read.cash Log in
@Sweetzyle22 more from that month

Sinabawang yellow fin (kusido) tawag samin niyan. Isda na naman for lunch... Hays hirap mag-isip ng uulamin palagi. Ito yung nakita ko sa palengke tagal din di ako nakakabili nito.Medyo mura siya ngayon hindi kasi siya yung sobrang laki.Masarap siya sinabawan,talbos ng kamote lang at kalamansi nilagay kong pang asim tsaka luya pantanggal ng lansa.Malunggay sana gusto ko ilahok kaso wala ako nakitang tinda sa palengke pero ok na din tong talbos ng kamote para sa mga low blood pampadagdag din ng dugo to.Maganda laging may sinabawan para sa mga bata hindi man makakain ng gulay nasa sabaw naman yun makakain nila.Ansarap higupin ang sabaw. Tara kain na po tayo mga kaingay... Happy lunch time po... Janrich®

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.