Ang daming tanong na Hindi natin mabigyan nang kasagutan dahil Hindi natin alam minsan, at minsan ay ayaw natin alamin.
Ang daming sagot na walang tanong mga kusang lumalabas kahit na hindi natin isipin at hagilapin.
Paano kaya. Paano kaya kung sinubukan natin yung mga gusto natin gawin subalit hindi natin sinubukan dahil sa takot tayo na baka mareject at magkamali tayo.
Siguro ay hindi tayo ganito ngayon. siguro iba ang buhay natin ngayon. Siguro ay matagumpay tayo ngayon.
Siguro. Siguro.
Paano kayo kung hindi tayo sumuko kaagad sa kinaharap natin na problema at suliranin. Siguro ay iba na ang sitwasyon natin ngayon.
Paano kaya kung hindi tayo naging pabaya at naging walang bahala sa mga bagay na meron tayo noon na ngayon ay wala na. Siguro ay nasa atin parin ito at hindi tayo meserable ngayon dahil sa pagkawala nito.
Paano kaya kung sumugal tayo sa mga gusto natin na.
Paano kayo kung hindi tayo naging duwag.
Paano kaya kung lumaban tayo.
Paano kaya kung hindi tayo naniwala sa iba.
Paano kaya kung ginawa natin yung gusto talaga natin at hindi yung gusto nila.
Paano kaya?
Paano kaya?
Paano kaya kung maibabalik pa ang nakaraan at bibigyan ka pa ng pagkakataon upang mabago ang mga bagay bagay.
Gagawin mo ba?
Hindi kaba matatakot na subukan ang mga hindi nagawa.
Hindi kaba matatakot na sumugal at baka matalo lang.
Hindi kaba matatakot at magpapaka duwag nalang.
Hindi kaba matatakot at sa halip ay lalaban ka para sa mga gusto mo.
Paano kaya.
Paano kaya kung hindi tayo naging katulad nang naging tayo noon. Siguro ay hindi ka ganito, ganyan. Marahil ay Isa ka nang may masasabi sa buhay mo kung Hindi ka naging takot duwag at nag sawalang bahala.
Marami tayong gusto na hindi natin makuha.
Marami naman tayong nakuha kahit Hindi natin ginusto.
Subalit kahit na ano pa man ay hindi na natin maibabalik ang nakaraang kahapon. Kaya imbis na isipin natin ito ay focus tayo sa ngayon at sa kinabukasan.
Dahil sa ngayon ay marami na tayong naipon na mapaghuhugutan upang magamit natin sa kasalukuyan.
Hindi na natin maitatama ang nakaraan na kamalian subalik pwede tayong gumawa nang tama sa kasalukuyan.
Sumusugal tayo sa bawat araw na ginagawa natin yung mga bagay na gusto natin at kahit yung hindi natin gusto, Hindi natin hawak ang kasagutan dito dahil maaari tayong manalo at maari tayong matalo.
Ang sigurado lamang ay na kapag tumanggap natin kung ano man ang maging resulta nito ay tiyak na may makukuha tayong mga aral at mga kinakailangan natin upang magawa na natin ito nang tama sa susunod at manalo.
Salamat sa pagbabasa at hanggang dito na lamang tayo.
Sana ay nagustuhan niyo ito.
At kung mangyari ay wag mahiyang mag iwan nang komento sa ibaba. Maraming salamat ☺️👐
Ung bigla akong napaisip nung nabasa ko ung "mang iwan ng kuminto sa ibaba".., nagtanongbano ang kuminto.. sorry, biglang natigil ang utak ko doon.., 🤣
Pero tama po.., hindi man natin mabalikan ang panahon, pero sana magsilbi silang aral para hindi na maulit ang hindi maganda at para hindi narin magtanong ng paano kung (what ifs)..