Supling

1 17
Avatar for Tere03
Written by
4 years ago

Maaga akong nabuntis pero di ko yon pinag sisishan. 19 y.o palang ako ng akoy mabuntis . Natakot nung una syempre . Takot na malaman ng aking mga magulang. Pero pananagutan naman ako ng boyfriend ko. Naglilihi na ako pero d nila alam dahil wala ang nanay ko nun. Grabe dun ko naranasan ang hirap ng paglilihi . Yung tipong kakain ka ng kanin pero d mo ito malunok at naduduwal ka. Kasama ko ang mga ka trabaho kong kumain ng lunch . Pero ng simula akong maglihi . D nako sumabay dahil nakakahiya na habang sumusubo ako ng kanin naduduwal ako . D ko maimagine na ang kinakain ko sa maghapon ay tinapay lang . Panay lang ako tinapay . Tinapay, tinapay, dahil d ko magawang lunukin ung kanin .. Ganun pala tlgah ang hirap ng paglilihi . Pero ng mga panahong yun mahirap man eh excited pa rin para sa aking magiging anak. Lungkot na may saya . Lungkot para sa mga magulang ko dahil tumakas ako sa bahay namin at sumama nko sa boyfriend ko noon. Na hindi ko naman pinag sisisihan hanggang ngayon. Hinanap ako ng mga ate ko . Pero tinataguan ko sila . Hanggang minsan na sinuhulan nila ako. Aha ibibigay daw nila mga gusto at kailangan ko umuwi lang daw ako. at nakausap na raw nila ang magulang namin . Pumayag ako para narin makauwi sa kanila at makahingi ng tawad . Naintindihan naman nila ako at wala akong narinig ni isang hindi maganda na salita . Tinulungan nila kami at naging maayos naman ang lahat . Hanggang sa akoy nagsilang . Napakasaya ko non . Isipin mo 2months palang akong buntis may pangalan na sya . Mapa babae man o lalaki . sobrang excited ako makita kung ano ang kanyang hitsura . At agad din itong nasundan ng isa pa. At ngayon ehh dalawa na silang anak namin . Nang sanggol pa lamang sila hindi nila ako pinahirapan sa pag aalaga . Napakabait nila. Hindi sila namumuyat . At ngaung malalaki na sila . Makukulit na aha. Pag inutusan ang isa magrereklamo bakit sya daw lagi inuutusan. Hayyy mga bata nga naman . Nung kami ang maliliit ni hindi kami mkareklamo sa magulang namin pag inuutusan kami . Ngayon ang mga bata mas matatapang pa sa nanay . Pero kahit ganun alam ko na may takot pa rin sila samin at sa ating Diyos . Salamat dahil nagkaroon ako ng 2anak. At gagawin namin ang lahat upang sila ay mapalaki ng maayos at upang maibigay namin ang kanilang pangangailangan. Gagawin namin ang lahat upang magampanan namin ang maging mabuting magulang .. At dto ko na tinatapos...

Magandang araw sating lahat . Stay healthy and always be happy ☺️☺️❤️

2
$ 0.00
Avatar for Tere03
Written by
4 years ago

Comments

Nice..

$ 0.00
4 years ago