Self Care Tips

4 34
Avatar for Tamia
Written by
3 years ago

Minsan, para sa ibang tao nakakalimutan natin ang ating sarili, ang ating mithiin, sariling desisyon at sariling kasiyahan. Ngunit ang pagiging selfless ay hindi rin mainam sa ating pagiisip, kalusugan at kasanayan dahil maari itong humantong sa kawalan ng tiwala sa sarili at pagdepende lamang sa iba na maaaring madala ng isang tao habang nabubuhay siya. Ang pagpili sa sarili kung minsan ay hindi pagiging bastos at walang respeto, ito ay isa lamang na gawain ng isang normal na taong pinahahalagahan ang kanyang sarili. Sa artikulong ito, nais kong maiparating sa mambabasa na minsan okay lang na unahin ang sarili bago ang iba, lalo kung ang mqgiging epekto nito ay siyang mas ikakabuti at ikakasaya mo.

Narito ang ilan sa aking mga tips na maaaring makatulong sa inyo na maiwasan ang ilan sa inyong mga nakasanayang gawin sa iba.

Tip no. 1: Magsimulang humindi (Start saying NO)

Halimbawa na lamang ay kung ikaw ay nasa sitwasyon na kung saan ay niyaya ka ng iyong matalik kaibigan na makipagparty kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang bahay ngunit sa unang pagkakataon pa lamang nang makilala mo ang mga ito ay hindi mo na nagustuhan ang mga paguugali at talagang ayaw mo makihalubilo sa mga ito, mas karapat-dapat kung sasabihin mo nang direkta na ayaw mo. Huwag kang mahiya sa kung ano man ang iisipin o maaring masabi sa iyo ng ibang tao kung ang desisyon naman na ginawa mo ay mas makakabuti at mas ikakasaya mo. Minsan ang pagsalungat o hindi pag-ayon ay hindi sumisimbolo sa pagiging negatibo ka agad. Ibig sabihin lamang nito ay mayroon kang paniniwala sa sarili at sa desisyon mo.

Tip no. 2: Ang pagiiba ng iyong desisyon o pagiisip ay okay lamang (Changing your mind is okay)

Minsan hindi natin masasabi kung ang nararamdaman natin sa ngayon ay mararamdaman muli natin kinabukasan o sa mga susunod pa. Kaya't kung minsan sa kadahilanang ito, nagbabago ang ating pananaw at paniniwala na siyang nagreresulta sa atin upang baguhin ang ating mga desisyon. Kaya't sa tip ko na ito, okay lamang na magpalit ng desisyon kung ikaw ay may bagong pinaniniwalaan. Hindi ito kawalan ng dignidad kundi pagsunod lamang sa iyong nararamdaman at naiisip. Nararapat na maintindihan rin ito ng ibang tao sapagkat ang lahat ay dumaranas din ng ganitong sitwasyon.

Tip no. 3: Pagreply sa mga messages kapag ikaw ay handa na (Replying to messages when you're ready)

Maaaring ang pagseseen o hindi pagreply sa mga messages ng ibang tao sa atin ay kabastos bastos sa paningin ng iba ngunit kung ikaw ay wala sa mood, may problema, gusto mapag isa o kung ano pa mang dahilan, ang mga ito'y isa na nating malaking excuse na hindi na kailangan pa ng explanations o kahulugan sa iba.

Tip no. 4: Paguna sa sarili (Putting ourself first)

Ang pagpili sa sarili ay nangangahulugan lamang ng pagmamahal sa sarili. Minsan hindi masamang piliin ang sarili bago ang iba, kung saan natin mas nakikitang masaya tayo yuon ang sundin natin dahil hindi sa lahat ng oras ay kailangan nating magpakumbaba at isantabi ang sarili para sa iba. Kaya't huwag tayong mahihiya sa kung gagawin natin ang bagay na ito, lalo't kung wala tayong tinapakan o sinaktan na sinuman.

Tip no. 5: Pagtigil panandalian (Taking a break)

Hindi masama ang pagtigil panandalian sa mga bagay, gawain man natin sa araw araw o sa pagtupad ng mga pangarap. Ang lahat ng tao'y natural na napapagod at nasasaktan ngunit nagkakaiba lamang sa paniniwala at determinasyon sa buhay.

Sa aking sariling karanasan, ang pagtigil ko sa pag-aaral ngayon sa gitna ng pandemya ang itinuturing kong Pagtigil Panandalian, maaaring hindi pa umaayon ang panahon para sa akin na makapagtapos ng pagaaral. At ang pangyayaring ito sa akin ay gagamitin ko upang mas tumatag at mas maging inspirado ako sa buhay at sa panibagong mundong tatahakin ko dahil sa pagtigil kong ito. Maaaring balang araw... Mahahawakan ko rin ang aking diploma habang suot ang aking itim na toga.

Self care photo

Mahalin at alagaan natin ang ating sarili, dahil laging sa huli ang tanging matitira lamang sa atin ay ang ating sarili.

Ang huling mensahe ko sa artikulong ito, hindi pagiging bastos o pagiging masama ang paguna ng ating sarili bago ang iba.

Salamat sa pagbabasa!

Credits:

Lead Image-

https://www.google.com/search?q=self+care&client=ms-android-oppo&prmd=invx&sxsrf=AOaemvKqMtlHqolSjgXkqYLeij9qTmiNFw:1630225071855&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwid4b7S5dXyAhVGd94KHe-HDmIQ_AUoAXoECAMQAQ&biw=360&bih=566&dpr=2#imgrc=eoO8WldbSnPa8M

Self care photo-

https://www.google.com/search?q=self+care&client=ms-android-oppo&prmd=invx&sxsrf=AOaemvKqMtlHqolSjgXkqYLeij9qTmiNFw:1630225071855&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwid4b7S5dXyAhVGd94KHe-HDmIQ_AUoAXoECAMQAQ&biw=360&bih=566&dpr=2#imgrc=77C4BEHz2S7OaM

Have a great day people! ♡

3
$ 0.72
$ 0.69 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ling01
Sponsors of Tamia
empty
empty
empty
Avatar for Tamia
Written by
3 years ago

Comments

Tama, mahalin at respituhin muna antin ang ating mga sarili bago tayo magmahal sa iba para sure na tama at mat rispito ang pagmamahal nating iyon,

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago

Tama po, minsan nga po akala natin na okay tayo na naiuuna natin ang sarili natin pero marerealized nalang po natin ang katotohanan kapag may nawala saatin at nasaktan tayo siguro ngapo hindi naman maiiwasan sa buhay na masaktan pero iba parin pag alam mo sa sarili mo kung ano ang halaga mo. Thank you po sa tips❣️

$ 0.01
3 years ago

True na true po :) welcome po hehe

$ 0.00
3 years ago

Dapat nga din naman natin isipin muna yung sarili natin, kasi minsan nagiging sanhi sya nga stress. Sa ngayon sinasanay ko na ang sarili ko sa paghindi, mas nakakagaan sa pakiramdam

$ 0.01
3 years ago