read.cash Log in
@Sweetzyle22

@Sweetzyle22 in November 2022

@Sweetzyle22

Last year ito handa ko para sa mga kaluluwa.Napasilip lang kay fb at ito nakita ko throwback photo.Mabuti pa pala noon may handa ako.Ngayon wala pa kong kakanin.Nakalimutan ko magpa reserve naubusan ako dun sa inoorderan ko ansarap pa naman dun.Nagsabi naman na gagawa ulit ngayon sana umabot mamaya.Naluto ko lang kasi ulam lang.Katamad naman kasi magluto at tatlo lang naman kaming kakain.Nakakahiya naman sa mga kaluluwa na walang aamuyin na foods mamaya.Ito yung nakagawian…

@Sweetzyle22

Tinanghali na kami ng punta sa sementeryo ng anak ko.Napasarap kasi tulog ko nakabawi na nung puyat ng nakaraang bagyo.Anlamig na pati kasi.Mabuti na lang nasa lilim ang pwesto ng kuya ko at hindi din maputik.Maganda dito at presko.Kakaunti na lang din ang mga nadalaw mas madami kahapon at nung 31.Sinadya ko talaga magpa late para hindi madaming tao dito.Maganda pa sana tumambay kaso nag aaya na anak ko gumala.

@Sweetzyle22

Inabutan na ng lunch kanina kaya sa kfc na lang kami kumain.Gusto ko sana sa food court ng divimall kaso ayaw naman ng anak ko.Gusto ko sana mag ramen.Samantalang pag dito sa bahay hanap ng anak ko ramen kaloka.Nakita niya kasi kfc tapat lang ng divi mall kaya ayan diyan na kami kumain.Bata nga naman gusto laging chicken ang ulam.Nag ala king zinger na lang ako.Namiss ko fries kay kfc anlalaki kasi tsaka mushed potato nila.Pinag take out ko na lang si hubby at ayaw sumama…

@Sweetzyle22

Pasko ay papalapit na talaga kahit saang mall ka magpunta may sign of christmas.Naggagandahang malalaking christmas tree at christmas decors.Kaya pag pupunta ka ng mall hindi pwede na hindi makapagpa picture lalo na mga bata.Kuha ko nga pala yan kahapon nung magpunta kami ng divimall.Hindi pa tapos halloween sa kanila oh!Meron nadin malapit samin ansarap mag shopping pera lang ang wala.Yung anak ko lang pinamili ko.Magastos din pag napapalabas talaga.Di bale minsan lang…

@Sweetzyle22

Halloween party namin ng zumba movers kagabi.Hindi kasi natuloy nung nov.30 gawa ng binagyo tsaka brownout din.Ansaya kagabi at natuloy din kahit na umambon.Akala namin hindi na tuloy ang aming disco hehe.Yung costume ko diyan vampire witch na hindi naman scary ahaha.Hindi pinalad na makuha ang best in costume pero ok lang hindi ko kasi ginalingan.Ang mahalaga eh nag-enjoy ng sobra kagabi.Siyempre hindi mawawala ang kainan.Nag order na lang organizer namin sa korean food…

@Sweetzyle22

Late merienda na kami ng unica ko.Tinamad magluto kasi agad.Mukhang hindi na naman ako nito makakakain na ng kanin mamaya.Nagprito akong saging o maruya.Ito madalas kong lutuin paborito namin to kong hindi nilaga prito.Mas madami nakakain ng anak ko pagka prito.Partner ng cimory yogurt ansarap kasi talaga nitong yogurt na to kaya pati ako napapakain din.Mas masustansiya din naman siya compare sa juice at softdrinks.Hanggat maaari kasi iniiwas ko sa mga ganung inumin anak…

@Sweetzyle22

Ang laki nitong crab na bigay sakin kagabi ng kumare ko.Hindi na ko nakakain ng kanin kaya now ko siya inulam.Sarap nito at malaman talaga pagka ganitong crab.Galing pa to ng bicol may farm kasi dun biyenan ng kumare ko kaya pinadalhan sila dito napasama din ako.Akala ko sa dagat lang to pwede din pala ang ganito sa fishpond.Happy weekend po sa lahat.Ano pong ganap natin diyan mga mate?Magandang umaga nga pala sa lahat.

