Ganap kanina nung mag anak sa binyag.Ayon napalaban ng kain char!Walang ibang bisita kundi kaming mga ninong,ninang at mga kapitbahay kaya konti lang tao.Mabuti na lang nakisama panahon at hindi umulan.Nilakad lang kasi namin hanggang simbahan malapit lang naman kasi tsaka exercise nadin.Ang higpit pala dito sa simbahan na to katabi lang ng subd.namin.Hindi pwede pumasok lahat limitado lang kasama ng magpapabinyag sa loob ng simbahan.Kaya naghintay na lang kami sa labas na matapos.Kasama ko kasi unica ko ayaw naman paiwan sa labas ng simbahan.Kaya ayan kinunan ko na lang yung labas ng simbahan at napa selfie na lang hihi.
Happy blessed sunday noisemates!
Tara!at maki zumba tayo kailangan tunawin ang mga taba ahaha.Tapos mamaya bawi sa kain char!Nakabili ako kahapon ng danggit.Meron na ulit stock sa binibilhan ko galing pang visayas yan.Kaya ang isang balot niyan 50 php.Dalawang ulaman na namin yan.Kami lang ni hubby kasi nakain niyan.Ayan yung niluto kong almusal ngayon bago umalis ng haws nakapagluto na para sa mag ama ko.Nag add na lang akong sunny side up eggs.Ansarap niyan ang crunchy...Morning guys...
After zumba ito kain ng puro carbs ahaha.Pancit palabok at pandesal nabili ko.Ito ganap ko kaninang umaga.Nagising ng maaga para magpapawis.Tinamad na magluto ng kanin kaya bili na lang.Sabado naman kaya need din mag relax.Wala nadin akong labahin nakapaglaba na kahapon.Mukhang magiging busy na naman ako nito gawa ng papalapit na christmas party namin.May contest ang bawat grupo samin ng sayaw.Good luck na lang samin.Happy weekends!
Yung bebe namin pagod na😅
Kahirap din talaga mag pictorial pag baby pa hindi makuhanan ng maayos pamangkin ko.Ang likot daw kasi kaya ayan lang na send samin sa gc.Ito yung pamangkin ko na nasa australia.Ang ganda sana kong naka smile siya noh!ganyan din ako nun sa anak ko hirap pag kukunan ng picture.Nung malaki laki naman need na may hawak na food para pumayag na mapicturan.Kayo mga momsh ano naman gawa niyo para makunan ng maayos kuha niyo sa mga anak niyo?Magandang tanghali nga pala sa lahat...
Payat days throwback thursday muna ko today.Ito yung mga panahon na sarili ko lang iniisip ko siyempre dalaga pa at wala pang pamilya.Ansarap maging buhay single work at gala lang.Ngayong may sarili ng pamilya bahay na lang pero mas ok na ngayon malaki na anak ko.Nagagawa ko na ulit ang lumabas at makihalubilo sa mga ka momhie dito samin.Masaya din naman kahit may pamilya na yun nga lang lumubo na ahaha.Dati problema ko pano tumaba ngayon ang pinoproblema ko pano pumayat eh food is life eh!😂Pasensiya na sa photo pa cute lang yung naka white diyan kaya naman naging acute tuloy😅Morning sa lahat diyan ...
Hello po sa lahat!
Kadarating ko lang galing ng munisipyo at kumuha ng postal id ko.Hindi kasi kami natuloy kahapon gawa ng makulimlim.Napadaan nadin sa cabuyao buko roll at ito na naman may ube buko roll na naman kami at bagong moja moja donuts.Try namin tong bago at hindi kami nagkamali ng pagbili.Ansarap niya siguradong matutuwa unica namin nito mamaya pagdating niya.Sakto lang kasi antamis niya kaya hindi nakakasawa talaga.Swak na swak pang merienda.Andami niyang flavor may choco,pandan,cheese,ube,strawberry at caramel.Bili namin sa moja moja donuts 90php at 95php naman sa ube buko roll.
