read.cash Log in
@Sweetzyle22

@Sweetzyle22 in June 2021

@Sweetzyle22

Good morning sunshine Hello noise mate Ito yung place na kinalakihan ko.Ang sarap mag tampisaw sa tubig.Minsan nakakalimutan ko na oras kong hindi sunduin ng papa ko na may pamalo hindi maiisipan umuwi.Lagi sunog balat ko noon kaya niloloko ako ng papa ko na wala na siya makita😂Sa hapon naman kukuha ng mga sea shells na maiuulam sa gabi.Subrang nakakamiss lang talaga buhay probinsiya.Sino dito relate sa akin lumaki malapit sa dagat? Yung motor sa kapatid ko gamit niya sa…

@Sweetzyle22

Have a great day noise mate! Sabi nila hindi daw kompleto ang kabataan mo ng hindi nakaranas ng ganito sainyong magkapatid.Sa amin naman ng kapatid hindi namin to naranasan.Pag nag-away kami puro masasakit na salita lang.Sino po nakaranas ng ganto sainyong magkakapatid noise mate?Nakakatuwang balikan nung maliliit pa tayo.Ako naranasan ko to hindi sa kapatid kong babae kundi sa kapatid kong lalake.Nakipag suntukan talaga ako takot naman kapatid ko sa akin😂

@Sweetzyle22

Happy lunch time noise mate! Nakapagluto na ng lunch kainan na.Kain na din po kayo diyan.Huwag kalimutang magpasalamat sa biyayang pinagkaloob sa atin ng diyos.Sinigang na bangus ulam namin.Para ganahan naman anak ko kumain at may sabaw.Maganda sa bata laging may sabaw ang ulam.Ang pinaka gusto ko sa bangus yung belly niya ang taba kasi.Nag uunahan kami dati diyan ng mga kapatid ko hihi.Kayo ano gusto nyo sa part ng bangus? share nyo naman.

@Sweetzyle22

Mainit na hapon kaingay Meryenda time na naman. Ng dahil sa pandemic natuto ako magluto ng puto madali lang naman pala siya lutuin.Nung una gamit ko Maya Pancake paggawa ko ng puto.Hindi muna kailangan mag mix itlog ag tubig na lang ihahalo mo.Pero nung nakaka labas na ako ako na yung nagmimix ng puto ko.Masarap siya kahit stock mo sa ref hindi siya na tigas.Pwede na din pagkakitaan yan pagluto ko.Soon pwede na ko magpa order. Meryenda na po kayo huwag papagutom.

@Sweetzyle22

Lahat na ba nakapag meryenda na kong hindi pa sa hapunan na lang hehe Ang bilis lang ng araw mga kaingay noh! Pagabi na naman lang matatapos na naman ang araw na to.Nagawa ko lang magluto haha Sa dami ng gagawin ko hindi ko na alam ang mga uunahin ko.Pag hawak ko na cp wala na ako magawa sino mga relate dito taas ang kamay😂Nag-iisip nga ako kong ano na naman maluto pantanggal ng init ng panahon ngayon.Naadik na din ako kay noise dito na ako laging natambay.

@Sweetzyle22

Yung nag iisip kanina gumawa ng homemade ice cream ice candy ang kinalabasan.Nasa baba meron naman ice cream lagayan nga lang char.😂Gusto ko sana magtinda kaso ayaw ng anak ko kanya lang daw lahat my god.Ayan may pampawi na ng init kukuha na lang sa ref hindi na kailangan bumili.Magastos din kasi bili ng bili ng milkshake at halo-halo pag ice candy andami na haha mag sawa mag ama ko diyan.Ice candy mango flavor po kayo diyan libre lang hihi super soft po yan niluto ko pa…

@Sweetzyle22

Good night na mga ka ingay! Maaga pa gigising bukas.Ingat po sa mga dadaanan ng bagyo.Sana naman hindi malakas yong dadaan na bagyo.Kawawa naman kasi mga matatamaan na hindi pa nakaka bangon lalo na at may covid pa.Bukas naman ulit mag ingay.

@Sweetzyle22

Magandang umaga mga ka noise mate. Maaga na naman gising ko.Kanina nagising ako ang lakas ng ulan ngayon ambon ambon na lang.Nabawasan na alinsangan kaso pagluto ko ang init naman.Keep safe po tayo mga ka ingay lalo na ngayong may bagyo.Ang sarap mag ulam ngayon ng tuyo at may champorado nag crave tuloy ako hihi

@Sweetzyle22

Maulan na araw Pilipinas Sinigang na ulo ng Salmon for Lunch. Ito ay isang mahusay na pagkain sa panahon ng tag-ulan o malamig na panahon at trangkaso dahil sa maraming halaga ng mga bitamina A, C, D, E at mga omega.Ang Omega ay mahalaga para labanan ang sipon at trangkaso at gayundin ang Vitamin D. Aga ko nakapagluto mga kaingay ang sarap kasi matulog pagkatapos kumain nito at maulan hehe.Keep safe po tayong lahat huwag papabasa sa ulan mahirap magkasakit.

@Sweetzyle22

Masarap matulog pagka maulan. Ang sarap balikan kabataan pag maulan maliligo sa ulan at maghahabulan.Sa probinsiya madalas gawa namin yun ng mga bata pa kami.Dito sa city hindi maranasan ng anak ko yun ayaw ko siya papaliguin sa ulan at konting ulan lang nataas agad ang tubig.Nkakatakot kasi dito pag baha pwede ka magkasakit gawa ng madumi ang tubig.Kaya ginagawa ko nakasuot pa bota pag lalabas at mamamalengke.Nakakatamad lumbas pagka baha sa labas.Ingat po tayo ka noise…

@Sweetzyle22

Lumpiang Sariwa for Meryenda Ito ay isang pagkaing gulay ng mga Pilipino na binubuo ng iba`t ibang gulay na may malambot (hindi pritong) balot na pinalamutian ng matamis na sarsa at durog na mga mani.Ang gulay na sangkap nito ay gulay na ubod ng niyog.Pwede din kainin na walang balot o tinatawag na lumpiang hubad. Dahil hindi nakapagluto nag order na lang makakain.Napasarap kasi ng tulog.Tara kain po tayo ka ingay.

@Sweetzyle22

Buti na lang hindi gaanong malakas ang ulan pa bugso bugso na lang.Ingat po sa mga uuwi galing sa trabaho.Malamig na sa amin gawa ng pag ulan.Baka bukas wala na tong ulan.Nasaan na kaya ang bagyo hindi ako nakakapanood ng balita. Maulan na hapon po sa lahat.

@Sweetzyle22

Thanks god at may kuryente na kala ko matatagalan brownout samin.Buti naka ready rechargeable light at fan namin.Musta na po kayo mga ka ingay kayo ba ay nagsipag kain na ng hapunan?Malamig ang gabi namin ngayon at maulan pa sa amin.Keep safe po noise mate.

@Sweetzyle22

Good morning Pilipinas Blessed morning sa ating lahat noise mate. Wala na ang bagyo tumila na ang ulan.Salamat naman at nakaranas ng pag ulan kahit papano naibsan ang init ng panahon.Mamaya mainit na naman.Done na magluto ng almusal idlip ulit ako hehe.Keep safe po tayong lahat.

@Sweetzyle22

Mainit na araw na ulit sa amin mga ka noise mate.Kakain pa lang ako ng almusal.Tuyo lang sapat na sa akin hehe sa mag-ama ko egg at hotdog.Tara kain tayo wala pa pala ako sawsawan ano kaya masarap diyan suka na may sili or atchara.Nag crave kasi ako niyan kaya napabili ako kahapon akala ko maulan padin ngayon hehe perfect sana diyan may kasamang noodles.Kain muna ako at makapaglaba muna habang mainit na...

@Sweetzyle22

Pang-asar din tong panahon na to maglalaba sana ako kanina ng mamalengke ako umulan.Iinit tapos biglang makulimlim anyare sa panahon ngayon.Gusto ata sabihin mag noise na lang ako haha char.Naglinis na lang kesa sa walang magawa.Magluluto na naman ng tanghalian makapag sabaw na lang walang ibang maisip na ulam kaya mag sinigang na lang.Kayo po ano ulam nyo today?

@Sweetzyle22

Yung nagpapalambot ka ng karne biglang naubusan ng gas.Buti na lang may sinaing na ko ginamit ko pagluto rice cooker.Sinigang for lunch mga kaingay ulam namin.Sabi ko once a week lang dapat mag karne kasi ang mahal napa karne na naman gawa ng panahon masarap may sabaw.Salamat sa rice cooker nakapagluto ako ng ulam hehe Tara kain na po tayo sabayan nyo po ako.Huwag po kayo papalipas gutom diyan kain po kayo sa tamang oras. Happy lunch time po...

