The truth!
#13 (143)
Magandang buhay sa lahat, napaaga yata ang aking pag eemot ngayong araw hahaha. Pagpasensyahan niyo nalang muna ako, medyo masama yata ang gising ni Inday ngayon πππ
Sabado ngayon, weekend market na naman dapat ang punta ko pero di ako nagising ng maaga dahil late ako nakatulog kagabi, napagod sa divisoria tour este lakad kahapon. Napagod magbitbit ng mga bilihin kaya ang result sakit sa katawan. Ganon pala yon kapag nagiging negosyante tayo mas nabibigyan natin ng halaga bawat piso na ating binibitawan. Naiisip natin na di pala madali hanapin at kitain ang piso.
Anyway, may napapansin lang pala ako sa kapaligiran πβ alam natin na bawat isa sa atin ay may kanya kanyang ginagawa, busy sa takbo ng buhay, minsan nagbabago din pala ang bawat isa sa atin lalo na kapag wala na tayo naitutulong sa ating kapwa? Yon bang parang wala na tayong halaga kapag wala na silang kailangan sa atin? Yon yung mga napapansin ko lang, marami ng nagbago, marami ng nakakalimutang gawin, marami ng nakakalimot.
Ang lahat ng ito ay base lang sa obserbasyon ko sa kapaligiran at wala akong tinutukoy sino man. Sadyang ang buhay ay mapagbiro, mapaglaro at mapanlinlang. Di natin napapansin ang tunay na ugali ng bawat isa lalo na kung wala tayong maitutulong o wala na silang kailangan sa atin. Nakaka panghinayang lang kapag ganon ang pangyayari. Nakakapanlumo isipin na ang sukatan lang pala ng lahat ay kung anong meron tayo, anong maitutulong natin at kung anong maitutugon natin sa bawat problema nila.
Masakit isipin ngunit kailangang tanggapin na sadyang ganito pala ang buhay dito sa mundo, napapansin ka lang kapag meron silang kailangan o kung meron lang silang mapapala sayo at kapag wala na dika na nila nakikita kahit andiyan ka naman. Nagiging invisible ka nalang sa iba
Paumanhin sa pag eemot ng kay aga, ang lahat ng ito ay personal na basehan lang at di ako tumutukoy ng kahit sino. Base lang sa napapansin ko. Anyway hanggang dito na lamang muna baka kapag lalong humaba ay makasakit pa ako ng damdamin ng iba ππββ
Maraming salamat sa lahat at paumanhin sa araw na ito, wala lang yata ako sa mood at dito ko nalang nilalabas ang kabagutan ko, marahil dahil di ako nakabili ng bulaklak kaya nag eemot na naman si yaya hehe. God bless us all at lagi tayong mag iingat sa lahat ng oras.
March 26, 2022 Saturday
Philippines time: 9:55 AM
Lead image from Unsplash.com
Sending of friendship,
@Sweetiepie β€β€β€
Isipin na lang natin na may halaga pala tayo :D Kahit papano nakakatulong tayo sa ibang kapwa. Mas magand un ganun na pagiisip bawas ng stress :D