Masakit pa sa break up!
Hello beautiful and handsome readers and writers here! Whats up? Nakakalungkot lang talaga na makita ang nangyayari sa ibang bahagi ng Pilipinas. **Nakakapanlumo makita ang mga kabahayang nakalubog na sa baha, mga pamilyang nasa evacuation centers, mga batang umiiyak sa takot at ang ibang mga nawalan ng kanilang mahal sa buhay.** Masakit man isipin ang lahat ng ito ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ang mga nangyayari. Hindi tayo bibigyan ng ating **Panginoon** ng mga pagsubok na di natin kakayanin. Sinusubok lang tayo kung hanggang saan ang ating pananampalataya, kung sa ganitong kagipitan ba ay naaalala natin Siya? O di kaya ay sinisisi ba natin Siya? Laging tandaan na sa bawat lungkot na ating nadarama ay may kapalit na saya sa hinaharap kaya laging maging positibo sa buhay at wag mawawalan ng pag asa, ipagpatuloy ang buhay at pananalig sa **Diyos** dahil balang araw makakamtan natin ang bawat hinihiling natin **Insha Allah.** Ang aking halamanan:
Noong una di talaga ako mahilig magtanim, di ako yong tipong tinatawag na **PLANTITA** dahil tamad ako magdilig haha, pero diko namalayan isang araw habang ngwawalking/jogging kami ay umabot na pala kami sa may **Aani's Market sa Fti Tagui**g. Ang tindahang ito ay nvbubukas langvtuwing sabado at linngo, marami angbtinitinda dito, mga ibang ibang klase ng halaman at bulaklak, mga isda at gulay, mga prutas at kakanin, meron ding mga damit ang maliliut na kainan. Makikita monhalos lahat ng hahanapin mong pang araw araw na gamit doon. Maliit lang siya na area pero marami kang pagpipilian o mabibili. Habang linilibot ko abg market na yon, biglang napunta ang mata ko sa mga maliliit na rosas na tanim, naakit ako sa ganda nila kaya ayaw ko manv bumili ngunit diko mapigilang maakit ng magagandang bulaklak dahil na din sa mga mura nilanv presyo from **50 php pataas.** Doon na nagsimulang makahiligan kong magtanim at dahil limitado anv lugar namin kaya ngpagawa ako ng sabitan ng aking mga halaman at pinagtiyagaang alagaan sa gitna ng mainit na panahon sa Taguig. Diko namamalayan na humigit kumulang sa limanv libo na pala anv nabibili kong mga pananim 🤭 gumigisingbako ng maaga upang diligan araw araw ang aking mga tanim at tinatanggal ko ang mga tuyong dahon. Mula ng makita ng mga kapitbahay ko na namumulaklak at ang vandang tingnan ng hanging garden ko ay naingganyo din silang magtanim gaya ko walang dumadaan sa harap ng bahay namin na di napapalingon at humanga sa mga tanim ko. Ibat ibang bulaklak anv aking collection maging violet sili ay meron din ako.
Ibat iba ang mga collection kung bulaklak kaya bawat napapadaan sa tapat namin ay napapa WOW talaga na siyang ng encourage sa akin upang alagaan pang mabuti ang mga halaman ko. Lagi nilang sinasabi na sa area namin ako pa lang ang may ganitong mga halaman. Malulusog sila ngunip payat ang may ari 😂 lol!
Sobrang saya ko tuwing gumigising ako sa madaling araw, **pagkatapos ko magdasal ng Fajr o Dawn prayer** ay bitbit ko na ang aking pandilig, kinakantahannko sila minsan at kinakausap pa hahaha natatawa ako sa sarili ko para akong baliw sa ginagawa ko. Kinakausap ko sila na laging maging malusog at mamulaklak ng marami at wag malanta agad sahil diko afford abf fertiliser. Minsan kapag nakikita ako at naririnig ng mga kapitbahay ko na kinakausap nila ako ay binibiro nila ako at baka daw biglang sumagot ang mga bulaklak ko haha silly me!
