Habang sa pagliligpit ko ng aking mga mga kagamitan nang ako'y nagaaral pa lamang, nakita ko ang talaarawan na aking gamit gamit noong ako'y nasa ika- siyam hanggang sa ika-sampung baitang pa lamang ng high school. Sa pagbabasa ko ng bawat pahina nito, muling bumabalik sa akin ang mga di malilimutan at masasayang sandali na siya ring tumulong na bumuo at humubog sa aking pagkatao at sa kung ano ako ngayon. Ang ilan rito'y mga kahihiyan ko noong ako'y humahanga sa isang kapwa ko kamag-aral sa parehong paaralan.
Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga laman ng aking Diary, noong mga taong 2014-2016, narito ang unang pahina.
Sa unag pahina makikita ang pinakapaborito kong mga quote, una ay,
"When you do fantasy, you must not lose sight in reality".
-Walt Disney
Naaalala ko, kaya ko napili ang quote na ito ay dahil sa pagkabaliw ko noon sa kpop at lalong lalo na sa aking hinahangaang lalaki sa aming paaralan, ngunit siya ay may nobya noong mga panahon na iyon kaya't tanging ang quote na lamang na ito ang tanging pinanghahawakan ko, na balang araw mapapasaakin rin siya kahit pa't imposible LOL.
At narito pa ang isa,
"Enjoy the little things in life, for one day you'll look back they were the big things".
-Robert Breault
Sa mga panahong ito, mas pinahahalagahan ko ang bawat oras na kasama ko ang aking mga kaibigan, kaklase, guro at paaralan, dahil sa nalalapit na araw na tuluyan na naming lilisanin ang paaralan na siyang naging pangalawa naming tahanan sa loob ng apat na taon, at higit sa lahat ay ang pagtahak na namin sa kanya kanya naming landas kapag nangyaring kami ay tuluyan nang makapagtapos. Kaya't dahil sa quote na ito, masasabi kong naenjoy ko ngang talaga ang aking high school life.
Narito ang isa sa mga naisulat ko noon sa aking diary.
"OMG, Nakita ko siya syet ang gwapo niya taas pa yung buhok nya then brown yung eyes nya kyaaa! Gwapooo (*>.<*) โก.
#(korean ng kanyang apelyido) โกโก".
Isa sa kinabaliwan ko sa aking crush noon ay ang kanyang maamong mukha, kayumangging buhok at mata at higit pang mas lalong hinangaan ko sa kaniya ay ang kanyang katalinuhan lalo sa paksang matematika dahil siya ay laging laman ng quiz bee at laging laman din ng entablado sa tuwing nagkakaroon ng pagkilala sa ilan sa mga estudyanteng nangunguna sa grado sa buong paaralan.
Sa aking ginamit naman na hashtag ay dahil sa pagiging ampalaya ko lamang ng mga panahon na iyon sa kaniya at sa kaniyang nobya, na nawa'y maghiwalay na sana sila haha.
Natapos ang JS Prom nang hindi ako sumali, natapos na rin ang Field Trip na siyang pinaka aantay ko. Naging masaya naman ang lahat ngunit para sasaan pa't darating din talaga sa pagtatapos ang lahat. Labis ang aking pagkalungkot sa mga panahong ito dahil una, hulu ko nang naenjoy ang buhay ko sa high school years, pangalawa ay takot pa akong makisalamuha muli sa mga taong hindi ko pa kilala dala narin ng aking pagkamahiyain.
Sa huling dalawang araw na ito ng pagiging 4th year student ko sa aming paaralan naganap ang Closing Party.
"Closing Party, masaya na malungkot syempre masaya dahil gagraduate na kami at malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami".
Tanging saya at lungkot talaga ang maghahalo sa tuwing magtatapos tayo ng pag-aaral at iyon na iyon ang aking naramdaman habang inaawit namin nang sabay sabay ang kantang Still (Hillsong Worship), bilang pagtatapos ng aming isinagawang moving-up sa covered court ng aming paaralan. Muling nanumbalik sa akin ang mga iyakan ng magkakaibigan, maging ngd aming mga guro sa amin kasabay ng kanilang mga munting mensahe sa amin sa tatahakin naming landas sa sandaling makalabas na kami sa paaralan na iyon. Maraming Salamat Amparo High School sa pagiging parte ng aking buhay.
Salamat rin at natagpuan kong muli ito, Ang aking Diary dahil nanumbalik muli sa aking alaala lahat ng mga masasaya, nakakahiya, nakakakaba at nakakalungkot na mga sandali ng aking high school life. Bagama't hindi ko maibahagi ang lahat sapagka't ito ay aking talaarawan, lahat ng nabanggit ko sa itaas ay siya ring laman ng diary ko na ito. Ang sayang may babalikan kang isang bagay na kagaya ng Diary na magbabalik sayo sa nakaraan mo, ang sayang alalahanin ang lahat.
At iyan ang aking artikulo sa araw na ito, maraming salamat sa iyong oras kaibigan.
Disclaimer: Ang mga ginamit na mga quotes sa artikulong ito ay maaaring nailahad na sa ibang artikulo, kaya't bilang pag-galang sa may sulat ng mga quote ay nakalagay rin sa ibaba nito ang mga pangalan ng pinanggalingan nito.
Maaari mo ring basahin ang ilan sa aking mga artikulo โก.
Magandang hapon ๐.
Ang galing at may diary ka pa naitago. Sarap din magbalik tanaw e. Ano nangyari dun sa gwapo na yun? Naghiwalay din ba? hehe.