@Sweetzyle22

Gandang hapon noise mate! Meryenda time na kain tayo ginataang bilo-bilo o ginataang halo-halo.Sakto ngayong hapon na makulimlim.Kakaiba tong bilo bilo ko may halong buko hihi wala lang siyang halong sago.Kain na din kayo diyan mga ka tambay dito sa noise.Ano po ba meryenda nyo diyan?

@Sweetzyle22

Hello pilipinas musta ang lahat mga ka ingay. Sabay sabay tayong mangasim hihi kumain na ng meryenda napakain pa ng mangga.Ito yung gusto ko sa mangga pag walang alamang.Sili lang na may asin ang sarap try nyo po.Ang hilig ko talaga sa maaasim gusto ko nga minsan sa mangga pag indian manggo yung hindi pa matigas yung buto niya.Kain po tayo...

@Sweetzyle22

Ready na para lutuin ang ulam. Fried towel hahaha Dahil nag viral yung tuwalya sa jollibee gusto din nila itry kong ano lasa ng tuwalya🤣 Kaloka talaga mga pinoy. Fried towel baka gusto niyo din😂✌✌✌ Pampa goodvibes lang kapagod maglaba natambak ba naman. Photo ctto

@Sweetzyle22

Simula ng nagka pandemic hindi na ko nawalan ng Vitamin C.Minsan nakakalimutan ko inumin.Ito yung panlaban ko para malakas ang aking resistensiya.Ng dahil sa covid need ko pa magpa bakuna ng anti-flu vaccine good for 1 year.Malapit na lang mag 1 year ang bisa nang bakuna sakin.Hay covid sana mawala kana para makabalik na sa normal ang lahat.

@Sweetzyle22

Its time to say good bye na noise mate fam. Sleep na ako maaga pa gigising bukas.Bago matulog huwag makakalimot magdasal.Naadik na kay noise hindi ko na namalayan oras.Salamat sa mga nag heart at comment.Love you all Good night everyone tommorow ulit tayo mag ingay.

@Sweetzyle22

Good morning Pilipinas! Hello sa lahat ng mga gising na.Pray muna tayo.Maraming salamat po AMA sa panibagong umaga.Pinupuri at pinasasalamatan ka namin!Patuloy nyo po kaming pagkalooban ng liglig,siksik at umaapaw na biyaya.Nawa'y ingatan mo po kaming lahat at ilayo sa kapahamakan.Amen🙏🏻 Love you po God! ♥️ Done na magluto ng almusal pwede na ulit matulog paggising kakain na lang.

@Sweetzyle22

Orchids The most highly coveted of ornamental plants the delicate,exotic and graceful orchid represents love,luxury,beauty and strength. When in Philippine arena at The Garden. There are more beautiful flowers but i love orchids.

@Sweetzyle22

Gandang tanghali noise mate. Kainan na naman nakapagluto na ba ang lahat?Ito ang aming ulam ginataang malunggay.Lagi ako nagluluto nito kasi napaka masustansiyang gulay ito.Alam ko ang iba ayaw nito kasi mapait daw,nasa pagluluto naman yan dapat hindi kailangan haluin palagi para di pumait. Ito yung mga health benefits ng malunggay: Moringa or malunggay has many important vitamins and minerals. The leaves have 7 times more vitamin C than oranges and 15 times more potassium…

@Sweetzyle22

Hapon na naman kakaantok na hapon mga ka ingay.Pa help nga po pala kong ano magandang kulay white or brown.Persian cat po yan.Mahilig po kasi ako sa pusa kaya naman bibigyan ako ng asawa ko niyan.Baka bukas kunin ang pusa ang available na lang daw puti at brown.Ano sa tingin nyo po ano po kaya magandang kulay.Magkakaroon na ng kalaro si oreo ko baka hindi na maglalabas pusa ko kasi magkakaroon na siya ng kalaro.Kakatuwa po kasi ang pusa napaka lambing gusto lagi magpakalong…

@Sweetzyle22

Magandang hapon mga katambayers Meryenda po tayo ng bread roll.Paborito ito ng mga bata minsan ng matatanda nadin hehe.Maulan na naman sa amin.Sainyo po ba maulan din?ang sarap sana mag kape kaso hindi na ako nagkakape.

@Sweetzyle22

Patuloy ka lang gumawa ng mabuti sa kapwa mo.Ang Diyos na ang bahalang magbalik sa'yo ng mga magagandang bagay na nagawa mo. Pagabi na naman mga ka ingay busy na naman magluto ng hapunan.Ingat po sa mga nasa labas at maulan na naman huwag papabasa sa ulan at mahirap magka sakit.

@Sweetzyle22

Kain tayo guys balut😋 Nagccrave ako ng balut ng may dumaan ayon napabili tuloy.Dati magkano lang to ngayon ang mahal na din.Lahat na talaga nagmahal mga bilihin.Sino po gusto ng balut?nakain din po ba kayo nito?Tara kain tayo.Ang sarap pagka masarap ang suka at maanghang super yum.Pampalakas daw ng tuhod haha Gandang gabi sa lahat...

@Sweetzyle22

Habang nag scroll ako kay noise ang pusa ko naman gusto matulog na naman sa akin.Sakin lang gusto niyan humiga ayaw sa mga kasama ko.Palibhasa ako lagi nagpapakain.Dati wala ako hilig sa pusa ngayon tuwang tuwa ako sa pusa pantanggal ko din ng stress.Bukas dalawa na sila for sure magseselos ang pusa kong to.Ano pa kaya susunod na pet mapupunta sa amin puro hayop na bahay namin😄

@Sweetzyle22

Gandang umaga pilipinas hello sa lahat ng mga gising na dito kay noise.Ang aga ko na naman nagising akala ko may pasok asawa ko sabado pala.Nakapag alarm clock pa kasi nagising tuloy ako.Madami na din pala gising busy na magluto .Maya na ko magluto idlip ulit ako hehe ang sarap pa matulog ang lamig kasi.Ingat po sa may mga pasok kahit sabado.

@Sweetzyle22

Nagbreakfast na po ba ang lahat? Kami kakain pa lang katatapos lang magluto. Pansit bicol niluto ko.Hindi pa ako nakakapamalengke kaya walang gulay na sahog.Ang sahog lang hipon at chicharon.Masarap ang pansit bicol pagka may sabaw at may suka na may sili.Pwede kasi lutuin ang pansit bicol ng walang halong gulay minsan nga ginagawa ng iba chicharon lang masarap n kasi siya malasa.Kain po tayo kaingay.

@Sweetzyle22

Happy lunch time Pilipinas! Kain na po tayo isda lang ulam namin.Sinabawan at prito syempre sa akin ang sinabawan ayaw ng mag ama ko ng sinabawan na isda.Yung ulo ng isda alam na kong kanino napunta.Favorite ko tong isda na alumahan fresh kasi masarap sabawan.Wala kasi ako makita na yellow fin siguro mahal ang kilo nun kaya walang nagtitinda ngayon.Kain na din po sa mga hindi pa kumakain diyan.

@Sweetzyle22

Habang tumatagal painit ng painit na ang mundo natin.Hindi lang sa siyudad pti na din sa mga probinsiya.Ito yung reason kasi niyan paubos na mga puno.Dati naman sa lugar namin ang presko nung likod namin puro kapunoan pa nung nagkaron na ng mga bahay subrang init na. Photo not mine

@Sweetzyle22

Bigla kong namiss ang kwek-kwek.Kain po tayo habang naka tambay dito kay noise. Ito na lang meryenda ko sabi ko bibili ako ng isaw kaso andito ang asawa ko pala haha.Favorite namin to ng anak ko ang sarap pagka masarap ang sawsawan na suka at madaming sibuyas.

@Sweetzyle22

Focus on yourself,your life,your career,your family,your true friends and your happiness. Don't let negativity be on your way. Good morning Pilipinas Hello noise mate Have a blessed sunday!

@Sweetzyle22

Ang cute matulog ng new baby namin.Kakatuwa may bago na naman kami baby sa bahay.Dahil iisa lang anak ko mag alaga na lang mga hayop haha.Katabi sana namin matulog kaso ayaw kami patulugin ang ligalig naninibago pa sa bahay namin. #Persiancatpurebreed #2mos.old #newbaby #blaze

@Sweetzyle22

Happy lunch time! Luto na papaitan ko pampulutan haha pwede naman pang ulam kaya ito na lang niluto ko.Maulan na linggo sakto to may sabaw.Tagal din lumambot ng laman loob ng baka.Dati hindi ako nakain nito pero ng matikman ko ang sarap pala.Nilagay ko pang asim kamyas at may sili sarap ng sabaw.Yung sa kambing hindi ko pa naitry magluto baka lang kasi ang tinitinda dito sa amin. Kain po kain na din kayo diyan.Huwag papalipas gutom mga katambay.