Update kay bloody moon🌕
Wala akong nakitang bloody moon dito sa may banda samin.Ayaw pakita sakin.Buti pa dun kina mama kita sa kanila.Ayan nagsend sa gc namin.Maliit nga lang siya pag naka zoom naman eh malabo ahaha.Kaya ito lang ma e share ko dito.Musta naman yung mga nag abang kay bloody moon nakita niyo din ba?Kinukulit pa naman ako ng unica ko labas daw kami para makita si bloody moon.Magandang gabi sa lahat!dinner na po ang lahat diyan...
Hindi ko namamalayan mauubos ko na pala to ahaha.Napasarap ng kain habang nag scroll dito sa noise.app.Ansarap sana partner nito sa kape kaso hindi pala ko nagkakape.Tubig na lang ok na sakin.Naubusan na kasi ng yogurt hindi pa nakakapunta sa dali grocery store.Sa unica ko talaga to kaso ayaw niya naman siyempre no choice ako kundi ang kainin ahaha.Merienda po tayo ng toasted bread ka noise.
Adobong sitaw na may kaunting pork para sa almusal namin.Nakain ng ganitong gulay unica ko kaya ito na lang niluto ko ngayon mas healthy pang iulam.Hanggang lunch na namin yan kaya mayang gabi na ko mag isip ng lulutuin ko.After ko maihatid ng skul anak ko mamalengke na ko para hindi na lalabas mamaya.Alis din kami maya ni hubby kunin nirenew kong postal id.Napagastos pa tuloy tagal kasi ng national id na yan.May id na ulit ako mamaya hindi na ko colorum ahaha.Dito ko lang kasi tin id.Need ko verify yung sa coins.ph ko.Eh kasi naman tinamad na ko balikan yung sss id ko noon.Kaya wala ko nagagamit na valid id.Morning sa lahat!
Nag try ako nitong shanghai luncheon meat.Ansarap sana niya kaso naalatan ako.Mura lang din pati to 78 petot lang sa dali.Andami pa naman nakain ng anak ko pag mga unhealthy foods gustong gusto talaga ng mga bata.Ang hirap naman sanayin at sakit abot niyan.Kaya minsan lang ako magpaulam sa anak ko ng mga processed foods.Madali sana lutuin prito prito lang kasi.Yung sunod naman na picture yan stock ng anak ko pang snacks niya.Andami akala mo may kaagaw kumain.Kaya minsan pag napunta mga kalaro niya pinamimigay niya din.Pag ako kasi tutulong lalo ako mananaba puro sweets pa naman.Magandang umaga!
Nakapamalantsa naba ng uniform ang lahat ng mga mommys diyan?ako katatapos lang.Ito yung nakakatamad gawin ang init kasi mamalantsa.May pasok na bukas unica ko.Medyo mahaba din bakasyon nila 2 weeks din.Dapat nung thursday balik nila nag kansela naman ng pasok gob.namin dito sa laguna.Ayusin ko lang mga yan pwede na mahiga at matulog na maaga pa gising bukas para mag prepare ng agahan.Good night po sa lahat bukas naman ulit...
Mainit kaya naisipan namin bumili ng milktea ng unica ko.Okinawa sakin at wintermelon naman sa anak ko.Ordinary milktea lang yan kaya mura lang pero masarap na.Minsan na lang makapag milktea namiss din namin ng anak ko kasi to.Napabili nadin ng shawarma sa shawarma shack meron kasi niyan samin sa palengke kaso ayaw naman ng anak ko.Kaya ngpabili na lang ng fries at meron naman siya stock dito sa bahay na foods niya.Yung turks sana gusto ko kaso malayo samin yun.Solb na ang merienda namin ngayon...Musta ang maghapon natin diyan mga ka noise?merienda po tayo.
Lunch time na mga ka noise!
