Tuesday Request! #6 (126) Kahapon pa lang nagrerequest na ang pamangkin ko na lutuan ko daw sila ulit ng arabic bread/kuboz o yung parang wrapper ng shawarma, pero dahil na busy ako kahapon at nakiuso sa valentine's day kaya diko nagawa. Kaninang umaga nilambing ako ulit ni pamangkin na lutuan ko na daw sila kaya napa OO niya ako pero sabi ko sa meryenda time na. Inutusan ko siyang bumili ng all purpose flour o harina dahil konti lang harina sa kusina namin, pinabili ko siya ng isang kilo dahil yung ginawa ko noong nakaraan ay kulang sa kanila. Pagdating ni pamangkin ay sinimulan ko ng gawin ang dough pero tantiya lang ako, di ako gumamit ng measuring cup. Tantiyahin niyo nalang din mas masarap pa hehe, samahan ng **LOVE** kapag nagluluto para mas lalong masarap ang outcome 🥰 simple lang naman mga ingredients ko at alam kong affordable lang talaga. Ingredients: ***Harina*** ***Asukal*** ***Asin*** ***Mantika*** ***Warm water*** ***Powdered milk.*** ****Note****: tantiyahin niyo nalang, dahan dahan sa paglalagay ng tubig para dina kayo magdadagdag pa ng harina. **Samahan ng LOVE** ang bawat ginagawa para mas masarap sa pakiramdam kahit nakakapagod. More on sugar than salt, more milk is better para malambot at mantika narin tama lang ang ilalagay, pwede niyong tikman ang dough para alam niyo ano pa ang need niyo idagdag ayon sa panlasa niyo kasi magkakaiba naman tayo ng hilig. Kami mas like namin ang mejo matamis para kahit walang palaman ay yummy parin.
Ang sarap nitong partner ay kape! Masarap na palaman sa kuboz or arabic bread ay scrambled eggs, beans o di kaya ay sisig, shawarma style 🥰. Once natikman mo to hahanap hanapin mo lagi hehe.Masaya na ako makita silang sarap na sarap sa luto ko. Masarap kainin kasi lalo na kapag mainit pa kahit plain lang ay malasa parin. Laging tandaan na sa tuwing tayo ay naglukuto, samahan natin lagi ng kahit na konting love. Sulit na ang pagod ko kapag nakikita ko silang nakangiti at kumakain.
*Thank you sa lahat ng patuloy na sumusuporta sakin, aminado akong malaki ang aking pagkakamali lately dahil dina gaanong active pero andito parin akong lagi. Napagod lang ako at nagpahinga pero never susuko sa ano manv hamon ng buhay. Magandang araw sa lahat at God bless us all insha Allah.* Until the next time be safe always!
**February 15, 2022 Tuesday** **Philippines: 11:PM** **All photos are mine unless stated otherwise** **Sending of love,** @Sweetiepie **❤❤❤**
17 comments
Tama sis no, dalawang klase na pwede mo maluto. Filipino food at yung mga natutunan mo sa ibang bansa.
Hehehehe trying hard lang sissy ng mapakinabangan naman at tipod ayieee
Gagawin kobtalaga iyo sis pag uwi lo para free na sa tinapay
Ginagawa ko to sissy kapag nagrerequest ng Turks shawarma mga pamangkin ko hahahaha tuna with egg lang nilalagay kong palaman hehehehe
Sarap niyan at pwede ding palamanan ng mayo egg hehe.
Tama ka jan sissy pwd xa kahit anong palaman even plain lang din hehe
Pita bread!...sarap nyan..yan yjng ginagamit na pinaka wrapper ng turks or shawarma diba..
Oo sissy yan un hahahaha gumagawa nlng ako kc ang mahal ng Turks diko carry niahahahaha
oh wow, madali lang pala gawin ito. :D bookmark ko to.
Super easy lang sissy at lahat ng ingredients nasa kusina lang natin lagi hehe
Yey , unti unti kanang bumabalik sissy hihi, gusto ko din sanang gumawa niyan sissy kaso tinatamad ako kulang sa time lage .
How i wish na bumalik na nga ako sa dati sissy hehehe nakaka miss din
Samahan ng love lagi sis para mas masarap😘
Agree ako jan sissy hehe
❤️
Nung naggawa ako nyang sis ginawa kong palaman century tuna na medyo maanghang🤤🤤 nakakatakam..🤤
Masarap xa sissy lalo n kpg bagong luto lang hehehehe