@Sweetzyle22

Happy caturday noisemates! Hindi lang tao ang marites pati pusa din.Habang nagpapakalong sakin may narinig na ingay sa labas sabay tungo ng ulo niya.Tsismoso lang ang daddy cat namin.Gustong gusto maglalabas pero pag nakakita naman ng tao takot naman ahaha.Kaloka na pusa to pero super bait at lambing niyan sakin.Hindi lang pag gutom nalapit sakin yan hindi kagaya ng mommy cat namin dito.Ang bigat na sa sobrang katakawan.Magandang gabi daw sainyo mula kay blaze namin.

@Sweetzyle22

Lunch time na mga ka noise! Pork sinigang ang aming ulam ngayon.Mapapa asim kilig ka sa asim ahaha.Madaming gulay kaya natabunan na yung karne.Buto buto yan para masarap sabaw niya malasa.Dun ako nabili sa bagong katay kaya medyo mura siya nabili ko ng 250 sa iba kasi 280 na.Share ko nadin almusal na niluto ko kaninang umaga.May nagbigay pancit bato samin kaya yan nadin niluto ko at baka amagin pa.Bigay ng kumpare ko na umuwi ng undas sa bicol.Bumili nadin ng pandesal para…

@Sweetzyle22

Mainit kaya naisipan namin bumili ng milktea ng unica ko.Okinawa sakin at wintermelon naman sa anak ko.Ordinary milktea lang yan kaya mura lang pero masarap na.Minsan na lang makapag milktea namiss din namin ng anak ko kasi to.Napabili nadin ng shawarma sa shawarma shack meron kasi niyan samin sa palengke kaso ayaw naman ng anak ko.Kaya ngpabili na lang ng fries at meron naman siya stock dito sa bahay na foods niya.Yung turks sana gusto ko kaso malayo samin yun.Solb na ang…

@Sweetzyle22

Nakapamalantsa naba ng uniform ang lahat ng mga mommys diyan?ako katatapos lang.Ito yung nakakatamad gawin ang init kasi mamalantsa.May pasok na bukas unica ko.Medyo mahaba din bakasyon nila 2 weeks din.Dapat nung thursday balik nila nag kansela naman ng pasok gob.namin dito sa laguna.Ayusin ko lang mga yan pwede na mahiga at matulog na maaga pa gising bukas para mag prepare ng agahan.Good night po sa lahat bukas naman ulit...

@Sweetzyle22

Nag try ako nitong shanghai luncheon meat.Ansarap sana niya kaso naalatan ako.Mura lang din pati to 78 petot lang sa dali.Andami pa naman nakain ng anak ko pag mga unhealthy foods gustong gusto talaga ng mga bata.Ang hirap naman sanayin at sakit abot niyan.Kaya minsan lang ako magpaulam sa anak ko ng mga processed foods.Madali sana lutuin prito prito lang kasi.Yung sunod naman na picture yan stock ng anak ko pang snacks niya.Andami akala mo may kaagaw kumain.Kaya minsan pag…

@Sweetzyle22

Adobong sitaw na may kaunting pork para sa almusal namin.Nakain ng ganitong gulay unica ko kaya ito na lang niluto ko ngayon mas healthy pang iulam.Hanggang lunch na namin yan kaya mayang gabi na ko mag isip ng lulutuin ko.After ko maihatid ng skul anak ko mamalengke na ko para hindi na lalabas mamaya.Alis din kami maya ni hubby kunin nirenew kong postal id.Napagastos pa tuloy tagal kasi ng national id na yan.May id na ulit ako mamaya hindi na ko colorum ahaha.Dito ko lang…

@Sweetzyle22

Hindi ko namamalayan mauubos ko na pala to ahaha.Napasarap ng kain habang nag scroll dito sa noise.app.Ansarap sana partner nito sa kape kaso hindi pala ko nagkakape.Tubig na lang ok na sakin.Naubusan na kasi ng yogurt hindi pa nakakapunta sa dali grocery store.Sa unica ko talaga to kaso ayaw niya naman siyempre no choice ako kundi ang kainin ahaha.Merienda po tayo ng toasted bread ka noise.