@Sweetzyle22

Lugaw essential para sa maulan na hapon... Tara samahan nyo ko kumain guys.Request ng asawa ko magluto daw ako ng lugaw.Lugaw with egg,at laman loob ng baka.Siguradong pagpapawisan ka at ang lamig naulan padin hanggang ngayon. Ingat po sa mga nasa labas lalo na at maulan na naman ngayon.

@Sweetzyle22

Yung nag meryenda na pero gutom padin wala naman ginagawa.Kahit maulan dahil namiss ang isaw napalabas para bumili.Ang hirap ng madaming nakikitang food natutukso tuloy ako haha.Tagal ko nadin hindi nakakakain kasi nito kaya kahit nakakatamad lumabas bumili padin.Mag hahapunan na at kakain na lang ito na lang kakainin ko.

@Sweetzyle22

Good night everyone! Kailangan na matulog bawal magpuyat.Bukas naman ulit tayo mag ingay dito.Pero bago ang lahat magdasal muna bago matulog.God bless us all.

@Sweetzyle22

Na busy maghapon musta po dito. Now lang nakatambay kay noise.Malapit na mag gabi busy na naman mga ka nanay sa paghahanda ng hapunan.Ingat po sa lahat ng pauwi galing trabaho.

@Sweetzyle22

Rich kid ka kong hindi mo naranasan ang mga to.Kaway kaway sa mga nakaranas ng mga ganito noong bata pa.Akin pinaka favorite ko diyan yung gatas na hahaluan ng asukal.Yung sa star margarine naman sabi nila kumain daw para tumangkad nauto din ako diyan😂Pero yung height ko 5'2 lang hehe.Sa milo naman naranasan ko na yan medyo malaki na ko kasi may tinadahan na kami noon.Sa kape na ulam na try ko din yan gawa ng hipag ko noon mahilig kasi sa kape masarap daw pag may sabaw ng…

@Sweetzyle22

Late lunch na to para sakin hehe.Sanay ako kumain ng mga past 11 ngayon past 12 na.May pinuntahan kasi kaya late na nakapagpluto.Tinolang manok for lunch po mga kaingay ito naisipan kong lutuin ngayon. Konti lang kakainin ko at may pupuntahan kami mamaya kainan birthday ng kapitbahay namin nakakahiya hindi pumunta.Tara kain po tayo sa mga hindi pa kumakain diyan.

@Sweetzyle22

Maulan na hapon sa lahat... Tag ulan na talaga,mag-ingat po mga nasa labas huwag papabasa ng ulan.Sarap matulog pagka maulan at malamig at pagka gising kakain ng sopas o champorado.Sayang wala ako tabliya hindi makapag champorado.Mga momshie ano nilalagay nyo sa champorado pagka walang tabliya ano kaya masarap ilagay.May chocolate bar pa ko kaso tagal na sa ref yung pure cocoa din yun.

@Sweetzyle22

Magandang umaga mga ka tambay. Mag breakfast pa lang.Nag almusal na din ba kayo?.Huwag magpapalipas gutom mga ka ingay.Ang almusal ang pinaka importante sa lahat kaya hindi pwede hindi kumain at galing sa pagtulog.Sotanghon w/ mix canton,pandesal at salabat agahan ko.Nagsawa na sa kanin kaya maiba naman.Bumili lang napasarap kasi tulog at malamig lakas ng ulan kahapon samin...

@Sweetzyle22

Happy lunch time noise mate! Chicken curry for lunch ulam namin.Tuwang tuwa na naman mga alaga ko nito sa chicken hehe.Mainit na ulit mukhang hindi na uulan mamayang hapon.Kain na din po kayo diyan mga katambay...

@Sweetzyle22

Ito panghimagas ko mga katambay. Cloud 9 chocolate murang mura lang na chocolate.Nung bata pa ko ito na yung binibili ko.Napaka hilig ko talaga sa mga sweet.Kaya naman siguro ako nalusog eh hehe.

@Sweetzyle22

Good morning noise mate...Have a great day Pilipinas.Mag breakfast pa lang nag breakfast nadin po ba ang lahat?Almusal tayo ng pansit bihon/canton,pandesal at energen lang.Wala munang kanin nakakasawa na kasi.Namiss namin pansit sa binibilhan namin ang sarap kasi ng luto nila pinipilahan talaga.Minsan kelangan ko pa maghintay para maluto kaya tinatanghali na.Friday na naman...Keep safe and godbless us all.

@Sweetzyle22

Magandang tanghali mga katambay. Nakakapagod na araw pahinga muna saglit bago kumain.Tapos na magluto ng ulam hintay na lang maluto sinaing sa rice cooker.Niluto kong ulam ginisang ampalaya na may egg at chicharon.Dahil mahal ang karne tama na yung chicharon lasang baboy nadin yan hehe Pritong isda naman sa mag-ama ko at may sinabawan din ako para naman hindi dry ulam namin.Kain na po kayo diyan...Happy eating po...

@Sweetzyle22

Makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ang malakas na ulan.Tag-ulan na talaga ang sarap lang pagka sa bahay lang.Ang hirap yung mga napasok sa trabaho.Pasma abot ng paa pagod sa trabaho tapos mababasa ang paa.Naranasan ko kasi yan nung nagtatrabaho pa ko.Nakakatamad pumasok pero kailangan eh!Kaya ingat po sa mga nasa labas.Huwag kakalimutan magdala lagi ng payong at ingat po sa mga nagdadrive ng mga sasakyan at madulas ang kalsada.Masarap na naman daw tulog…

@Sweetzyle22

Ang ganda pala ng Ang Dalawang Mrs Real.Ang tagal na pala nito now ko lang napanood.Napuyat ako dito tinapos ko talaga to panoorin.Nakakainis na nakakaiyak at may magandang aral na makukuha dito.Kaya sa mga kalalakihan diyan sana mapanood niyo to lalo na sa ngayon pati nadin pala sa mga wala pang asawa.Sa isang gabing pagkakamali mo ang daming masasaktan at maaapektuhan.Naiiyak ako kay millet subrang hirap ng naramdaman niya.Kaya naman para sa mga dalaga kailangan kilalanin…

@Sweetzyle22

Musta naman po maghapon ng mga ka noise mate ko dito?Nag merienda na po ba ang lahat?Nag request anak ko ng pancake kaya ito mag merienda pa lang kami.All time favorite niya lalo na at may chocolate syrup. Ako naman nagccrave ng pares tagal ko ng hindi nakakakain nun tinatamad kasi lumabas at basa ang kalsada kaya tiis muna.

@Sweetzyle22

Kaloka nagpabili ako ihaw ihaw ito binili sakin.Laman loob din pero masarap din siya,pero mas gusto ko talaga isaw at dugo.Pinapak na ng anak ko yan na lang natira.Ang sarap naman ng sawsawan niya ang sarap papakin.Wala na kasi nagtitinda ng barbecue sa mahal ng baboy.

@Sweetzyle22

Good night noise mate Bukas na naman ulit grabe na antok masakit na ulo.Salamat sa araw na pinagkaloob satin ng panginoon.Pray muna bago matulog. Mag recharge na para bukas hehe God bless us all...

@Sweetzyle22

Magandang tanghali mga katambay! Araw ng kalayaan ngayon yung mga hindi pa pinalaya palayain nyo na ngayon char😂 Done na magluto ng sarciadong isda.Yung mga alaga ko ang tuwang tuwa nito at fish ulam.Nakalimutan ko nawalan tuloy ng sabaw.Happy lunch time po...

@Sweetzyle22

Happy lunch time noise mate! Nakapagluto na ba ang lahat? ako katatapos lang.Pork steak niluto ko ang daming sibuyas hindi naman ako takot sa sibuyas😂.Scroll muna kay noise habang hindi pa nakain.Dahil sunday mag pork naman daw kami.

@Sweetzyle22

Happy 3k Pilipinas Ang bilis ang dami na natin dito sa pinoy tambayan.Ito na nga yung favorite channel ko eh hehe.Parang uulan na naman kanina subrang init.Pabago bago na talaga panahon parang tao lang char😅.

@Sweetzyle22

Hays ito na naman ako natukso na naman sa pagkain🤦‍♀.Kaya ayaw ko natingin sa hoa group eh puro foods ang makikita ko.Sadyang marupok talaga ko pagdating sa pagkain.Tara samahan nyo ko kumain ng eggpie.Ito na naman ako sa matamis.Merienda na din po kayo diyan.

@Sweetzyle22

Kain tayo mga katambay habang nanonood ng KMJS .Binili ng asawa ko sa compny nila may nagpapaorder kasi sa kanila.Ito yung gusto ko sa chicharon may buo pa na laman.Masarap sana dito suka na pinakurat kaso wala ako nun.Masarap din ito ilahok sa ginisang monggo at pang sahog nadin sa mga gulay gulay mas tipid kapa kesa sa karne.