Pork sinigang ang aming ulam ngayon.Mapapa asim kilig ka sa asim ahaha.Madaming gulay kaya natabunan na yung karne.Buto buto yan para masarap sabaw niya malasa.Dun ako nabili sa bagong katay kaya medyo mura siya nabili ko ng 250 sa iba kasi 280 na.Share ko nadin almusal na niluto ko kaninang umaga.May nagbigay pancit bato samin kaya yan nadin niluto ko at baka amagin pa.Bigay ng kumpare ko na umuwi ng undas sa bicol.Bumili nadin ng pandesal para may partner yung pancit.After zumba ayan puro luto na lang nagawa ko hihi.Sabay sabay na po tayo kumain share po tayo ng mga ulam natin diyan parang budol fight tayo dito sa noise.app😅
Happy caturday noisemates!
Hindi lang tao ang marites pati pusa din.Habang nagpapakalong sakin may narinig na ingay sa labas sabay tungo ng ulo niya.Tsismoso lang ang daddy cat namin.Gustong gusto maglalabas pero pag nakakita naman ng tao takot naman ahaha.Kaloka na pusa to pero super bait at lambing niyan sakin.Hindi lang pag gutom nalapit sakin yan hindi kagaya ng mommy cat namin dito.Ang bigat na sa sobrang katakawan.Magandang gabi daw sainyo mula kay blaze namin.
Ang laki nitong crab na bigay sakin kagabi ng kumare ko.Hindi na ko nakakain ng kanin kaya now ko siya inulam.Sarap nito at malaman talaga pagka ganitong crab.Galing pa to ng bicol may farm kasi dun biyenan ng kumare ko kaya pinadalhan sila dito napasama din ako.Akala ko sa dagat lang to pwede din pala ang ganito sa fishpond.Happy weekend po sa lahat.Ano pong ganap natin diyan mga mate?Magandang umaga nga pala sa lahat.
Late merienda na kami ng unica ko.Tinamad magluto kasi agad.Mukhang hindi na naman ako nito makakakain na ng kanin mamaya.Nagprito akong saging o maruya.Ito madalas kong lutuin paborito namin to kong hindi nilaga prito.Mas madami nakakain ng anak ko pagka prito.Partner ng cimory yogurt ansarap kasi talaga nitong yogurt na to kaya pati ako napapakain din.Mas masustansiya din naman siya compare sa juice at softdrinks.Hanggat maaari kasi iniiwas ko sa mga ganung inumin anak ko.Sa mga hindi pa nagmemerienda diyan tara kain kahit late na...
Halloween party namin ng zumba movers kagabi.Hindi kasi natuloy nung nov.30 gawa ng binagyo tsaka brownout din.Ansaya kagabi at natuloy din kahit na umambon.Akala namin hindi na tuloy ang aming disco hehe.Yung costume ko diyan vampire witch na hindi naman scary ahaha.Hindi pinalad na makuha ang best in costume pero ok lang hindi ko kasi ginalingan.Ang mahalaga eh nag-enjoy ng sobra kagabi.Siyempre hindi mawawala ang kainan.Nag order na lang organizer namin sa korean food para hindi na mapagod.Madami din pa premyo at isa na ko sa ma swerteng nabunot sa pa raffle.Sunod na niyan eh christmas party naman.Blessed morning noisemates!
Ps.Yung ibang photo diyan kinuha ko sa gc namin.
Pasko ay papalapit na talaga kahit saang mall ka magpunta may sign of christmas.Naggagandahang malalaking christmas tree at christmas decors.Kaya pag pupunta ka ng mall hindi pwede na hindi makapagpa picture lalo na mga bata.Kuha ko nga pala yan kahapon nung magpunta kami ng divimall.Hindi pa tapos halloween sa kanila oh!Meron nadin malapit samin ansarap mag shopping pera lang ang wala.Yung anak ko lang pinamili ko.Magastos din pag napapalabas talaga.Di bale minsan lang naman.Masaya na ko makita anak ko na happy siya.Magandang umaga sa lahat!
Inabutan na ng lunch kanina kaya sa kfc na lang kami kumain.Gusto ko sana sa food court ng divimall kaso ayaw naman ng anak ko.Gusto ko sana mag ramen.Samantalang pag dito sa bahay hanap ng anak ko ramen kaloka.Nakita niya kasi kfc tapat lang ng divi mall kaya ayan diyan na kami kumain.Bata nga naman gusto laging chicken ang ulam.Nag ala king zinger na lang ako.Namiss ko fries kay kfc anlalaki kasi tsaka mushed potato nila.Pinag take out ko na lang si hubby at ayaw sumama kanina.Ganda ng panahon ngayon mabuti na lang talaga at ngayon kami lumabas.
