Thankful and Grateful noise and read!
#2 (132)
Ang bilis ng araw, parang kailan lang February pa lang. Nakaka panghinayang ang mga araw na pinalipas ko, pinairal ang katamarang magsulat. Kung kelan hawak ko na ang oras ko saka naman ako tinamad magsulat kahit meron naman topic, pero thankful parin ako dahil kahit papaano meron at meron parin sumusuporta at kahit papaano dipa rin ako kinakalimutan ni Rusty.
Itong dalawang nakalipas ay aminado ako na dina ako gaanong active lalo na nitong nakaraang buwan ng Pebrero dahil sampong articles lang ang aking nagawa, humihingi ako ng paumanhin doon sa mga taong nagtiwala sakin at nadisappoint ko lang. Mga taong nagtiwala sa akin ngunit diko napahalagahan dahil hindi na ako naging aktibo.
Minsan sa ating buhay, may mga bagay na di natin naipapaliwanag. Mga bagay na ayaw nating mangyari ngunit kusang nangyayari. Gustuhin man natin ibalik at balikan ngunit dina pwede. Tanging magagawa nalang natin ay gawin ang mga bagay na di natin nagawa noong mga nakaraang araw, buwan o taon. Tao lang tayo na minsan nagkakamali, minsan di natin nagagampanan ang mga bagay bagay na dapat sana.
Anyway, nitong lumipas na araw ay di masyado ako aktibo ngunit super thankful parin ako dahil sa mga patuloy na sumusuporta sakin. Dina ako gumawa ng update ng aking mga kinita mitong dalawang buwang dumaan pero super thankful parin ako dahil malaking tulong na din ang naitulong sakin ng noise dot cash at read dot cash. Sa pamamagitan nila ay nakaipon ako ng pambiki ko ng bagong double burner stove. Di man ako kumita ng malaki pero thankful parin ako sa blessings na natanggap ko. Meron na akong alaala ng aking pinaghirapan. Malaking bagay na ito para sakin.
Glasstop stove ang aking binili pero ng dumating na ako ng bahay at nakita ng pamangkin ko ay pinayuhan akong ibalik at ipalit ng iba dahil ganyan daw yong pinagmulan ng sunog dito malapit sa amin nong nakaraan, buti nalang at dipa namin naikabit at dipa natatanggan ang mga nakadikit dito. Natakot ako kaya sinabi kong ibabalik ko na lang at buti nalang meron pabg 7days return kaya stainless nalang ang ipapalit ko instead na glasstop.
Maganda sana at nagustuhan ko pero dahil sa natrauma na ako ng sunog kaya ibabalik ko nalang. Nagpalit na kasi ako ng kalan kasi masyado ng luma ang aming kalan at nangangamoy gas pa kapag ginagamit na namin. Thankful nalang sa dalawang platform na ito dahil nakaipon ako ng pambili ng bago.
Pagkatapos namin bumili ng stove kanina ay ngpamassage pa kami sa chair massage πππ sulit na sulit ang 50php ko dahil 15mins na iyon. Ang sarap sa pakiramdam, nakakarelax talaga. Feel na feel ko bawat hagod ng makina πππ
Kanina pala habang nakipag marites ako sa kapitbahay ay nakakuha ako ng bago kong alaga, simple lang xa pero gustong gusto ko. Minsan may magandang dulot din pala ang pakikipag Marites hahahaha.
Hanggang dito nalang muna, maraming salamat sa patuloy na nagbabasa sa aking mga gawa at sa suporta. Hanggang sa muli, maraming salamat. Thanks God for everything Alhamdulillah.
March 2, 2022 Wednesday
Philippines time: 10:45 PM
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of friendship,
@Sweetiepie β€β€β€
I do not understad but I will assume you bought a new gas stove using read's earnings? this makes me smile :)