@Sweetzyle22

Good morning noise mate! Musta naman tulog niyo?medyo malamig na panahon gawa ng naulan ulan na.Ang sarap pa sana matulog kaso kailangan bumangon na at maghanda na ng agahan.Ang dami ng gagawin sa dami kong gagawin hindi ko na alam uunahin ko.Namiss ko uminom ng kape kaya napainom ako ang sarap ng great taste white ito yung gusto ko sa kape.Sanay kasi ako sa energen chocolate at salabat iniinom ko sa umaga.Makapagluto na lang almusal magastos pag puro bili ng luto na.Ingat…

@Sweetzyle22

"Ang anak ay nakaupo na,ang ina'y gumagapang pa" Ang sagot:KALABASA hehe tama po ba madam admin sunnylife Bago ko gawin iba pang mga gawain kain muna ako para may lakas sa mga gawaing bahay.Almusal po tayo sa mga hindi pa nakain diyan sunny side up egg w/ magic sarap oh di masarap na almusal hehe

@Sweetzyle22

Magandang tanghali Pilipinas Alam ko yung iba busy pa sa pagluluto mga kapwa ko nanay.Ito na yung routine ko pagkatapos magluto kukuhanan picture luto ko pang post dito kay noise.Malapit na din maluto sinaing ko prepare ko lang ulam namin na minarinate kong daing bangus at para may sabaw nagluto ako ng miswa patola.Ang sahog ko lang sa miswa chicharon at patola.Solve na pananghalian namin hanggang gabi na yan pang ulam para isahang lutuan lang na ulam.

@Sweetzyle22

The beautiful flower of orchids.I can't help but take a picture.It's a pity that we got there at night and it was still raining.I hope I can go back there again.I took that at the philippine arena in the garden.

@Sweetzyle22

Nakita ko to sa newsfeed ko sa fb bigla ako nag crave nito.Ang tagal ko nadin hindi nakakakain nito.Ang tawag sa amin nito ay tabagwang or suso.Masarap yan pagka gagataan na may gulay na pako at maanghang.Naglaway lang ako bigla haha.Meron naman ako nakikita dito minsan nagtitinda kaso hindi ko ala kong saan saan lang basta kinuha baka madumi.Sa amin kasi sa probinsiya kinukuha namin yan sa bundok tsaka malinis pa doon.Kayo mga katambay nakain din ba kayo ng ganyang…

@Sweetzyle22

Gandang morning noise mate Magtatanghali na pala late na almusal namin. Hinintay ko pa kasi maluto pansit sa binibilhan ko.Gusto kasi ng anak ko pansit .Hindi din naman nakakasawa luto nila kasi ang sarap.Kain tayo diyan sa mga hindi pa nakain pansit bihon w/ canton,malunggay pandesal at energen happy tummy hehe.Ang init na ulit tapos bigla na lang uulan na naman mamaya ng malakas.Stay safe po tayo mga katambay.

@Sweetzyle22

Katatapos lang maglaba kakapagod dahil tag ulan na kailangan pa mag dryer at nabaho pag di natutuyo kaagad.Mag disinfect pa ako nitong pinamili ng asawa ko.Ang dami na naman stock ng anak ko pagkain niya.Simula ng nagka pandemic asawa ko na ang tagapag grocery ko.Kaya minsan kahit may gusto ako lutuin hindi ko maluto kasi di niya alam,kahit ilista ko ayaw kasi niyan naghahanap mabilisan pa nga mamili.Minsan sablay pa nga binibili haha pero pasalamat padin ako at may tagabili…

@Sweetzyle22

Dahil pay day ng asawa ko at pagod na ko huwag na daw ako magluto at padeliver na lang daw ako.Ang gusto sana ng anak ko mang inasal kaso mahal delivery charge dun at parang pasabuy lang.Kaya kay jollibee na lang.Happy siya at may toy siya kahit hindi na mahilig maglalaro.Kain pa lang kami,kayo po ba ay kumain na?tara sabay na po kayo samin hehe...Panghimagas namin ice cream edi happy kiddo na naman anak namin.Happy lunch time po.

@Sweetzyle22

Merienda time na naman mga katambay. Napaidlip ako biglang buhos kasi ng ulan pero hindi naman tumuloy.Nag merienda naba ang lahat?ako mag merienda pa lang.Siomai naisipan kong kainin ngayon.Ako lang nakain nito samin.Ang sarap kaya nito lalo na at may sawsawan na toyo at maanghang.Minsan nga inuulam ko pa to sa gabi pag wala ako maiulam.Magandang hapon sa lahat

@Sweetzyle22

Marigold is a winter flowering plant that adds an amazing view to the garden with vibrant colored flowers that bloom a lot.It is one of my plants but it doesn't last long because they only have a life cycle.

@Sweetzyle22

Goodnight noisemate Oras na ng pagtulog hindi ko na namalayan ang oras alas onse na pala.Masyado ako nalibang.Need na pahinga ang mata at pagod nadin.Bago matulog nais ko muna magpasalamat sa lahat ng mga friends ko dito kay noise sa mga nag heart at comment big thanks sainyo.Bukas naman ulit...Stay safe and god bless us.

@Sweetzyle22

Magandang umaga mga kaingay! Aga ko nagising ang lamig kasi pero matutulog pa ulit ako.Musta naman tulog niyo may mga maaga nadin nagising at may matutulog pa lang ata.Kahit sa pagtulog napapanaginipan ko na si noise cash hehe sino din ang ganun?Ingat po sa mga maagang papasok sa trabaho.Kumain po kayo bago pumasok.

@Sweetzyle22

Nakapag almusal na po ba ang lahat?Ako kakain pa lang namalengke muna ako para di abutan ng init,pero malapit lang naman palengke samin walking distance lang.Nagluto na lang ako ng kanin egg at hotdog kesa bibili pa ng luto na para tipid.Kumain nadin po ang hindi nakain diyan.Nagutom ako ah sanay ng maaga mag almusal.Stay safe po and god bless

@Sweetzyle22

This is my selloum plant.It looks good when there is a plant inside the house that can be seen.That's why I take care of the plant inside our house.The plant help clean indoor air by absorbing toxins,increasing humidity & producing oxygen.

@Sweetzyle22

Na busy mag encode sa online lotto.Nagluluto at nag eencode.Late nadin nakakain pahinga muna saglit.Hindi na makakatulog nito at waiting ng result ng 2pm draw.Nakapagluto na ng merienda namin mag sawa sila sa maja blanca ko pwede na pantinda pala yan hehe.Palamigin ko muna mas masarap kasi kainin pag malamig na.Hindi na ako nakapaglagay ng latik at nagmamadali magluto at baka matambakan ng eencode.No choice sila sa maja ko may cheese ayaw kasi ng mag ama ko ng may…

@Sweetzyle22

Muntikan ko na makalimutan inumin binili ko kaninang buko juice nailagay ko sa ref.Buti naalala ko ngayong nag meryenda.Nilagyan ko ng gatas lang ayaw ko na lagyan ng asukal kasi ok naman lasa niya kahit wag na maglagay ng asukal.Nung nakaraan kasi nahilig ako kumain ng maaalat tama to panlinis sa kidney.Mahirap magka uti ulit.Bawal magkasakit ngayong pandemic at nakakatakot maospital. Hello noise mate nakapag meryenda na ba kayo?

@Sweetzyle22

Share ko lang itong ginawa kong ayos sa mga headband ng anak ko ng wala ako magawa.Kakatuwa pag babae anak dami kaartehan.Ang hilig ko mag collection ng mga headband pero minsan ayaw naman isuot na.Wala na ako maisip mapaglagyan kaya diyan ko nilagay hehe.Yung mga pang puyod niya naman nakatago lang.Kaya naman ang iba gustong gusto ng anak na babae kasi ang gandang ayusan ng mga kaartehan.Pag lalake kasi bihisan mo lang ok na pag girl aayusan pa bago makaalis minsan nga…

@Sweetzyle22

Good night na mga kaingay Hindi na kaya ng power ko antok na talaga.Bukas po ulit salamat sainyo.Sana lang paggising natin back to normal na sa lahat noh!Ang dami ng pagbabago kasi.Gusto ko na makawala sa hawla haha.Gustuhin lo man lumabas takot padin ako kaya tiis tiis padin sa bahay lang.Madami ng sana...Pray natin bago matulog na sana maging ok na ang lahat wala ng magkakasakit at mawala na tong virus na to tagal tagal na din.Stay safe and god bless us always.Night night

@Sweetzyle22

Good morning noise mate Nakakalungkot ang bumungad sa akin ngayong umaga.Yung kumpare ko wala na pero ang ka close ko talaga ang kumare ko.Kawawa naman kasi may maliit pa sila anak pero iniwan na sila.Napaka hirap mawalan ng asawa at katuwang mo sa pagpapalaki sa mga anak.Ramdam ko yun kasi nawalan din ako ng ama.Ang buhay ng tao talaga hindi natin alam kong hanggang kelan lang. Kaya eenjoy lang natin habang nabubuhay pa tayo. Mag-almusal na po ang lahat at huwag…

@Sweetzyle22

Hello po dito mga katambay Busy na naman mga kapwa ko nanay sa paghahanda ng pang tanghalian.May nabili ako isda galunggong ano kaya pwede dito.Madali lang dito eh prito hehe.Nakapag sarciadong isda na ko nung isang araw.Nag iisip pa ko kong ano pwede kong gawin dito lalagyan tausi or escabeche para maiba naman haha.Bumili ako kasi maganda pa at sariwa pa siya.Ang mahal na din ng isda ngayon.Wala na talaga mura ngayon.Kaya kailangan din magtipid.