Ngunit dumating ang araw na flight ko na papuntang Kuwait. Sobrang lungkot ko dahil alam kong maiiwan ko ang mga tanim ko at walang mag aalaga kagaya ng mga ginagawa ko . Ibinilin ko sa mga kapatid ko at pamangkin na alagaan nilang mabuti dahil sayang naman ang effort ko kung bigla na lang silang mamamatay. Lagi akong nagtatanong sabkanila about sa mga tanim ko at ang sagot nila ay ok naman, hanggang dumating ang araw na sobrang tag init sa manila at nawawalan pa ng tubig kaya di nila madalas madiligan dahil nagtitipid ang lahat sa tubig dahil walang tubig sa mga gripo st sadyang bmaasa silang pumila sa malayobg lugarbpara may tubig lang. Natagalan din umulan. Makalipas ang isang taon ay ngmensahe ako sa kapitbahay namin upang padalban ako ng larawan ng aking mga tanim kasi abg pamangkin ko di niya sinasabi sakin ang totoo at baka natatakot na pagalitan ko sila. Nakiusap ako na kapitbahay namin na kung maaari ay picturan niya ang aking hanging garden dahil miss na miss ko ng makita, ng ipadala niya sakin ang larawan ay bigla akong nanlumo at biglang tumulo ang mga luba ko sa nakita ko. Masakit din pala malaman wala na ang mga inaalagaan mo maging ito man ay mga halaman lang. Sobra akong nalungkot at nagalit ako sa aking kapatid at mga pamangkin ngunit naunawaan ko naman sila dahil maging noon pa man naranasan ko din yong panahong wala talagang tubig at limitado lang talaga. Noon kapag ganon na ang situation, yong budget ko sa paliligo ay idinidilig ko nalang sa mga halaman ko, dina ako naliligo basta madiligan ko lang sila. Sobrang sakit talaga na **MAS MASAKIT PA TALAGA SA BREAK UP!**
Matagal ako nakamove on at nagtampo sa mga kapatid at pamangkin ko pero ngayon tanggap ko na ang lahat. Magsisimula nalang akong muli ngunit diko alam kung magagawa ko pa kayang muli 😔 **Mensahe**: ***Masakit mawalan maging ito man ay halaman din lalo na kapag minahal at inalagaan mo sila. Sadyang magkakaiba ang tao ngbpag aalaga. Marahil malusog sila sa mga kamaybko ngunit nagtampo ng ako ay lumayo. Nakakapanghinayang pero ganon talaga ang buhay.*** ***Maraming maraming salamat sa mga bgbasa ng aking artikulo. Nawa ay nagustuhan niyo at napangiti kayo ng aking mga bulaklak. Mga alaala na lang ang meron ako at kailanman diko na sila makikitabpang muli. Mapapalitan man sila pero iba parin yong sayang naramdaman ko sa kanila. Maraming salamat sa mga panahong lagi nila akong napapangiti kahit sobrangbpagod na ako.*** Pasasalamat: ***Thank you so much to all the readers and commentors! To all of my sponsors and upvoters mostly*** @TheRandomRewarder ***thank you a lot. You guys always motivating me and let me feel I can do it. Hope to see you again in my next article, God bless us all Insha Allah*** Plagiarism check at 1text.com
**October 12, 2021 Tuesday** **Kuwait time: 2:15 pm** **Article #33** **All photos are originally mine** https://1text.com/plagiarismchecker/unauthorized **Sending of love,** **Sweetiepie ❤**
68 comments
Bakit naka publish agad lods? Sabi mo magtagalog ka nagtatagalog ka nga haha kinareer mo ih hehe yung sunflower talaga nag dala lods. Ang ganda niya
Salamat lods, haha wala ng review review yan lods minadali ko na hahaha
Hahaha ayos lang yan lods. Ang importante masaya :)
Diko na nareview ang mga mali, bc na naman kc c yaya lods hehe
Tama ka diyan minahal mo ang mga halaman mo tapos PAg uwi mo makikita mo na wala na silang lahat iisipin mo na sayang ang oera na naibili mo.. Pero kung ganon nga na nawalan ng tubig at sobrang init din Naman ng panahon sa pinas kaya nag kaganyan. Bibigyan na lng kita ng maraming halaman take as what you can PAg uwi ko .
Ang layo mo sissy haha yong pamasahe ko ibibili ko nlng ayiee salamat sissy
Dala na Ang bakasyon doon anonka huwag manghinayang sa pamasahe
Sana nga sissy soon hehe
wow sis, jan sa BGC taguig ako nag ooffice (prior the pandemic). Pwede patambay sa bahay ninyo at pahingi ng tangkay ng mga roses? Pantanim ko lang..grabe inggit much ako sa mga halaman mo sis. Ang gaganda!...at ang lulusog!
Huhubu patay na lahat ng mga halaman ko sissy ,dina kasi naalagaan mula pumunta ako ng kuwait 😭
Awwwtsss sayang naman sis..