Tinanghali na kami ng punta sa sementeryo ng anak ko.Napasarap kasi tulog ko nakabawi na nung puyat ng nakaraang bagyo.Anlamig na pati kasi.Mabuti na lang nasa lilim ang pwesto ng kuya ko at hindi din maputik.Maganda dito at presko.Kakaunti na lang din ang mga nadalaw mas madami kahapon at nung 31.Sinadya ko talaga magpa late para hindi madaming tao dito.Maganda pa sana tumambay kaso nag aaya na anak ko gumala.
Last year ito handa ko para sa mga kaluluwa.Napasilip lang kay fb at ito nakita ko throwback photo.Mabuti pa pala noon may handa ako.Ngayon wala pa kong kakanin.Nakalimutan ko magpa reserve naubusan ako dun sa inoorderan ko ansarap pa naman dun.Nagsabi naman na gagawa ulit ngayon sana umabot mamaya.Naluto ko lang kasi ulam lang.Katamad naman kasi magluto at tatlo lang naman kaming kakain.Nakakahiya naman sa mga kaluluwa na walang aamuyin na foods mamaya.Ito yung nakagawian na kasi tuwing undas.
Good morning and Happy all saints day!
Yung iba busy na para sa pagdalaw sa mga mahal sa buhay sa sementeryo.Ako naman ito busy sa tambak na labahin ko huhu.Kahapon lang kasi nagkaron ng kuryente kaya ngayon lang makakapaglaba.Bukas na lang ako dadalaw at kaunti na tao niyan.Sa mga hindi makakadalaw at malalayo pwede naman magtulos ng kandila mamayang gabi sa labas ng gate at magdasal o kaya pamisa na lang.Ang mahalaga niyan eh hindi padin natin sila nakakalimutan kahit wala na sila.Sa madaming suman diyan pwede pahingi na lang char!Ingat na lang po sa mga dadalaw sa sementeryo ngayon.
Yey!may kuryente nadin sa wakas kaloka antagal din bago bumalik.Hirap din ng data at mahina ang net.Kaya now lang ulit nakabalik dito.Makakapag ingay na ulit.Super thanks din sa donations kahit na hindi ako naging active dito eh may narereceived padin ako.
May humabol bago mag december madadagdagan na naman inaanak ko.Kinuha ako ng kapitbahay namin maging ninang ng anak niya.Ito yung invitation na binigay sakin sa nov.13 pa naman yan.Musta ang lahat dito?sana eh safe ang lahat.Mainit na ulit ang panahon.
Sa wakas nakakuha ng signal.Hays hirap talaga pag brownout simula pa kagabi to.Grabe kasi baha kaya need patayin supply ng kuryente.Ang hirap talaga kanina pa ko naboboring hindi makapag internet.Nag data naman kaso hindi magamit hina ng signal hindi tuloy makapag interact.Salamat naman at safe kami.Si hubby na galing sa work siya pa yung naglinis grabe din pagod niya kanina.Skl,ko lang yung gamit namin kagabi na rechargeable lamp at fan.Mabuti na lang na e charge ko siya kagabi hindi makatulog anak ko ng walang hangin kahit malamig naman panahon.Sana magkaron na kami ng kuryente huhu
Nakaligo naba ang lahat?sino gusto mag swimming free lang po samin oh!Ayan na lagay samin ng bagyong paeng pinaramdam na samin ang baha pero sa labas lang ng bahay yan.Wala pa naman sa loob.Si hubby naman ayaw ko na nga papasukin kasi restday niya naman aba'y pumasok padin grabe sa pagkasipag sa trabaho.Nagchat kasi sa kanya manager nila need niya daw pumasok.Mataas naman motor niya kaya gora padin.Nag brownout din samin mabuti at bumalik agad.Ang boring ng walang internet promise.Ang isip ko agad pano yan hindi makapag noise.Last photo selfie namin ng unica ko na pang halloween dapat sana ngayon halloween party nila eh baha kaya na postponed.