@Sweetzyle22

Mainit na ulit panahon ngayon. Tara kain tayo ice cream mango flavor gawa ko po yan.Sabi ko sa anak ko huwag na magpabili at gagawa na lang ako.Mas masarap pa pag sariling gawa.Musta po ang lahat siguro naman tapos na kumain ng pananghalian.Pagkatapos kumain ang sarap na matulog haha parang baboy lang.

@Sweetzyle22

Aster is also known as frosted flowers because it is often used in flower arrangements during autumn and winter.This is my aster flowering plant.I love it so I bought this.

@Sweetzyle22

Maagang nakapagluto ng pang hapunan.Salamat sa nagbigay ng fresh okra kaka harvest lang.Ang bait ng kapitbahay namin lagi kami binibigyan ng gulay ninong ng anak ko.Nakabili kasi sila lupa at ginawa nila isa pang pwesto.Nakakapagtanim sila doon ng mga gulay.Bukas ko pa sana lulutuin pang almusal kaso mas maganda lutuin na agad habang fresh pa.Ginawa ko hinalo ko sa scramble egg ang sarap na niya.Dati ayaw kumain ng anak ko niyan ngayon napapakain ko nadin siya.Minsan…

@Sweetzyle22

Good night na noise mate Time to sleep na po bukas po ulit tayo mag ingay.Huwag susuko laban lang tayo walang ayawan.Tawag na ko ng unan at kumot ko hehe.Pero bago ang lahat pray muna lord sana huwag po kayong magsasawang gabayan po kami at salamat po sa araw na to sa mga biyayang pinagkaloob mo po sa amin.Amen. God bless us...

@Sweetzyle22

Good morning noise mate Just woke up Ama namin sa langit,maraming salamat po sa panibagong umaga.Muli mo po kaming pagpalain at ingatan sa araw na ito.Biyayaan Nyo po kami ng liglig, siksik at umaapaw na pagpapala.Ilayo Mo po kami sa kapahamakan at pagtibayin Nyo pong lalo ang aming kalooban. Amen Thank you God for waking me up today! God bless us

@Sweetzyle22

Mag breakfast pa lang mga katambay Kumain na ba kayo?Try ko tong lumpiang shanghai na nabili ko sa palengke ok naman lasa lasang shanghai naman hehe.Nagawa ako nito gustong gusto ng mag ama ko pag nagawa ako may pampasarap kasi ako nilalagay.Naglalagay ako ng cheese para malasa hindi nila alam na nilalagyan ko ng cheese eh ayaw nila yun.Sa ngayon hindi muna ako nagawa ng shanghai mahal kasi baboy. Kain po tayo sa mga hindi pa nakain diyan.

@Sweetzyle22

Done na magluto mga kaingay Nagluto ako ng pininyahang manok.As usual manok na naman at mahal ang baboy.Mag encode pa ako.Namiss nila lutuin ko yan at ayaw na ng adobong manok.Tapusin ko lang eencode ko at kakain nadin kami...Happy lunch time po sa lahat

@Sweetzyle22

Grabe panahon ngayon kanina grabe init tapos biglang umulan ng malakas.Ngayon ang init na naman.Masakit sa ulo panahon ngayon.Merienda na nga lang tayo mga katambay.Maruya ang merienda ko ang sarap sana sa softdrinks kaso iwas muna.Kain po tayo...Merienda nadin po kayo diyan.

@Sweetzyle22

Thank you lord sana araw araw eh may patama ako.Malaking tulong nadin sa kumare ko yan na namatayan ng asawa.Siya kasi kumuha sakin maging sub agent sa online tayaan.Ngayon tulungan ko din siya ako muna taga encode ng mga pataya niya.Kahapon meron din nanalo 2pm draw sana bukas ulit.Salamat at may balato din sakin.More wins pa samin sa gc namin. Masakit na mata ko pahinga naman bukas ulit mga kaingay.Goodnight & god bless us.

@Sweetzyle22

Good morning noise mate Kagigising lang noise agad naisipan silipin hehe.Saturday na pala ngayon ang bilis talaga ng panahon.Nag-almusal na po ba kayo?Ako magluluto pa lang almusal.Ano kaya pwede maiulam.Namiss ko yung tuyo kaso wala ako stock dito tapos may noodles at egg.Makapag gisa na nga lang egg na may kamatis kakasawa sunny side up.Tambak na pala labahin ko maya balikan ko kayo. Keep safe and god bless us

@Sweetzyle22

Maagang nakapaglaba at nakapagluto ng lunch namin. Bicol express niluto ko.Sabi ko minsan na lang mag pork every weekend na lang at ang mahal.Tagal ko din hindi nakapagluto ng ganito,ok to at may gulay naman at medyo maanghang pampagana kumain.Nag request pa anak ko ng graham mango shake.Hintay muna namin panghimagas bago kumain ng lunch.Kayo po ano hinanda nyo ulam? Salamat at nakuha ko kagabi pending transfer kay bch ko kay noise akala ko hindi ko na marereceive yun.

@Sweetzyle22

Puto flan Nagtry ako gumawa nito not so perfect pero ok naman ang lasa ang yummy.Salamat sa youtube ang dami ko natutunan na luto.Pang merienda namin konti lang ginawa ko.Wala na ako nilagay na food color or food flavoring sa flan.Dati alam ko lang e umorder na lang ng umorder naisip ko bat hindi na lang ako gumawa.Ng dahil sa pandemic natuto ako magluto ng mga kakanin,paborito kasi ng mag-ama ko mga kakanin. Kain po tayo mga katambay...

@Sweetzyle22

Magandang gabi sa lahat mga kaingay Musta po maghapon nyo?Katatapos ko lang mag encode pwede na tumambay dito.Naghapunan na po ba ang lahat?Kami kakain pa lang ulam namin yung kanina ulit para tipid hehe.Tatlo lang naman kami sa bahay.Ang init maghapon buti na lang at natuyo mga sinampay ko.Maghapon lang din nasa bahay lang.Nakakainip na ganito ayaw pa kasi umalis virus na yan. Stay safe and god bless us

@Sweetzyle22

Kain tayo pili nuts habang nanonood ng MPK . Ang sarap nitong pili coated w/ sugar.Padala pa to samin galing bicol.Ang ganda ng kwento sa mpk tapusin ko muna to bago matulog.Pangalawang episode na kasi to. Yung iba tulog na...kami nasanay na matulog ng mga 11 pm.Ano po gawa nyo sa mga gising pa?

@Sweetzyle22

Fathers are real superheroes.They may not have superpowers but they always have a super heart and a super spirit. Sa mga tatay na nag susumikap itaguyod ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemic.Happy Father's Day sainyong lahat specially sa papa ko na nasa langit na at syempre sa hubby ko,at sa mga deserving dad na hindi nagloloko ng asawa haha. Good morning noise mate Have a blessed sunday Keep safe and god bless

@Sweetzyle22

Happy lunch time noise mate Buttered garlic shrimp with sprite for lunch... Tara let's eat po...Kain na din po kayo diyan.Huwag papalipas gutom mga katambay. Dahil father's day niluto ko favorite ng asawa ko.Gustong gusto kasi nila hipon.Nag-iisip sana ako padeliver eh nagluto na lang ako.Meryenda na lang siguro namin mamaya papadeliver ko.

@Sweetzyle22

Simpleng salo-salo sa pagdiriwang ng araw ng mga ama.Nag-order na lang ako ng pagsasaluhan namin.Dati pag may okasyon sa labas namin pinagdiriwang ang okasyon para hindi na pagod sa pagluluto.Ngayong hindi makalabas ang bata sa bahay na lang safe pa. Medyo sumablay lang sa naorder kong cake hindi nasunod gusto ko design pero ok na yan.Mukhang masarap naman at madami naman naorder sa kanila,suporta ko na lang yun sa kanilang business.Pag ok mag reseller na din ako sa kanila.

