Pasensya Na

8 34
Avatar for Thalia
Written by
4 years ago

"Ups! Pasensya"

Kadalasang nasasambit natin pag nakagawa tayo ng mali nang di sinasadya. Minsan ay hindi naiiwasan dahilan sa ating di pagkaperpekto. Ngunit mahalagang humingi tayo ng pasensya pag tayo'y nakasakit maging tayo man ay nasaktan. Baka ipagdahilan pa natin na hindi naman ako ang may kasalanan o nagpasimula, ngunit nararapat lamang na humingi ng tawad. Hindi ito madali pero magagawa natin kung pag iisipan natin ang mga sumusunod na tanong.

Bakit isang katalinuhan na humingi ng tayo ng pasensya o tawad kung tayo'y nakasakit o nasaktan?

Una, naitataguyod natin ang KAPAYAPAAN.

-nagkakaroon ng tayo ng magandang kaugnayan sa ating kapwa anuman ang ating relasyon sa kanila.

Ikalawa, KAPANATAGAN

- Mapapanatag rin ang ating isip, dahil alam natin na malinis ang ating konsensya. Makakatulog tayo ng mahimbing na walang inaalala. Gigising na sinisimulan ang araw na kay ganda.

Ikatatlo, nagkakaroon tayo ng PAGSANG-AYON NG DIYOS

- ang paghingi ng tawad ay nagpapakitang mahal natin ating kapwa. Iyan din ang ikalawang utos na dapat nating sunding maigi. Maipapakita din nating mahal natin ang Diyos kung mahal natin ang ating kapwa. (1 John 4:20)

--------------------------------

Iba-iba ang katangian ng tao at ganundin sa pagpapahayag ng kanilang saloobin. May mga bagay na kaya ng ilan ngunit hindi naman sa iba. Mahirap humingi ng dispensa lalo't kapag tayo ang nasaktan. Dahilan na ba ito upang hindi na tayo makipagkasundo o magtanim ng galit sa iba? Natural lamang na hindi. Ano kaya ang maaring makatulong saatin na mapagtagumpayan ito? Tingnan natin ang ilang mungkahi na pwde nating gawin.

* Peace offering.

- pwde tayong magbigay ng anumang bagay na alam nating gusto nila. Halimbawa, pagkain, o gamit na paborito nila. Ang pagbibigay nito kahit wala man tayong anumang binibitiwang salita ay nagpapakitang pinapahalagahan natin sila.

*Letter

- ang mala taos pusong paghingi ng dispensa sa pamamagitan ng sulat ay nakakaaliw. Maaring magchat o di kaya text, o sulat kamay na mas malamang na epektibo. Dito maipapahayag ang mga hindi kayang sabihin sa personal.

*Kausapin

- isa ito sa pinakaepektibong pamamaraan. Sa pamamagitan ng tawag sa telephono o sa personal. Mas mapaguusapan at mauunawaan ang usapin ng bawat panig.

--------------------------------

Tayo nang gumawa ng unang hakbang para lumakad tayo ng may karunungan. Salamat sa marahang pagbabasa, sana'y makatulong sa paanuman😊.

Inyong manunulat,

Thalia

3
$ 0.11
$ 0.11 from @TheRandomRewarder
Avatar for Thalia
Written by
4 years ago

Comments

Nice one cous. Lumakas din internet connection sa isla 🀣

She's my cousin. I hope you could support her too guys @Xzeon @Jabs @Yen @Jane @Eybyoung @Z_graeden @leejhen. Thanks in advance πŸ’•

$ 0.00
4 years ago

Done na!! 😊

$ 0.00
4 years ago

Thank you my friend πŸ˜ŠπŸ’•

$ 0.00
4 years ago

Welcome to read cash. I subcribed to you haha. Malakas sakin si esciisc e haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Thank you mommy @Yen πŸ’•

$ 0.00
4 years ago

😁thanky.. 😊

$ 0.00
4 years ago