Anlamig sa labas kanina nung namalengke ako.Kailangan mamalengke kahit naulan at need ko mag stock ng mga rekado.Namili nadin ako iba pang ulam stock sa ref namin para hindi na ko lalabas.Sinabawang isda para sa maulan at malamig na panahon.Masarap kasi ang may sabaw ngayon at kailangan yung masustansiyang ulam.Nilagay ko lang petchay,kamatis madaming luya,kalamansi at iba pang sangkap ng makahigop ng sabaw anak ko at hindi sipunin.Uso pa naman ngayon ang sipon at ubo.Ansarap po nitong pampano antaba niya pati oh!Sana lumayas na ang bagyo hindi siya welcome satin.Kawawa mga napipinsala ng bagyo nakakadurog ng puso😪
Ito ang aming bagong pampa good vibes.Singer yarn!grabe kong makaiyak oh!Kagabi nanganak kapatid kong bunso na nasa aussie.Salamat naman at nakaraos na.Hindi ako nakatulog kaagad kagabi at hinihintay ko baby niya na makalabas.Nadagdagan na naman ng maganda sa pamilya namin char lang!Sa pangalawang photo ayan kapatid ko nag pictorial sa mga roses.Diyan ko hinihiram mga magagandang roses na pinost ko dito.Hindi din ako nakatulog ng maayos gawa ng nonstop na pag-ulan na may kasama ng hangin pero mahina lang naman.Ingat po ang lahat.
Kong merong snow sa ibang bansa meron din niyan dito sa pinas chariz!Throwback muna tayo ngayon puro foods na lang.Ito yung nag fieldtrip anak ko nursery pa lang siya diyan taong 2018 pa medyo matagal nadin.Nakita ko kasi sa memories kay fb.Sa gingerbread house nga pala yan sa cavite.Second distination na diyan pagkatapos pumunta ng farm animals.Nag design lang naman sila diyan ng malaking tinapay at may premyo kong sino pinaka magaling.After nun ayan pinaranas ng kunyari may snow puro bubbles lang naman😅.Siyempre hindi mawawala ang pictorial namin ng bebe loves ko.Maaga nagising at may lakad kami ni hubby maya ako babawi sainyo mga mate.Blessed morning everyone!
Hindi talaga tumigil si hubby na hindi makabili nitong ube roll.Akala mo naglilihi lang eh noh!Siyempre ito ang gusto ng kanyang unica kaya ayan binalikan niya talaga sa bakery.Infairness mas masarap siya pinagsamang ube at buko kaya mas pricey siya.Kaninang umaga bibili pa sana akong pandesal buti ayan may dala siya yan partner namin sa champorado at ngayon may tira pang champorado kaya ayan ulit ang merienda namin.Kain tayo puro kain na lang wala ng diet diet ahaha.
Malamig na ang umaga natin mga mate ramdam na talaga ang papalapit na kapaskuhan.Gustuhin ko man sana magbabad pa sa higaan bumangon na ko at nagluto ng masarap na champorado.Mabuti na lang hindi napanis yung niyog na nabili ko kahapon.Nilagay ko lang siya sa chiller.Dapat kasi kahapon ako magluluto niyan eh tinamad.Kain po tayo nasa last photo yung mga sangkap ko niyan.Andami ko padin malagkit na bigas pamimigay ko na ng kesa masira lang.Sa tablea naman isang lutuan na lang yung natira.Need na ulit mag stock.Masarap pagka ganyan na luto huwag lang masyadong malapot ang gata para hindi nakakaumay.Pwede kahit hindi na maglagay ng gatas kasi may gata na pero naglagay padin akong powdered milk.Yung asukal naman dapat tama lang hindi ko inubos yung 1/4 na nabili ko.Madami yan kaya kanya kanya na lang kuha kayo hehe.Bibili pa sana akong pandesal dumating si hubby na may dalang ube roll.Maya ko naman e share..