@Sweetzyle22

Taray ng baby blaze ko ang cute ng handmade collar niya.Inorder ko sa shopee nung shopee pay day nung isang araw lang dumating.Ang daming bell hehe hindi tuloy mapakali.Ang ligalig tuloy haha.Masasanay ka din niyan baby blaze ko.Excited na ko paglaki mo.Dati samin lang ng anak ko inoorder ko sa shopee ngayon kasama na din siya sa pinapamili ko.

@Sweetzyle22

Good morning noise mate Aga ko nagising para ipagluto asawa ko na maaga napasok sa trabaho kahit nasa ofis naman siya.Mas gusto niya ot ot siya malaki nga naman sasahurin niya pagka may ot.Kulang na nga lang ayaw na mag restday kasipag ng asawa ko.Kaya naman super blessed ako sa kanya.Ayan na baon niya egg at bacon ayaw kasi kumain bago pumasok.Idlip ulit ako antok pa ko sabayan ko pa tulog ng anak ko.

@Sweetzyle22

Kain pa lang ako tinanghali na namalengke muna kasi pagkagising.May nakita akong itlog na maalat sa palengke kaya ito na lang ulamin ko.Mura lang bili ko nito 10 pesos lang sa iba 12 pesos yan.Ako lang din nakain samin niyan dito.Ang sarap kain ko nito tapos naka kamay lang.Tara kain po sa mga hindi pa nakain diyan.Huwag kalimutan mag almusal mga katambay ha!Dapat may energy tayo at madami gawaing bahay. Keep safe and god bless us.

@Sweetzyle22

Happy lunch time mga katambay Sa ngayon gulay naman muna ulam namin.Nagluto ako ng ginataang papaya na may sahog na sardinas.Sino po nakain ng ganito?Kakaumay na kasi isda at manok mag gulay naman.Nakain anak ko nito kaya ito na lang naisipan ko lutuin hirap kasi pakainin ng gulay pili lang kinakain niya.May masarap din na luto sa papaya ginataan na may lahok na manok...natikman ko sa probinsiya ng asawa ko masarap din yun at mabango.

@Sweetzyle22

Merienda time noise mate... Ito na lang merienda ko may tira pa kasi kahapon yung cake kesa bibili pa.Kain po tayo kakagutom kahit nasa bahay lang wala naman na gingawa pagka ganitong hapon na.Sa umaga lang kasi madami ginagawa.Ano kaya masarap pantulak diyan.Ok naman naorder kong cake hindi masyadong matamis tama lang. Gandang hapon sa lahat...

@Sweetzyle22

Yung asawa mo na inutusan bumili ng baking powder ang dami ba naman binili nung pinag grocery ko kaloka haha.Iisa lang nakalagay sa listahan basta na lang nagdadampot yun at lagi kasi nagmamadali.Bat ganun mga lalake lalo pag kasama mamili laging apurado.Kaya mas ok pa ikaw mamili hindi kapa magmamadali. Magandang gabi sa lahat kain na po sa mga hindi pa nakain diyan.Kami ay kakain pa lang din.

@Sweetzyle22

Bago ako matulog nais ko muna magpasalamat sa araw na to.Sana araw araw lagi ganito may patama ako sa online lotto.Nakakatuwa kasi dalawa patama ko ngayong gabi kahapon lang ata ang wala.Congrats sa mga bettors namin. Good night noise mate bukas ulit Keep safe and god bless us

@Sweetzyle22

Have a blessed tuesday Pilipinas. Good morning mga katambayers. Nakapagluto na ng almusal pwede na ulit matulog.Mga isang oras lang naman itutulog ko nito bawi muna habang wala pa pasok anak ko.Medyo malamig panahon ngayon umulan kasi kahapon sa amin.Maglalaba pala ako mamaya sana hapon na umulan hehe. Ingat po sa mga papasok ng maaga sa trabaho.Kumain po kayo para makapagtrabaho ng maayos.

@Sweetzyle22

Nakakapagod na martes ang dami ko ginawa.Lunch na naman po mga katambay nakapagluto na ba kayo?Wala na ko time magluto kaya bumili na lang ako ng ulam namin na Cordon Bleu.Dalawa lang naman kaming kakain ng anak ko mamayang gabi na lang ako magluto.Lasang ulit naman to kaya sulit ang byad ko dito.Pag ako sinipag magluluto din ako ng cordon bleu madali lang naman siya lutuin andiyan naman ang youtube hehe. Happy lunch time po noise mate.

@Sweetzyle22

Puto cheese for merienda Merienda po tayo luto ko po yan.Natuto ako gumawa niyan dahil sa anak ko.Kaya sa ngayon ako na lang ang nagluluto ng puto.Ang sarap sana yan sa dinuguan kaso wala eh!Ayaw lang diyan ng anak ko ng cheese tinatanggal niya pag nakain kaloka.Gumawa nadin ako ng cookies & cream puto...banana puto na lang ang hindi ko pa nagagawa.Kain po tayo...

@Sweetzyle22

Hindi na ako nakapagpost nahihilo ako pahinga ko muna mata ko.Baka nasubrahan na sa tutok sa cp haha.Bawi ako sainyo bukas mga katambay.Matutulog muna ako ng maaga sa ngayon. Good night po sainyo mauna na ko matulog.

@Sweetzyle22

Good morning mga katambay dito sa Pilipinas.Ang dami na palang gising na kapwa ko nanay.Nakapagluto na ko ng almusal ni hubby ko kaya iidlip na naman ako. Mag-iingat po sa maagang papasok sa trabaho mga kaingay.

@Sweetzyle22

Share ko lang ang niluto kong healthy and yummy tortang kalabasa at carrot para sa anak ko.Mga momshie mahirap ba pakainin mga anak niyo try niyo po ito lutuin.Siguradong magugustuhan ng mga anak niyo.Ito po mga ingredients: 500grms squash,shredded 1 pc big carrot,shredded 3 tbsp parsley chopped 1 small onion 3 gloves garlic 1/2 cup all purpose flour 1/2 cup cornstach 2 tbsp fish sauce 1 egg 1/3 cup water 1 tsp black pepper 1tsp salt Cooking oil Pag wala pong parsley pwede…

@Sweetzyle22

Spicy adobo chicken feet for lunch Kain pa lang kain po tayo... Ang sarap nito pwede pang ulam pwede din pang pulutan.Pag ito ulam ko parang hindi ako nabubusog hehe pero pinapapak ko talaga to.Sarap na sarap din ang anak ko dito pero syempre ihiniwalay ko siya ng hindi maanghang.Nakakamay kami pag nakain nito,asawa ko lang ang ayaw talaga kumain nito at madumi daw haha.Pano kaya naging madumi to eh nililinis ko ng maigi bago lutuin tsaka binabalatan naman.Dati magkano lang…

@Sweetzyle22

Turon at pineapple juice merienda tayo mga katambay.Bumili na lang ako sa naglalako dito samin.Kagigising lang din buti at nakatulog ako ngayon.Mag merienda nadin po kayo diyan.Umulan samin kaya napasarap ang tulog ko.

@Sweetzyle22

Katatapos lang mag dinner nakakain naba ang lahat?Mabanas na gabi tara tagay tayo softdrinks nga lang hehe.Napabili ako softdrinks ang banas talaga umulan naman kanina tapos mamaya ang malamig niyan.Nood muna ang probinsiyano...

@Sweetzyle22

Good night noise mate bukas naman ulit mag-ingay antok na ko.Salamat sa mga walang sawang nag heart at comment sa post.Huwag mawalan ng pag-asa dahil sabi nga habang buhay ay may pag-asa keep posting lang. Night night sainyo... Keep safe and god bless us Noise cash lang sakalam.

@Sweetzyle22

Good morning noise mate! Katatapos lang magluto ng agahan ng asawa ko.Corned beef na ginisa na may itlog.Dati ayaw ko kumain ng corned beef eh masarap pala siya lalo pag may egg,masarap din siya gawing tortang corned beef.Hintay ko pa maluto kanin sa rice cooker kaya tambay muna kay noise.Nakakaantok pa ano oras na nakatulog gawa ng makulit naming pusa. Keep safe and god bless us mga katambay...

@Sweetzyle22

Happy lunch time noisemate! Kain po tayo ng masustansiyang gulay ginataang kalabasa na may malunggay at may sahog na hipon.Dahil mahal ang hipon konti lang binili ko may pang sahog lang sa gulay para lang maging malasa siya.Gusto ko sana tinapa kaso walang deliver sa palengke.Nakain naman ng ganito anak ko dati ayaw talaga bola bola lang para mapakain ng gulay sabi ko na lang eh pangpa sexy haha.Hays bat kahirap pakainin ng gulay mga bata kailangan pa bolahin. Gandang…

@Sweetzyle22

Merienda na naman mga kaingay... May nagpaorder suman balinghoy kaya ito ang merienda ko ngayon.Gusto ko sana yung puto balinghoy kaso ang bilis maubos.Kahit anong luto sa balinghoy masarap miss ko din yung nilupak na balinghoy tagal ng hindi nakakakain.Tama na dito ang tubig para tipid hehe.Mag merienda na din po kayo diyan mga katambay.

