga sa iyo.

Ang lahat Ng bagay dito sa mundo ay may katapusan, dumating na Ang di namin inaasahan, nilisan mo na Ang mundong iyong sinilangan at kinalakhan upang yakapin Ang panibagong landas sa piling Ng Poong lumikha, doon ay Wala ka nang sakit na nararamdanan at magiging payapa ka na sa kabilang buhay.

Masakit tanggapin para sa iyong mga naiwanang pamilya pero iyan Ang reyalidad, na dapat tanggapin Ng buong puso dahil hindi habang panahon ay magkakasama kayong pamilya at kailangan may lumisan, aking Mahal na ama Saan ka man naroroon naway gabayan mo kami na iyong mga anak.

Para sa iyo.mahal kong tatay,isang maligayang kaarawan na kahit hindi kana namin kasama Ngayon ,mananatiling kang Naka ukit dito sa aming mga puso,ikaw ama Ang syang tunay na haligi Ng tahanan.

1
$ 0.03
$ 0.03 from @ARTicLEE

Comments

Maligayang kaarawan sa tatay mo! Nakakalungkot na wala na siya. Makikita dito ang pagmamahal nya sa inyo at pagmamahal nyo sa kanya.

$ 0.00
2 years ago

Opo Wala na sya sobrang lungkot dahil di na nya maririnig Ang pag bati namin sa kanya.

$ 0.01
2 years ago

Alalahanin na lang maliligayan moments with him.

Be more interactive sa iba para mavisit ka din nila :)

$ 0.01
2 years ago

Opo salamat po Ng marami

$ 0.00
2 years ago