@Sweetzyle22

Update kay bloody moon🌕 Wala akong nakitang bloody moon dito sa may banda samin.Ayaw pakita sakin.Buti pa dun kina mama kita sa kanila.Ayan nagsend sa gc namin.Maliit nga lang siya pag naka zoom naman eh malabo ahaha.Kaya ito lang ma e share ko dito.Musta naman yung mga nag abang kay bloody moon nakita niyo din ba?Kinukulit pa naman ako ng unica ko labas daw kami para makita si bloody moon.Magandang gabi sa lahat!dinner na po ang lahat diyan...

@Sweetzyle22

Hello po sa lahat! Kadarating ko lang galing ng munisipyo at kumuha ng postal id ko.Hindi kasi kami natuloy kahapon gawa ng makulimlim.Napadaan nadin sa cabuyao buko roll at ito na naman may ube buko roll na naman kami at bagong moja moja donuts.Try namin tong bago at hindi kami nagkamali ng pagbili.Ansarap niya siguradong matutuwa unica namin nito mamaya pagdating niya.Sakto lang kasi antamis niya kaya hindi nakakasawa talaga.Swak na swak pang merienda.Andami niyang flavor…

@Sweetzyle22

Payat days throwback thursday muna ko today.Ito yung mga panahon na sarili ko lang iniisip ko siyempre dalaga pa at wala pang pamilya.Ansarap maging buhay single work at gala lang.Ngayong may sarili ng pamilya bahay na lang pero mas ok na ngayon malaki na anak ko.Nagagawa ko na ulit ang lumabas at makihalubilo sa mga ka momhie dito samin.Masaya din naman kahit may pamilya na yun nga lang lumubo na ahaha.Dati problema ko pano tumaba ngayon ang pinoproblema ko pano pumayat eh…

@Sweetzyle22

Yung bebe namin pagod na😅 Kahirap din talaga mag pictorial pag baby pa hindi makuhanan ng maayos pamangkin ko.Ang likot daw kasi kaya ayan lang na send samin sa gc.Ito yung pamangkin ko na nasa australia.Ang ganda sana kong naka smile siya noh!ganyan din ako nun sa anak ko hirap pag kukunan ng picture.Nung malaki laki naman need na may hawak na food para pumayag na mapicturan.Kayo mga momsh ano naman gawa niyo para makunan ng maayos kuha niyo sa mga anak niyo?Magandang…

@Sweetzyle22

After zumba ito kain ng puro carbs ahaha.Pancit palabok at pandesal nabili ko.Ito ganap ko kaninang umaga.Nagising ng maaga para magpapawis.Tinamad na magluto ng kanin kaya bili na lang.Sabado naman kaya need din mag relax.Wala nadin akong labahin nakapaglaba na kahapon.Mukhang magiging busy na naman ako nito gawa ng papalapit na christmas party namin.May contest ang bawat grupo samin ng sayaw.Good luck na lang samin.Happy weekends!

@Sweetzyle22

Happy blessed sunday noisemates! Tara!at maki zumba tayo kailangan tunawin ang mga taba ahaha.Tapos mamaya bawi sa kain char!Nakabili ako kahapon ng danggit.Meron na ulit stock sa binibilhan ko galing pang visayas yan.Kaya ang isang balot niyan 50 php.Dalawang ulaman na namin yan.Kami lang ni hubby kasi nakain niyan.Ayan yung niluto kong almusal ngayon bago umalis ng haws nakapagluto na para sa mag ama ko.Nag add na lang akong sunny side up eggs.Ansarap niyan ang…

@Sweetzyle22

Ganap kanina nung mag anak sa binyag.Ayon napalaban ng kain char!Walang ibang bisita kundi kaming mga ninong,ninang at mga kapitbahay kaya konti lang tao.Mabuti na lang nakisama panahon at hindi umulan.Nilakad lang kasi namin hanggang simbahan malapit lang naman kasi tsaka exercise nadin.Ang higpit pala dito sa simbahan na to katabi lang ng subd.namin.Hindi pwede pumasok lahat limitado lang kasama ng magpapabinyag sa loob ng simbahan.Kaya naghintay na lang kami sa labas na…

@Sweetzyle22

Kahapon yung pledge of citizenship ng kapatid kong bunsong babae na nasa aussie.So happy para sa kanya.Sa wakas ganap na siyang australian citizen.Kaya niloloko ko pwede na ko mag tourist visit dun sa kanila kaso budget lang ang wala ahaha.Yung suot niya naka filipiniana australia at yung bag native na burlap bag ang gamit niya.Bagong panganak lang yan kaya anlaki tingnan.Yang photos sinend niya kahapon sa gc namin bago niya ipost.Morning sa lahat mukhang malungkot na naman…