@Sweetzyle22

Good morning everyone! Thank you lord for waking me up.. Lord, guide us today, keep us away from the disease.I hope the virus that spreads all over the world disappears.Keep safe to those who entering to work.Amen Have a blessed friday pilipinas...

@Sweetzyle22

HEALTHY FOOD TAHO Ito ay isang pagkain na gawa sa tofu mula sa soybean na may arnibal at sago.Maraming may gusto nito lalo na ang mga bata paboritong pagkain nila tuwing umaga. Kain po tayo taho hindi lang pambata to pwede din pang matanda kasi mayaman ito sa protina.Tulog pa anak ko kaya ako muna ang kakain ng taho tag-isa kami hehe.Ang laging inaabangan ng mga bata tuwing umaga.

@Sweetzyle22

Nagtry ako gamiting sauce yung crispy fry sa beef patties.Tsaraannn ayan may burger steak na ko bumili na lang ako kanina ng mushroom kasi wala ako stock dito.Masarap yung crispy fry gamitin pang sauce lasang kfc gravy lang.Napanood ko lang sa tiktok kaya naisipan ko din itry. Kain po tayo mga katambay... Maulan na tanghali pagkatapos kumain ang sarap matulog nito... Gandang tanghali mga kaingay

@Sweetzyle22

Merienda time mga kaingay Oishi takoyaki japanese street food at mango graham shake tayo diyan.Kanina request ng anak ko bumili daw ako mango shake eh tinamad ako at umuulan kaya ngayon ako bumili.Ang init na uli sala sainit sala salamig panahon ngayon ah!kaya nauuso na naman trangkaso.Kaya ingat po tayong lahat at mahirap magkasakit. Merienda na po kayo diyan mga katambay....

@Sweetzyle22

Tapos na mga gawaing bahay relax time naman.Kain ng mani habang nanonood ng tv pero nag ccp naman.Sino ang ganito sainyo nakabukas ang tv pero nag ccp naman hindi naman makapanood ng maayos.Paborito ko tong maning hubad lalo na yung maanghang nito kaso ito lang nabili ko ngayon.Ang mani na kadalasan eh ginagawang pulutan.Ito daw ay pampatalino kaya naman noon lagi ako nakain pero bakit hindi naman ako matalino haha.

@Sweetzyle22

Antok na paalam na muna sainyo mga kaingay Bukas ulit tayo mag ingay.Nalibang na talaga ko dito nakalimutan ko na fb ko.Kong dati panay ang post ko sa my day ko ng mga food ngayon dito na ako nagpopost buti dito kay noise.cash may value pag nagpost.Sana huwag po kayo maumay sa mga post ko hehe. Happy weekend po... Good night everyone... Stay safe and god bless us...

@Sweetzyle22

Good morning Pilipinas! Have a great saturday noisemate... Mag breakfast pa lang napasarap tulog ko maglalaba pa pala ko.Kain po breakfast namin ay pritong talong at noodles w/ egg at tsaka energen sakin.Dahil nakakita ako ng pritong talong napa crave ako kaya ayan ulam namin ngayon.Pass na muna sa egg hehe.Sa anak ko ang noodles ang fav.niya pero minsan ko lang siya pakainin niyan at masama sa kalusugan yan. Sa mga hindi pa nakain diyan kain na din po kayo huwag papalipas…

@Sweetzyle22

Lunch na naman mga ka pinas... Bumili na lang lutong ulam asawa ko ng paborito naming baliwag lechon manok.Ang gusto sana ng anak ko eh liempo subrang mahal na ng baboy kaya chicken na lang.Paborito din kasi ito ng mga alaga naming aso at pusa kaya isang buo na binili pero may tira pa sa amin yan mamaya gagawin kong chicken sisig sa hapunan namin. Tara kain na po tayo ng maaga para maaga din magutom mamaya hehe. Happy lunch time noisemate...

@Sweetzyle22

Merienda tayo mga katambay ng gawa kong yema cake.No bake yema cake po yan.Pangalawang try ko na yan nagustuhan ng hubby ko gawa ko kaya ayan pinagluto ko siya ulit ngayon dahil restday niya.Sa youtube ko lang din natutunan yan.Ang dami ko pa nga gustong gawin kaso wala pa akong mga sangkap.Sa ngayon kasi asawa ko tagapag grocery ko.Kakatuwa kasi dati alam ko lang eh kumain lang ngayon nagagawa ko ng lutuin mga gusto ko.

@Sweetzyle22

Ito na tira sa lechon manok ganito ginagawa kong chicken sisig.Dinner time na po mga kaingay.Luto na ang aming hapunan pwede na kumain.Minsan ginigisa ko na lang sa mang tomas pero mas gusto kasi ng asawa ko sisig.Musta maghapon niyo mga katambay?kami as usual sa bahay lang maghapon.Ganito na palagi at mahirap ng machambahan sa labas ng virus.Ingat muna tiis muna sa bahay buti kong walang anak kami lang mag-asawa.

@Sweetzyle22

Good night noise mate Time to sleep na pahinga na muna bukas na naman mag-ingay.Thanks noise.cash sa blessing na binibigay mo samin.Maliit man o malaki sobrang thankful po ako.Sana magtagal po itong platform na ito para madami pa kayong matulungan na katulad ko.Nag-enjoy na po talaga ako dito. Noise cash lang malakas... Stay safe and god bless us...

@Sweetzyle22

Nilabas muna namin alaga naming aso akala namin eh may sakit na.Natakot ako kasi ang tamlay niya eh uso pa naman daw ngayon ang sakit ng mga hayop.Aba!nag iinarte lang pala gustong gusto sa labas biglang sigla kaloka.Namiss ata yung beagle na lalake.Ang taba na sana niyan diniet namin kasi baka mahirapan magka baby. Musta naman weekend niyo mga kaingay.. Ako na busy dami gawaing bahay.Buhay nanay na walang restday. Happy sunday noise mate! Janrich®

@Sweetzyle22

Tara!let's eat noise mate... Ito yung favorite kong gawing nilaga mabilis kasi siya palambutin.Dalawang piraso lang niyang beef shank kasya na sa amin tanghalian at hapunan na.Ang gusto ko lang diyan eh ang sabaw,gulay at yung bone marrow.Ang sarap sana ng sawsawang patis na may kalamansi,sili at lutong bawang kaso ayaw ng asawa ko at masama daw yun sa kidney hindi natutunaw.Mas maigi pa daw yung ilagay yung patis habang niluluto.Pansin nyo sa patis may namumuo siyang asin…

@Sweetzyle22

Ang sarap naman ng tulog ng baby bunso namin kay ate niya hehe.Ang kulit mo talaga blaze kakatuwa ka talaga.Excited na ko paglaki mo.Ang taba na kaagad lakas kasi kumain.Nakikiagaw pa kay kuya oreo niya.Hays naging hayop na mga baby ko. Musta po mga kaingay ano po gawa niyo?nag meryenda na po ba kayo?kami wala pa nag-iisip pa kong ano meryenda tatamad ako magluto ngayon ang init kasi. Happy sunday Janrich®

@Sweetzyle22

May lumanding sa gcash ko may blessing na dumating.Nagka laman gcash ko cash out ko na agad baka ma tukso pa ko maubos ko pa yan.Gabi na naman mga katambay kain na po kayo diyan kami maya maya pa at busog pa.Natapos na naman ang maghapon ang bilis lang talaga ng araw. Gandang gabi mga kaingay... Janrich®

@Sweetzyle22

Awts!Namaalam na ang aking power bank rip haha.Nagulat na lang ako bigla na lang nagka ganyan buti na lang hindi ko gamit ng mangyari yan.Naka 1 year mahigit ko lang nagamit.Nakabili ako niyan gawa nung nawalan kami ng kuryente nun akala ko magtatagal kasi bago makabalik.Binili ko yan sa may puregold ng 1,700 sa bilihan ng mga phone.Hays wala na ko magagamit pag mag travel or pag uuwi ng probinsiya.

