Nakakatuwa namang tingnan ang magpinsan na ito. Simula Kinder ay magkatropa na sila kaya kinuhang escort sa debut ang aking anak. Sana hanggang pagtanda nyo ay ganyan parin kayo ka-close. Happy Birthday Ella!
Joined 21 October 2022 · 122 posts
https://noise.app/Sunggabe Let's be friends Noisemate!
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Nakakatuwa namang tingnan ang magpinsan na ito. Simula Kinder ay magkatropa na sila kaya kinuhang escort sa debut ang aking anak. Sana hanggang pagtanda nyo ay ganyan parin kayo ka-close. Happy Birthday Ella!
Halamang gamot pala ito. Sabi ni Nanay. Nalimutan ko lang ang tawagπ π π Akala ko kase eh yung kagaya nung nabibili sa mga flower shops!
Kain po tayo ng suman na gabi na may pulot! Mmmm

Yung laptop ni meses na bumigay na ang screen kakawork. Pahinga muna at baka naman bumalik. Baka napagod lang. Buti nalang at holiday bukas at makakapahinga. Sana pag on sa thursday ay bumalik na siya sa dati.
Sarap sana ng may ganito sa tabi ng bahay. Sarap tambayan. Parang nasa resort lang. Hehe Kaso malaking pera pa din pagpapagawa ng ganyan. Haha
Tamang bonding ang mag sis. Konting shot at kain ng beefsilog. Kahit inabot ng 2am tapos may pasok pa bukas. Mamaya pala. Hahaha Iinum pero papasok. Kumusta po kayo mga kaingay?
Suka ng niyog na maasim. Sarap sawsawan ng chicharon at iba pang mga prito. Lalagyan ng sili asin, paminta, at sibuyas. Wow. Solve na. Haha
Papaya na may all purpose cream at condensed milk. Sarap dessert nito. Buti nalang at nakasimot ng papaya dito sa tabi ng bahay. Hahaha.


Ayos din itong Chicken inasal na bili dito sa taga samen. Sulit ang bayad. Bukod sa malaki ang chicken ay masarap narin ang lasa. Sobra sa isang tao kapag inulam ang isang piraso eh. Mauulit to. Kain po!
Magiging busy ang aking builder dahil matagal ako hindi nakapag login dito sa coc. Tuloy lng sa paggawa jan para may mabago naman sa village ko. Hahaha Tagal na nito pero ganito parin ang itchura. Hahaha
Congrats sa aming unico hijo for being an honor student. Keep it up. Sana tuloy tuloy hanggang matupad ang mga pangarap.
Good morning po sa lahat. Happy weekends kahit may pasok pa tayo ng Saturday. Tuloy lang hanggang makamit natin ang tagumpayπππ
Good morning po. Ito ang aking pagsubok na kakaharapin ngayong umaga. Ang magbuhos ng malamig na tubig dito sa amin sa Nagcarlan. Hahaha
Lansones na maasim. Galing kase ito sa bundok sa Lupa ni nanay. Kinuha ng aking kuya kase daw ay sayang. Medyo maasim pa pero pwede na ah. Sabik pa eh. Kesa naman bumili pa.. hahaha
Sino po ang nakakaalam sa inyo ng Lutong Sinantulan? Inad-ad na balat ng santol na may gata. Ang sarap ng lasa nya na nagtatalong asim at alat at konting tamis. Isa sa mga sikat na pagkain dito sa amin. Magandang gabi po!
At ito naman ang aming ulam. Pork nilaga na may patatas at repolyo tapos may sawsawan na toyo na may sili. Medyo late ang dinner namin. Baka po ang karamihan sa inyo ay tapos napo ano? Hehe

