Trauma is Real!
#10 (130)
Minsan may mga bagay na di natin sukat akalaing darating, di natin sukat akalaing mangyayari ngunit sabi nga nila, ang lahat ng mga nangyayari satin ay may dahilan, only God knows ika nga. Di natin maiiwasan ang isang bagay kung ito ay ginusto ng ating Lumikha.
Naalala ko ang masakit na ngyari sa aking pamilya taong 2015, dumating ang trahedya samin na di namin inaasahan, nakakapanlumo ang mga nangyari samin noon, damang dama ko ang takot kahit wala ako sa pangyayaring iyon.
Taong 2015 ng madamay kami sa isang sunog, isang pagitang bahay lang ang layo namin sa pinagmulan ng sunog,mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa mga light material ang mga bahay sa aming paligid, sementado naman ang bahay namin ngunit may mga kahoy parin at malakas ang hangin kaya mabilis kumalat ang apoy, pati mga bombero ay hirap na hirap pumasok sa mga iskinita. Kakapadala ko lang ng pera ng mangyari ang sunog, kakatapos lang daw maligo ni Ina ng mangyari ang sunog at andon pa xa sa Ate namin (halfsister) sa may kapitbahay. Walang naisalba ang aking pamilya maliban sa kani kanilang mga suot, thanks God nalang at nasa middle east kami ng isa ko pang kapatid ng mga panahong yon kaya agad agad kaming nakapagpadala ng tulong. Tama nga ang kasabihang MAS MAINAM PA ANG PAGNAKAWAN DAHIL KAHIT PAPAANO MERON NATITIRA KESA MASUNUGAN NA HALOS WALANG ITITIRA.
___________________________
Last Thursday ng hapon namili ako ng ulam for hapunan namin, nong dumating na ako ng bahay saka pa sinabi ng hipag ko na bibisita daw ang tita ko, so after ko maihanda ang nabili kong ulam, at mapainit ang gulay, matapos maihanda ang salad, paalis na sana ako para bumili pa ng additional na ulam. Ng papaalis na ako ng bahay biglang may narinig akong sigawan sa labas, pinasilip ko sa bunso kong kapatid kung ano nga ba ang nangyayari, bigla akong kinabahan at nataranta ng sabihin sakin ng kapatid ko na mayroong sunog malapit sa amin, mga anim na bahay yata ang layo samin kaya nataranta ako. Bigla akong nagpanic ng makita ko ang mga taong nagtatakbuhan at may kanya kanyang bitbit kaya pinamadali ko ang pamilya ko na iligpit ang mga importante lang at umalis kami ng bahay. Nakakatrauma na talaga kasi dipa ako nakakarecover nong nasunugan kami noon.
Nagliliyab ang apoy, mabuti nalang at nai off ang connection ng kuryente sa aming lugar upang maiwasan ang malawakang sunog, andaming dumating na bombero upang apulahin ang apoy, ilang oras din bago totally naapula ang apoy, mabuti nalang at ang mga katabi ng nasunugan ay mga sementado ang bahay at matataas din. Naging fire barrel narin sila upang di agad kumalat ang apoy.
Nagligtas na ang mga kapitbahay ng mga importante nilang gamit pero dahil marami na ang dumating na bombero kaya nakampante kami, dina namin inilabas ng bahay ang aming mga gamit malibannlng sa mga papeles na mahahalaga samin, natutuwa ako dahil andaming tumulong na bombero galing sa ibat ibang barangay ng Taguig maging sa labas ng Taguig na din. Tunay na bayani ang mga fireman dahil di biro ang kanilang mga trabaho.
Mabilis din napatay ang apoy, bawat isa ay nagsibalikna din sa kanya kanyang bahay. Tinatamad na at wala ng lakas upang buhatin pabalik ang mga gamit kumpara noong pagbubuhat nong kasagsagan pa ngsunog.
Magjng kami ay tinatamad na din halos ibalik ang mga gamit na niligpit namin, itinabi nalang muna namin at wala pa isang oras matapos ang sunog ay dumating na ang aming mga bisita. Tumuloy parin sila kasi nong kasagsagan ng lakas ng apoy ay malapit na sila sa Taguig at alanganin na din na bumalik pa sila ng Bulacan kaya tumuloy nalang sila. Supposed to be nglinis na kami ng sala, dining room at kwarti na tutuluyan nila pero ng dahil sa sunog naging magulo ulit pero naintindihan naman nila iyon. Ganon pa man ang nangyari, naging masaya parin ang salo salo namin kasama ang aming tita at mga pinsan.
Sadyang ang lahat ng darating na trahedya ay di natin alam, sadyang ang tanging may alam ay ang Lumikha lamang. Hanggang ngayon diko rin alam ano ang dahilan o saan ang pinag ugatan ng sunog. Ayoko narin maki issue, naway wala ng susunod pang pangyayari ang ganon dahil sadyang nakakatrauma. God protect us always Insha Allah at sa atin na din ang ibayong pag iingat. Maraming salamat sa lahat sa patuloy na suporta. God bless us all and ingat palagi. Hanggang sa susunod thank you so much!
February 26, 2022 Saturday
Philippines time: 11:45 PM
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Nakakatakot talaga sis kapag ganyan,, mabuti naman naapula agad ang apoy.