@Sweetzyle22

Magandang umaga ka pinas! Ang dami ng gising pero ako matutulog pa ulit.Ganito na routine ko sa tuwing pang araw pasok ng asawa ko.Mas gusto ko pang araw pasok niya yung mga hindi ko magawa nagagawa ko mga trabaho ko.Pag andiyan kasi asawa ko parang wala na ako magawa,tsaka feeling ng asawa ko nasa company padin siya panay utos.Minsan sinasabihan ko hoy hindi mo ako tao haha.Kainis kasi pag may ginagawa kahit malapit eh iutos pa.Paalam na muna tulog pa ko mga isang oras…

@Sweetzyle22

Happy lunch time noise mate! Ginataang langka for lunch. Gulay time naman sa ngayon mahilig talaga ako sa may gatang gulay at tsaka gusto ko may sili palagi.Mag gulay palagi para humaba ang buhay.Sino po nakain ng ganito?Ayaw ng anak ko niyan kaya sigurado sahog lang kakainin niya niyan.Bolahin ko pa para makakain jusmio.Medyo napadami luto ko kya ako naman ang mag share sa kapitbahay namin.Sharing is caring... Biglang buhos ng malakas ng ulan samin nawalan kami kuryente…

@Sweetzyle22

Ginataang monggo for merienda Merienda po tayo mga kaingay binili ko lang po yan.Naka ilang bili na din ako niyan kaya napa order ulit ako masarap siya ginataang malagkit na bigas may monggo, gatas at asukal.Mura lang yan solve na merienda naming mag mommy.Masustansiyang merienda din yan at may monggo. Kayo po anong merienda nyo diyan?hindi na mawala ang merienda at nakakagutom nga naman. Janrich®

@Sweetzyle22

Saktong kakain na kami may nagbigay ng paborito kong gulay na santol or sinantulan. Hindi ako nakakapagluto nito kasi ako lang naman ang kakain.Last year pa ata yun ako nakapagluto ng ganito.Sino po nakain ng ganito sainyo?bicol specialty din po ito.Ang sarap nito.Yung binigyan ko ng ulam kanina na kapitbahay namin ang nagbigay ganito po kasi kami dito bigayan.Papakita ko nga to sa mga kapatid ko sa gc paborito din kasi nila to.Nung nasa probinsiya pa kasi kami nagluluto ng…

@Sweetzyle22

Good night na po mga kaingay! Naulan na samin ngayon kanina puro kulog at kidlat lang.Hindi natutuloy ang ulan kaya pala grabe alinsangan ng mga nakaraang araw.Sabi ng matatanda kasi pagka ganyan eh uulan. Ang lamig kaya grabe na antok ko hinihila na mata ko.Salamat noise.cash at sa mga subscribers ko happy 603 subscriber.Bukas naman po... Night night... Keep safe and god bless us Janrich® singning off

@Sweetzyle22

Good morning pilipinas! Pabalik na ulit sa pagtulog kaso may makulit na baby namin ang makulit na pusa.Ayaw na ata ako patulugin.Hays grabe antok ko ngayon . Paggising ko mamaya kakain na lang at nakapagluto na ko. Ingat po sa mga napasok ng maaga sa trabaho at sa mamaya pa ang pasok. Janrich®

@Sweetzyle22

Kain muna yogurt pahinga muna saglit... Ang yogurt ay mayaman sa nutrisyon.Ito ay isang kamangha-manghang napagkukunan ng mga protina at calcium.Naglalaman din ito ng bitamina B,posporus,potassium at magnesium. Ito ay nagpapabuti ng metabolism at nagbibigay ng isang pakiramdam ng pagkabusog.Hindi lang anak ko nakain nito pati ako din healthy snack din kasi ito. Akin lang eh non fat,tuwing december ang dami naming stock ng ganito pinamimigay ng company ng asawa ko.Meron din…

@Sweetzyle22

Lunch time na naman mga ka pinas! Salmon belly sinigang naman sa ngayon. Napaka masustansiya kasi nitong isda na to kainin.Ang hilig ko talaga sa mga fats ng isda pero hindi naman nakakasama kainin to. Mas masarap sana dito yung sinigang sa miso kaso wala ako nun.Masarap din e fried ang salmon belly. Kumain na po ba kayo?sa mga hindi pa sabayan niyo po kami. Happy lunch time noise mate... Janrich®

@Sweetzyle22

Ube turon malagkit for merienda... Sinipag magluto ng merienda.May stock pa kasi akong malagkit na bigas galing bicol kaya ito naisipan kong lutuin.May stock din akong mga ingredients kaya binili ko na lang eh lumpia wrapper.Buti na lang hindi sumablay si hubby ng pinabili ko nung ube flavored condensed milk hehe.Medyo madami din nagawa ko hindi ko naubos eh wrap kasi kami lang naman ng anak ko ang kakain.Bukas may lulutuin pa ko pang merienda.Masarap siya kaso ang tamis nga…

@Sweetzyle22

Biglang taas ng bch muntikan ko na kunin ipon ko kay bch simula yan nung june 5.Salamuch noise.cash sa pamamagitan mo nakakapag ipon ako.Hindi ko muna kinuha iipon pa kasi ako para sa anak ko din yan. Magandang hapon sa lahat ay maggagabi na pala.Ang bilis ng oras pauwi na si hubby asikaso muna sa pagluluto. Janrich®

@Sweetzyle22

Good night na mga kaingay... Oras na para matulog para bukas eh maganda ang gising.Pero bago yan huwag makakalimot magdasal at magpasalamat sa araw na pinagkaloob satin.Nakakatuwa na kahit papano eh may naipon nadin ako kay bch galing kay noise.cash. Night night na po bukas ulit... Noise cash lang malakas... Keep safe and god bless us. Janrich®

@Sweetzyle22

Good morning noise mate! Aga ko nagising mga 4:15am.May mga gising nadin pala na mga momshie katulad ko. Scroll muna kay noise habang hindi pa naalis asawa ko.Aga kasi pasok ng asawa ko 6am-6pm pasok niya.Pinaghanda ko muna ng almusal ayaw niya kumain sa bahay gusto babaunin sa company nila.Pag nakain daw sila sa company sharing sila sa ulam nila parang boodle fight ginagawa nila.Pwede sila hindi kumain sa canteen.Minsan nga nagluluto sila mga tao nila tagaluto ambagan lang…

@Sweetzyle22

Hello mga ka pinas! Kararating lang namalengke at nagbayad ng mga bills para wala ng alalahanin.Sahuran na naman kailangan unahin mga dapat bayaran.Sana all inuuna mga bayarin.Ang hirap na magtiwala sa ngayon.Yung nanghiram sakin hanggang ngayon hindi na naalala nagka amnesia na ata hays.Ang sabi eh ibabalik kaagad next week hanggang inabutan na ng ilang buwan.Ako pa tuloy itong nahihiya maningil.Bakit ganun mga kaingay pag nagpahiram ka ikaw pa yung mahihiya.Ako kasi yung…

@Sweetzyle22

Sinabawang yellow fin (kusido) tawag samin niyan. Isda na naman for lunch... Hays hirap mag-isip ng uulamin palagi. Ito yung nakita ko sa palengke tagal din di ako nakakabili nito.Medyo mura siya ngayon hindi kasi siya yung sobrang laki.Masarap siya sinabawan,talbos ng kamote lang at kalamansi nilagay kong pang asim tsaka luya pantanggal ng lansa.Malunggay sana gusto ko ilahok kaso wala ako nakitang tinda sa palengke pero ok na din tong talbos ng kamote para sa mga low blood…

@Sweetzyle22

Muntikan ko ng hindi makunan pic.meryenda ko nawala sa isip ko hehe.Nilagang saging na saba na may sawsawang mantika ng taba ng baboy sa adobong natural, nilagyan ko ng sili at konting asin ayan solve na meryenda ko.Madali lang lutuin kasi ilalaga lang naumay ako sa merienda ko kahapon.Nanonood kasi ako ng Dolce Amore.Masarap siya try nyo hehe mahilig talaga ako sa maanghang. Ang mahal nadin ng saging 2 pesos ang isa tapos hindi pa maganda.Walang magagawa pag gusto kumain…

@Sweetzyle22

Yey!malapit na ko makapag graft ng aking imported adenium.Ang lulusog na nila akala ko hindi ako makakapagpa buhay ng mga seedlings.Tnry ko mag order kesa sa grafted na ang mahal kasi sana naman maging successful ang pag graft ko.Excited na ko mamulaklak sila kaso need ko pa e graft sila para dumami yung stem nila.Goodluck na lang sakin.After 6mos.ayan na sila ang tataas na tagal din nila lumaki. Good evening noisemates Janrich®

@Sweetzyle22

Good morning noisemates! Have a blessed thursday... First day of july na nalalapit na ang pasukan ng anak ko.Matatapos na bakasyon nila ng hindi man lang nakapag bakasyon nasa bahay lang hayss...By 2nd week daw balik ng klase nila online class padin.Need ko na ihanda iba pang mga kakailanganin ng anak ko.Nkapagpatahi na ko ng uniform niya mga gamit na lang sa pang arts ang wala.Yung books at notebooks hintay ko na lang kunin sa school nila.Madami pa naman natira sa mga…