Sa panahong ito marami ang nawalan ng trabaho, marami ang naghirap. At hanggang ngayon wala pa ring lunas ang virus na ito. Sa darating na pasukan maraming magulang ang umaalma. Hindi lamang para sa kalusugan ng kanilang mga anak kundi para na rin sa mga walang kakayanan na makagamit ng kakailanganin . Ngayon isinusulong ng DEPED na patuloy pa ring mag aral at huwag huminto ang mga bata . Kasama sa klase ng kanilang pagtuturo ay ang paggamit ng gadgets at kakailanganin din ang wifi . Na alam nating alam na ang may kakayanan lamang sa mga ito ay ang nga may kaya sa buhay . Siguradong ang mga anak nila ay makakasunod dito. Matuturuan ng guro at makakausap ng guro ..Para naman daw sa mga walang gadgets at wifi ito ang pag gamit ng MODULES . Kukunin daw ng mga magulang ang modules sa eskwelahn para ibigay sa mga anak at ganun din ang gagawin pag ibabalik na ito sa guro. Ngunit may mga nababasa ako na paano naman daw kung hindi alam ng magulang ang pinag aaralan ng bata . Ang mga magulang na hindi rin daw nakapagtapos , paano nila gagabayan ang kanilang mga anak sa kanilang leksyon kung sila mismo hindi ito maintindihan. Marami akong nababasang mga reaksyon patungkol sa mga yan . May nabasa ako na parang ang dating "bakit hindi daw ba kayang paglaanan ng oras ng mga magulang ang kanilang anak para turuan ito". At may sumagot naman dito na" hindi kami kasing yaman o may kaya sa buhay para tumunganga sa bahay dahil kailangan nilang magtrabaho sa maghapon upang maitaguyod ang kanilang pamily". iba iba ang pananaw, iba iba ang komento . May nakakapag bukas ng iyong isipan kung babasahin mo mga komento nila . Ngunit ano nga ba talaga ang makabubuti? Ihinto muna ang pag aaral o ituloy pa rin ito . Napakahirap ng sitwasyon na ito para sa magulang na nagtrabaho at mag hapong wala sa bahay dahil kailangan magtrabaho .. Hhaayyss ang hirap talagang maging mahirap ika nga . Alam kong isa lang ang tanging hiling natin . Naway matapos na lahat ng ito. Bumalik sa normal ang lahat . 🙏🙏
Magandang hapon sa lahat .. ☺️☺️
oo nga maam mas lalong mahirap.sa amin sa mga public schools, wala pang wifi.connection, ung iba wala.png cellphone