GCQ Again..?

1 21
Avatar for Timbol
Written by
4 years ago
Sponsors of Timbol
empty
empty
empty

Magandang araw mga Kaibigan. Araw ng Biyernes at Huling araw ng Hulyo. Happy Eid sa Ating mga Kapatid na Muslim sa Buong Mundo. Habang akoy nagaayos at naglilinis ng aking mga kalakal ay nakikinig ako ng balita tungkol sa ating sitwasyon dala ng covid pandemic. Ayon sa sinabi ng Pangulo ng Pilipinas na muli na naman sasailalim sa GCQ ang ilang probinsya kasama na ang Batangas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng covid19. Sinabi niya rin na may vaccine ngunit hindi pa ito maipamahagi dahil sa kailangan pa ng masusing pagaaral na manggagaling sa mga eksperto sa Pilipinas kaya ang hiling niya ay sumunod sa lahat ng utos tulad ng wear facemask at social distancing. Bilang padre de pamilya ay naisip ko ulit ang pagkukunan ng kabuhayan dahil sa alam ko na maghigpit na ulit sa lansangan at sa katulad kong sa Basura lang naasa ay napapaisip na lang akong talaga na Sobra na Bang Masama ang Tao kaya patuloy tayong pinaparusahan..Akoy umaasa na lang na lahat tayo ay makabalik na sa normal nating buhay. At sa Biyayang Kaloob ng Poong MayKapal na lahat ay maging maayos at masaya ang buhay.

1
$ 0.00
Sponsors of Timbol
empty
empty
empty
Avatar for Timbol
Written by
4 years ago

Comments

Ang lahat Ng Ito ay may katapusan sa awa Ng dyos,lahat Tayo ay naghahangad na maibalik sa normal Ang lahat, pero Kung patuloy tayong susuway sa ating pamahalaan ano pang silbi Ng pagtatago,pagiwas Kung Tayo Mismo ay nagmamalabis sa ating sarili,Ang lahat Ng Ito ay isang aral para sa ating lahat na patuloy na binabaliwala dahil sa ating mga kagustuhan,kagustuhan makalaya at makagala,Alam Naman nating lahat Kung ano at Hindi dapat,Alam Naman natin na wla tayong sapat na ipong pagkain pera para sa pang araw araw nating buhay,pero Kung Hindi Tayo susunod sa kagustuhan Ng ating gobyerno uubusin Tayo Ng ating kalaban na Hindi natin nakikita na baka nga kasama o katabi na natin Ang may dala Ng sakit na ito.kung magkakaisa Lang Tayo walang imposible na Hindi mangyari Ang ating gusto,lahat Naman Tayo gustong makalaya sa hawla na nakapalibot sa ating buhay nangyayari Lang Yan Kung mawawala na Ang sakit na Ito,pero paano nangyayari Ang mga iyon Kung Hindi Tayo susunod.dasal Ang hanging malakas na sandata para sa ating lahat Hindi Tayo magtatagumpay dahil Tayo ay watak watak Hindi magkakaisa sa isang layunin Ng ating kapaligiran na puksain Ang kalaban dahil nahahati Tayo sa ibat ibang kagustuhan.

$ 0.00
4 years ago