Kaya nga sissy ansakit para sakin
Tanim nalang ulit sissy pag uwi mo pili ka ulit ng magagandang bulaklak yung mga bago sa paningin mo huwag na iyak hihi.
Masakit talaga sissy kc matagal kami ngsama hahaha. Mahal ung mga bago sa paningin sissy hehehe
Love those flowers, amazing :)
Thank you sis, Im sorry its in filipino language . Yeah they are look so sweet too
aww that's fine sis, no need to be sorry. I thoroughly enjoyed such lovely flowers :)
Thanks for noticing me sis, its really make me happy
Hugs :)))
Xoxo
Sis ang ganda ng mga bulaklak mo..lalo na ung sunflower ang cute.
Alagang alaga ko sila sissy pero wala na sila ngaun, iniwanan na haha
Wow. Ang gaganda ng mga plants sis. Balak kong maging plantitanin the future kung palalarin ng kamay. Hehehhe.
Kaso wala na sila sissy, di naalagaan ng mabuti nong pumunta ako ng kuwait
Ang gaganda naman ng mga halaman mo sis.😍
Salamat sissy pero wala na cla
Sayang sis no ,okay lang yan mag collect ka na lang ulit❤️
Ang laki din ginastos ko don haha pero tama ka collect again hehe
Marami din ako tanim sis pero ngayon parang tinatamad na ako hehe😅
Noon wala akong hilig pero nong namumulaklak sila araw araw nakahiligan ko na
Nakakawala talaga yan ng stress sis kahit medyo magastos😅
Super nakaka relieve sissy. Haha naku sissy kahit lupa binili ko, mahirap kc maghanap ng lupa sa taguig
Super ganda na sana sissy ng mga halaman mo...sayang lang at napabayaan..Siguro dahil hindi mahilig yong pamangkin at mga kapatid mo sa halaman o kaya naman wala na itong oras..O kaya hindi sa kanila hiyang yong halaman at ikaw ang hinahanap nito..Minsan kasi may mga taong kahit anong alaga sa halaman,namamatay pa din.Meron din yong sinasabing magaan daw yong kamay at kapag nag alaga ng halaman..Ang dali nilang mapaganda at mapalusog...Heheh
Siguro nga sissy kasi inaalagaan talaga nila. Sabi din nila maganda daw ang mga kamay ko sa halaman o dahil kinakausap ko sila sissy para akong baliw hahaha
May mga buhay din daw kasi yan sissy at kapag kinakausap mo sila mas lalo silang gumaganda...Yong kapitbahay namin ganyan din ginagawa...Kapag nagdidilig ng halaman..Sasabihin o ikaw wala pang bulaklak..Sana mamulaklak ka na din.hahahah..Minsan binibiro ko...Bukas kako ate hindi lang bulaklak ibibigay niyan sayo kahit bunga.hahahah
Minsan natatawa na din ako sa sarili ko sissy hahaha
Oh, sayang naman. Pero meron talaga d mahilig mag-alaga eh. D bale mag-alaga ka ulit pag uwi mo.
Nakakapanghinayang nga sissy pero ganon talaga ang buhay hehe, thank you
Parang pwede pang revive yung iba don hehe.
Wala na sis kinuha na daw ng kapitbahay ung mga paso kasi wala ng laman
Ahaha, ganon. Tanim ka na lang ulit sis pag feel mo ulit :)
Ang gaganda na sana sissy ng mga halaman mo oh...sayang nga lang at napabayaan....Baka namis ka din siguro sissy ng mga halaman kaya po ganyan.heheh
Kaya nga sissy nakakapanghinayang talaga
Alagaan mo nalang ulit sissy pag-uwi mo baka sakaling gumanda ulit.
Awwww, I feel you, sis. Ako naman ngayon, lubog sa tubig. Kung pwede k lang ishare yung ibang tubig para sa halaman mo :(
Tag ulan parin ba sissy? Sana tumigil na ulan jan at dito naman maligaw
Kaya mo pa yan ate sa susunod may experience ka na eh..pray po tayo para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo ate..
Kawawa naman sila sissy sana ung ulan jan dito naman mapadpad
I translated all the text Ahah. I'm not going to show this article to my wife because I would give her to go out and buy more plants ahah.
Hahaha this is why I dont publish in your community because im thinking its gonna be hard to understand to other readers, thank you for still reading friend. Yeah absolutely agree with you. Your wife must wish to have them lol 😊
More comments