Isa, Dalawa, Tatlo...

2 23
Avatar for Tagalog
2 years ago

Isa

Dalawa

Tatlo

Kailangan ko pa bang ipag patuloy to, kailangan ko pa bang paabutin ng sampo, dalawangpo, Isang daan, dawalang daan to para lang malaman mo.

Hindi ako nagsawa dahil sa alam ko sa sarili ko na ikaw lang yung nagpapasaya at makakapagpasaya sa buhay ko subulit, ngunit sa mga pinaparamdam mo ay alam kung hindi na ako.

Alam kung hindi na ako ang dahilan nang bawat pag ngiti mo.

Alam kung hindi na ako ang dahilan sa bawat pag gising mo.

Alam kung kung hindi na ako yung kumukumpleto nang araw mo.

ALAM KO

ALAM KO

ALAM KO hindi ako manhid upang hindi ko makita at malaman ang lahat ng ito, ngunit sana ay dinahan-dahan mo.

Dahil mahirap iproseso ang lahat ng ito sa utak ko.

Hinayaan ko na lokohin mo ako sa pag aakalang kaya ko.

Hinayaan ko sa pag aakalang matitiis ko.

Subalik mali ako, hindi ko kaya na meron kahati sayo, Hindi ko pala kaya na may ibang nagma may-ari sayo. kaya, Kaya kung hindi na ako, kung hindi rin lang ako...

Tama na siguro yung ilang ulit kung hinayaan na gaguhin, lokohin, mag mukha akong Tanga dahil sayo.

Tama na

Tama na siguro yung ilang ulit kung pinatawad ang sarili ko. Sa pag aakalang magbabago pa ang lahat sayo.

Tama na siguro yung mga pagpapatawad ko sayo mga paghingi mo ng pagkakataon upang maayos to kahit alam ko na hindi ito totoo.

TAMA NA...

AYOKO NA...

SUMUSUKO NA AKO...

Tapos na ang lahat ng ito, ilang besis, ilang ulit kung tiniis. para lang masabi ko sa sarili ko na, hindi ako sumuko dahil sa gusto ko, kundi dahil yun ang patuloy mong ipinaparamdam sa puso ko.

Kung kaya

Mabuti pang wakasan ko na to.

Mabuti pang wakasan ko nalang ang buhay ko.

Dahil hindi ko kaya, hindi ko kaya na makita na wala ka sa piling ko.

At kung hindi rin lang ako

At kung hindi rin lang ako ang makikinabang sayo.

Wala ng dapat na sinaman ang makinabang sayo.

Kaya mabuti pa.

Mabuti pang magsama na tayo patungo sa kabilang mundo.

Dahil wala ng dapat na may mang-ari sayo kundi lang din ako.

Wakas....!!

Ps.

Iiwan ko ang mensahing ito upang malaman niyo na hindi ito totoo na ito ay bunga lamang ng emahinasyon ko.

Kung kaya pag ingatan natin ang puso natin na mapunta sa maling tao, dahil maaaring maging iba ang takbo nang buhay at pag iisip natin.

9
$ 0.00
Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty
Avatar for Tagalog
2 years ago

Comments

Uyyy kabaliktaran to nung isa ha.. hahaha...

Pero Ang galing mo po magsulat sa Filipino... Nakakamangha...

Basta po tandaan habang buhay may pagasa

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa pagbabasa at pag kumento dito sakin, Hindi ko alam na may kapareho na Pala dito nito

$ 0.00
2 years ago