Ang isaw. Baw Hahaha. Masarap din itong nabili namin kanina na isaw ng baboy at dugo. Mukang malinis naman ang pagkakagawa kaya walang ibang amoy kapag kinakain. Gusto ko nga ulamin sa kanin eh. Haha Medyo madami yan kanina kaso napapak na ni Meses yung iba. Mabuti naman at natirhan pa ako.. Kain po. Magandang gabi po sa inyo!
Flex ko lng ang view kapag pauwi sa amin at sign na malapit na ang aming bahay. Malapit kana rin sa bundok. Hahaha Yan po ang Mt. Banahaw dito sa Nagcarlan Laguna. Ang kabila po nyan ay Quezon, Province. May dalawang pwedeng daanan kapag papunta don. Ang isa ay sa Majayjay Laguna at ang isa ay sa San Pablo City Laguna.
Inabot na ng ulan sa galaan kaya napabili ng payong. Wala na rin kase maayos na payong sa bahay kaya napabili narin. Ang tanong. Hanggang kailan kaya ito makakasama. Madalas kase naiiwan sa mga pinupuntahan. Haha Hindi na mabilang kung ilang payong na ang naiwala. πππ
Napasarap na nga panonood ang alalay ng player. 2nd game na nila dito sa 1-day league. Talo nung unang game pero parang may chance manalo dito sa 2nd game. Nakakalamang na kase pero sana hindi magpabaya para manalo. Pero ok lang naman kay meses kahit matalo. Ang mahalaga daw ay makalaro. Hahaha. Thats the spirit.
Ito nga pala ang check up ng aking bagets kahapon optical clinic dito sa amin. Nahihirapan na sa school kase malabo na ang mata kaya need na talaga magpagawa ng eye glasses. Ganon pala yun. Hindi agad dapat iset sa grado ng mata ang lense na gagamitin kase ay mahihirapan sa pag aadjust ang mata sa mga daily activities. Pero atleast ay mababasa na nya ang ibang words sa malayo kahit hindi muna daw yung parang back to normal na condition ng mata.
Yown uminit na. Nagliwanag na ulit ang kapaligiran. Kahit medyo makulimlim pa ang kalangitan ay mainit na ang sikat ng araw dito sa Nagcarlan Laguna paanan ng Mt Banahaw. Sana tuloy tuloy na ang init para hindi mahirap kumilos. Magandang umaga mga kaingay. Happy Sunday.
Ayan na naman po siya. Ihahatid ko lng sana kaso inabot ako ng ulan kaya nood muna. Kaso palakad ng palakas ang ulan ay may naghihintay na labahin sa akin sa bahay hahaha Parang may bagyo ang lakas ng ulan dito samin ah. Marami na namang Blessings ng tubig. Magandang umaga po sa lahat.
Tamang kumusta lang muna sa mga bata kase hindi pa makatulog at bagong kain pa. Si Meses kase nakatulog agad. Pagod sa vollleyball at napasali na naman sa One-day league sa kabilang brgy. Tapos bukas ay kasali na naman daw sa one-day league dito sa school samin. Hahaha. Pagbigyan ang hilig. Kahit nagka injury na ang daliri ay hindi parin tumitigil. Hahaha
Nako naman. Hindi pala na upload ang picture sa naunang post ko. Sablay naman eh. Hahaha Hindi naman pwede mag edit ng post kaya pahabol ko nalang. Nauna ang caption sa photo. πππ
Damay damay nato mga kaingay. Nagutom po kase ako eh. Ang hirap makatulog kapag kumakalam ang sikmura. Pero syempre konti lng lang mahirap din naman matulog ng busog. Tikman ko lng itong Chicken Adobo na luto ng aking Nanay. Late dinner po tayo. Magandang gabi po!
Good morning guys. Medyo maganda yata ang sikat ng araw ngayong umaga sana tuloy tuloy hanggang hapon. Today ang check up sa optical clinic ng aking unico. Gusto na nya magpasalamin kase ay lumalabo na rin ang mata. Baka nahihirapan na sa school kaya nagsabi na magpapasalamin na siya. Sana mura lang. Hahaha
Nagising naman ako kay Meses at nawiwindang siya sa nangyari sa kanyang Paypal. Nakisuyo na nga lang ang kanyang pinsan na gamitin ang paypal ni meses para makuha ang sweldo tapos ngayon ay si meses naman ang namomoroblema dahil hindi makuha ang pera sa paypal. Need daw mag Link ng Bank account kaso lahat ng ATM namin dito ay natry na nya i-link eh wala padin. Naka pending tuloy ang pera sa Paypal. Na-encounter nyo narin po ba ang ganon?
Parang nireplay lang ang ulam aa office kanina. Ginisang balatong/munggo din daw kase ang gustong ulam ni Meses. Eh di sige. Parang naulit lang ang mga pangyayari. Hahaha Dinner napo tayo at nakakagutom na mga kaibigan.
Friday na nga talaga at munggo na ang ulam. Sarap tuloy ng kain dito sa office. Napadami ang extra rice. At ang mahirap sa bagong kain ay nakaka antok.. Lunch napo mga kaingay!