@Sweetzyle22

Ang ganda ng nabili kong kamote.Sa kapitbahay namin yan dito lang sa mainroad bagong bukas.Masarap yung ganitong klase ng kamote tama lang ang tamis niya.Ito muna kainin ko kahapon kasi puro carbs food sa handaan.Tubig lang panulak nito bawal muna malamig na inumin.Mabuti na lang hindi nagtuloy akala ko kasi uubuhin ako kahapon.Namili na ko ng dalandan ayon ok na lalamunan ko.Hindi nadin ako mag rice mamayang gabi.Sana lang huwag gutumin may practice pa naman kaming…

@Sweetzyle22

Na busy kanina pag pay day kasi need mamili ng mga stock pang rekado at groceries sa bahay.Kaloka yung sibuyas umabot na pala ng 300 ang kilo.Nakabili ako dun sa 280 lang ang kilo.Meron pa naman 250 kaso hindi naman maganda baka mabulok lang.Kaya ito namili na lang roasted chicken kanina para hindi na ko magluto.Maya na lang gabi ako magluto ng ulam namin.Nakabili din o-puff ang mura lang pala niyan 21 petot bili ko.Sa tindahan kasi 4 lima na benta niyan wala ng tag piso sa…

@Sweetzyle22

Katatapos lang mag prepare nitong uulamin namin mamayang lunch.Alam niyo na kong ano ulam namin mamaya hanggang hapunan na yan para tipid.Umay sa manok at isda kaya mag gulay naman para healthy at humaba ang buhay.Nakabili kasi ng hipon 50php tamang pangsahog lang.Sa sili talaga ko nagulat pagbili ko.Binigay ko kay kuya sampong piso eh may kausap.Naghihintay ako ng sukli yun pala tag sampu na ang isang balot niyan ahaha.Ayan kasi hindi nagtatanong kahiya tuloy😅Pag gulay pa…

@Sweetzyle22

Magandang hapon sa lahat sana nakapaglunch na ang lahat.Ako ito after kumain ito namang boy bawang ang napagtripan kong kainin.Sarap na sarap ako dito may suka siyang pinakurat.Last ko ng gamit sa suka na yan.Dinala kasi ni hubby sa planta at magluluto daw mga tao niya dun at yun lang daw ambag niya😅may sumagot kasi ng pang lunch nila ngayon.Mag sinabawan ata sila.Mamimiss ko yung sukang pinakurat ansarap pa naman sawsawan yun.Tara kain tayo...

@Sweetzyle22

Maagang nakapagluto ng aming lunch ni unica .Ito yung nabili ko kanina isang buong yellow fin.Sobra na samin tatlo yan kaya meron din ang aming mga pusa.Nilagay ko purong gata para mas malinamnam.Sayang wala akong talong at okra pechay lang nilagay kong gulay. Ansakit ng katawan ko nasobrahan ata sa hataw kanina tapos sa gabi practice naman ng sayaw.Baka mamayat na talaga ko nito.Yung short kong black kanina nagkasya na edi nagbabawas na nga din ng timbang.Dahan dahan lang…

@Sweetzyle22

Ang cute ng kausap ko kanina apaka bungisngis talaga nitong pamangkin kong to.Ang bilis lang ng panahon.Ngayon eh malapit na mag 1yr old.May invitation din sinend sakin kapatid ko at invite kami sa 1st birthday niya na gaganapin sa jollibee.Mas ok din mag celebrate sa jolibee kahit limitado lang oras hindi kapa pagod.Pagkatapos ng party uwian na wala kana ibang aasikasuhin pa.Excited na tuloy ako sa party ng bebe namin.Ano kaya magandang gift para sa kanya.Tamad kasi ko…

@Sweetzyle22

Snacks time mga mate... Ito meryenda ko ngayon suman balinghoy o kamoteng kahoy na may bukayo.Ansarap nito kaya talagang napapabili ako pag may nadadaanan nito papuntang palengke.Tubig na may lemon at cucumber lang partner ko diyan.Ayan panlaban ko kaya hindi ako sinisipon at ubo hindi gaanong maasim yan madami kasing water 1.5L yung lagayan kong tumbler.Kaya madami din ako naiinom na tubig sa maghapon.Nirerefill ko lang siya...Gandang hapon sa lahat snack nadin po kayo…

