Ang ganda pala ng Ang Dalawang Mrs Real.Ang tagal na pala nito now ko lang napanood.Napuyat ako dito tinapos ko talaga to panoorin.Nakakainis na nakakaiyak at may magandang aral na makukuha dito.Kaya sa mga kalalakihan diyan sana mapanood niyo to lalo na sa ngayon pati nadin pala sa mga wala pang asawa.Sa isang gabing pagkakamali mo ang daming masasaktan at maaapektuhan.Naiiyak ako kay millet subrang hirap ng naramdaman niya.Kaya naman para sa mga dalaga kailangan kilalanin muna talaga bago mo ibigay ang lahat.Yung hindi mo alam na may asawa na pala mamahalin mo ang saklap din nun.Napuyat talaga ko dito ang gagaling din pati ng mga artistang gumanap.Sana naman bago gumawa ng kalokohan mga kalalakihan mag isip muna lalo na ngayong nauuso ang ganito.Pag naghiwalay ang mga magulang mga anak ang kawawa sila yung subrang naaapektuhan, kaya naman mga bata ngayon natutoto magrebelde.At tsaka gawa ng ama yung anak ang magbabayad ang anak na babae. Napanood niyo na din po ba ito?
No comments yet