Snacks time mga mate... Ito meryenda ko ngayon suman balinghoy o kamoteng kahoy na may bukayo.Ansarap nito kaya talagang napapabili ako pag may nadadaanan nito papuntang palengke.Tubig na may lemon at cucumber lang partner ko diyan.Ayan panlaban ko kaya hindi ako sinisipon at ubo hindi gaanong maasim yan madami kasing water 1.5L yung lagayan kong tumbler.Kaya madami din ako naiinom na tubig sa maghapon.Nirerefill ko lang siya...Gandang hapon sa lahat snack nadin po kayo diyan.
40 comments
Sakto sa kape yan sis..
Oo nga sana sis lalo na at malamig panahon kaso hindi na ko nagkakape.
Masarap po ang ganyang suman 😋
Tara kain sis sarap nga eh!
sarap sa kape!!
Yes sis perfect nga yan sa coffee.
Ang healthy ng snack.
Mas ok yan kesa sa tinapay mate magabat din sa tulak.Taga bicol man kaan tigbabakalan ko.
Iyo baga, masiram pa. Dae na ta naagi digdi sa may samuya itong naglalako kayan. Na miss ko na. Binanban apod mi kayan.
Ang sarap Naman Po nyan .Ayayay! Na miss ko Nanay ko masarap mag luto nyan.
Ako din sis sipag magluto mama ko niyan samin noon libre lang kasi bibilhin mo lang asukal.
Sarap naman ng snacks sis. Gandang hapon
Oo sis mabigat na siya sa tiyan pati.Gandang hapon din sayo...
Sarap nga po yan. Wala ng nagbenta sa amin ng ganyan.
Mabuti dito samin mate may nagtitinda pa niyan.Yung ibang kakanin nga wala nadin dito samin.
Hala ganyan ang gusto ko
Ako din sis tapos mga kakanin ansarap pang meryenda.
Sarap kasi nung bukayo saloob, dito ndi uso ganyan
Yan ang masarap suman balinghoy
Kaya nga sis buti meron nagtitinda niyan dito samin.
Samin dto bihira lang
Sarap penge. Gnyn din kmi me lime or.lemon sa water
Ubos na sis haha dalawa lang binili ko kasi hihi.
D ka nagtora kajitnisang subo ko lng? Anyway bukas ulit
-->… 😁 hinihintay k0 talaga may dumaan dito na ganyan sis at papakyawin ko talaga… ang sarap niyan… masyadong ma trabaho ang pa gawa ng sumang balanghoy pero sulit dahil ang sarap niyan talaga…
Ay totoo yan sis kasi nagawa niyan mama ko noon at may tanim kami niyan balinghoy.
Naku sis sobrang sarap nito sis balinghoy at may laman sa loob na bukayo. :) nakaka miss ang gantong meryeda. Enjoy sis😘
Wala niyan diyan sainyo sis kaya mamimiss mo talaga pagkaing ganyan.Sarap nga sis tama lang pati tamis niya.
hmm masarap yarn, suman na kamoteng kahoy
Kamoteng kahoy din pala sainyo yan sis sa iba naman balinghoy o bolanghoy.
ou naman sissy walang ibang tawag nyan dito sa metro manila kundi kamoteng kahoy o kaya cassava lang.🤭
Ay paborito ko yang suman kamoteng kahoy with kape.
Sa kape nga yan masarap partner noh sis kaso hindi naman na ko ngakakape ngayon tubig tubig na lang haha
Masarap to sa kape :D
Opo mate yan talaga perfect ka match niya kaso ako tubig lang haha.
Sarap nga ng snack mong iyan, ka-noise!
Salamat mate kong pwede nga lang araw arawin hihi.Kanina may tinda na naman kasi kaso ako lang nakain ayaw ng anak ko.
Sayang nga kapag iyong mga kasama sa bahay di gusto iyong pagkaing gusto natin. Kung uubusin mo naman masisira ang diet mo.😆😀 Good evening, ka-noise!
wow bolanghoy din samin niyan sissy ang sarap niyan
Bolanghoy naman pala sainyo sis amin balinghoy pero magka rhyme sila hihi.