@Sweetzyle22

Namiss ko mag decorate ng christmas tree.Sayang naman ng binili kong christmas tree naka stock na lang.Isa sa problema pag may alagang mga pusa pinaglalaruan yung mga christmas decor.Inaakyatan pa nga yan kaya tumba palagi.Kaya simula ng mag alaga ako ng mga pusa wala na talagang christmas tree samin.Sa labas na lang ako naglalagay ng christmas decor at christmas lights para naman ma feel namin ang papalapit na pasko.Musta naman dito sana bumalik ang dating sigla dito.Yung…

@Sweetzyle22

Morning noisemates! Kakamiss din dito may mga tao paba dito yahooooooo....Paggising sa umaga noise agad ang silip.Sana naman bumalik pa yung dating sigla dito🙏.

@Sweetzyle22

Ginataang papaya para sa aming lunch.Hinaluan ko din ng malunggay at sahog niya lang sardinas.Sarap na ulam namin simple pero yummy yarn.Hindi din kasi tinipid sa gata.Yung niyog na purong gata lang binili ko at papaya may stock pa naman kasi ko dito sardinas.Katatapos din lang magpaligo sa mga pusa.Ganda kasi panahon ngayon.Waiting na lang ng uwian ng aking unica pwede na kami kumain.

@Sweetzyle22

Yay!pinasaya ako nitong mga natanggap ko.Aga ng blessings sa mga hindi sumuko na maghintay dito at patuloy na naging active.Salamuch sa donors babaha na naman ng unread to hihi. Good morning noisemates gising nadin ba ang iba diyan?ako katatapos lang magluto.Asikaso na sa mga maagang papasok diyan para hindi ma late sa work or skul.Gisingin ko na unica ko para makaligo na at breakfast.

@Sweetzyle22

Snack po tayo ng ginataang saging na saba o pinakro kong tawagin samin yan.Yung totoo lunch ko po yan hanggang mamaya ko ng food yan.No rice for today excited kasi ko sa christmas party namin para sexy sa suot na santa claus outfit.Yung boots na inorder ko dedeliver nadin mamaya anlayo pa yan pero naka ready na agad hindi talaga halatang excited ako noh!😅Balik tayo sa ginataang saging.Namiss ko kasi ganitong luto asin lang pantimpla ok na ansarap na niya.Manibalang na saging…

@Sweetzyle22

Maulang umaga🌧️ Wrong timing naman panahon ngayon kong kelan maglalaba sana ako ngayon saka naman naulan.Parang ansarap lang nito matulog lalo na inaantok ako at katatapos ko lang magbasa ng mga unread.Nakalimutan ko wala pa pala kong post ahaha. Tortang dulong ang almusal ng mag ama ko kanina.Kumain din ako ng kanin konti lang at papak lang ng ulam.Isa lang may tinda niyan sa pwesto ng isdaan.Ang mahal nadin kasi ng kilo niyan nasa 280 nadin.Bihira din kasi ang ganyan kaya…

@Sweetzyle22

Late breakfast na namin after ng zumba saka pa lang kasi ko namili ng pansahog at pang ulam nadin namin.Pancit canton niluto ko madali lang din lutuin kesa sa bibili pa kano din gastos.Yung tira pwede pa pang meryenda mamaya.Bumili din ako pandesal partner sa pancit.Bihira lang makakain ng pandesal puro kanin kasi sa umaga.Mabuti na lang nakapaglaba na kahapon kapagod din kasi kong ngayon ako maglalaba mababasa pa paa.Mamaya practice na naman...May event din kaming…

@Sweetzyle22

Happy Caturday guys! Ang lapad na ng copper namin.Ito na lang naiwan samin sa mga anak ni scarlet.Hindi talaga pumayag na ibenta siya ng mag-ama ko.Siya yung matakaw pa naman.Kaya bahala asawa ko total siya naman ang nabili ng pagkain nila kahit magastos ok lang sa kanya.Malapit nadin yan mag 4mos.ganyan na kataba kong sa tao obese na ahaha.Minsan tawag ko diyan butete chaba chaba niya kasi.Hayahay buhay madalas ganyan higa niya sa kabusugan laging nakatihaya.Kanina dinalaw…

@Sweetzyle22

Pumunta kami ng cabs gymnasium kanina.Nagmotor lang kami after ng zumba ko.Sabi ko sa mag ama ko sila na lang pumunta hinintay pa talaga ko.Ayan tuloy ang init na ng punta namin.Pinaarawan namin dalaga ko at inuubo kasi.Nasobrahan na sa init tuloy ayaw mangitim ng anak ko arte lang.Mas maganda kasi maaga talaga pupunta diyan.Ang presko sa lugar na yan.Ewan ko lang pag tumagal na.May ginagawa nadin peryahan.Ganda sana punta mamaya ng nuvali ganda kasi yung pailaw dun sa tubig…

@Sweetzyle22

Snacks time mga mate.Hindi nakatulog maayos ingay kasi ng kapitbahay namin kaya idaan na lang sa kain.Milktea at waffles ang binili kong meryenda namin.Sakto yung milktea ang init kasi ng panahon.Okinawa akin at taro flavor naman sa anak ko.Imbes na lumabas dito na lang haws hindi pa pagod.Ang sakit din pati ng katawan ko kaya ipahinga na lang sa bahay.Mamalantsa pa naman ng mga uniform bukas may klase na.Meryenda nadin po kayo diyan...

@Sweetzyle22

Good morning guys!Monday na ulit kaya busy busyhan na naman ang lahat sa pag prepare pagpasok ng mga chikiting sa skul.Ingat po ang lahat.Maaga kami lagi ng anak ko kahit na malapit lang skul niya. Kaka check in ko lang kay shein malaki na ulit naipon kong points.Makakapag order ulit ako gamit yang points.Malaki din nababawas pag ginamit yung points kay shein.Balak ko orderin dress ng anak ko.Bye muna asikaso muna after ko maghatid sa skul deretso na ko mamalengke.Thanks god…

@Sweetzyle22

Happy lunch mga mate!Yung pumunta ka ng palengke kanina na hindi alam ang uulamin namin.Bigla ko naisip mag batchoy tagalog na nga lang.Mabuti to at may sabaw para nadin ako nakakain ng dinuguan nito hihi.Nawala sa isip ko yung siling haba hays di bale ok nadin yan.Ang gustong gusto ng unica ko diyan yung miswa talaga.Makakain na nga ng makapagpahinga na after.Masarap matulog kahit na mainit panahon.Oh siya kain na muna kami kayo din diyan ...

@Sweetzyle22

Nakakatamad na martes.Yung gusto mo lang mahiga kasi the red 🚩is up.Ito talaga pinaka ayaw ko pag meron.Dapat mag grocery sana ako ngayon wala na tinamad na.Nakapamalengke na ko at nakabili ng maiuulam namin at mga rekado.Lalo lang ako nanghina sa mga bilihin ahaha. Skl,itong nakita kong siberian husky na bantay sa tindahan.Ang ganda ng bantay nila at parang ang bait niya labas pa dila oh!Sa may hi way yan.Hindi ko lang nalapitan kaya pinicturan ko na lang.Happy choose day…

@Sweetzyle22

Kanina yung zumba for a cause kaso hindi naman ako nakasama.Di bale nag avail naman ako ng ticket.Sa sunod na lang ako sasama.Panira kasi tong buwisita ko eh!Nag morning walk na lang kami sa cabs.Need din kasi ng unica ko ang maarawan para tuluyan ng mawala ubo niya.Nakabili nadin ng kamote mura lang kasi kilo dun.Ganito masarap ilaga maliliit lang.Konti lang binili ko mahina kasi sa ganyan anak ko.Morning guys!

@Sweetzyle22

Pizza time yung pang masang presyo lang.Ham & cheese flavor wala kasi nung nagawa.Ito lang avail.at hawaiian kaso ayaw naman ng anak ko ng hawaiian.Gusto ko sana yung shawarma pizza.Sa sunod try ko nga yun.Masarap nadin ganitong pizza kahit hindi gaanong mahal.Nakakabusog nadin solb na ang aming meryenda.Hindi na ko magbayad ng delivery fee kasi malapit lang samin.