Muling Binuhay Mo #10 (140) Magandang buhay friendship! Kumusta ang lahat? Naway lagi tayong nasa maayos na kalagayan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan. Nandito na naman ako ngayong araw kasi medyo nakaluwag ako sa oras, hindi na muna kasi ako mag iihaw ihaw 😂 sobrang nakakapagod na kasi at sadyang kinakain ang oras ko dahil matagal ang pagprepare ng mga panindankong ihaw ihaw hehe.
Nakakapagod ang paghahanda ng panindang ganito, mahabang pasensya ang kailangan at tiyaga sa pagtutuhog 😁😁 kaya naisipan ko munang itigil kahit sobrang mabenta dahil kulang na kulang na talaga ako sa oras sa ibang mga gawain ko. Sa tindahan pa lang super kulit na ng mga bata sa papiso piso kong mga paninda hehehe, idagdag pa ang pabunutan ni yaya 😂😂😂 Anyway, napapalayo na yata ako sa topic ko sana for today, last year meron akong naisulat na article about sa mga tanim ko na sobra akong nadismaya ng malaman kong wala na sila masakit-pa-sa-break-up, sobra akong nasaktan dahil sobrang inalagaan ko sila at ginastusan pero bigla nalang makikita kong wala na sila. https://read.cash/@Sweetiepie/masakit-pa-sa-break-up-23d5d55f
**Diba ang sakit sakit sa pakiramdam na makita ang pinaghirapan, inalagaan at ginastusan mo tapos sa isang iglap patay na pala sila. Pero wala akong magawa dahil nangyari na. Sinabi ko sa sarili ko na pagbalik ko ng Pilipinas ay magsisimula ulit akong magtanim hanggang mabuo ko ang dating meron ako, mga halamang nagbibigay sa akin ng mga ngiti tuwing umaga at tinupadbko nga iyon. Di man kasing ganda o mabulaklak gaya ng dati pero soon mapapaganda ko din sila.**
Di man sila kasing ganda ng mga nauna pero sisikapin kong mapaganda sa mga susunod pang linggo o buwan 😊😊, sadyang kay sarap pagmasdan ang mga halaman, nakakagaan sa pakiramdam lalo na kapag sila ay namumulaklak. Tama ang kasabihang "**kung may mawawala, mayron ding papalit"** at naniniwala ako doon. Yon nga lang bawat papalit ay di na gaya ng nauna. (**May kasamang hugot na yan besh 🤭🤭)** Wag tayong mawalan ng pag asa, magpatuloy sa hamon ng buhay, tayo ang piloto ng ating buhay, kaya natin paikutin ang ating buhay ayon sa ating kagustihan at sa gabay ng Dakilang Lumikha. Manalig sa ating Maykapal at Insha Allah lahat ng minimithi natin ay makakamtan. `Muli kong binuhay ang pag asa na magkaroon muli ng mga halaman at ito na nga natupad ko na 🥰🥰🥰 laging tandaan na kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan. Maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sa akin sa kabila ng diko pagiging aktibo. Sisikapin ko din na maibalik ang dati kong pagiging aktibo sa abot ng aking makakaya. Walang lugar ang pasuko, kung napapagod ka pwede kang magpahinga ngunit wag kang susuko, ang lahat ng pagsubok ay mayroong hangganan sa mga taong marunong magtiyaga. Dalangin ko ang ligtas at mapagpalang araw sa inyong lahat.`
**March 23, 2022 Wednesday** **Philippines time: 10:00 AM** **All photos are mine unless stated otherwise** **Sending of friendship,** @Sweetiepie **❤❤❤**
42 comments
Sis ncrave ako sa ihaw ihaw na piniprepare mo. Ang gaganda ng mga pampagood vibes mong halaman sis. Enjoy your day
Hehehehe ang hirap na negosyo sissy nakakapagod hahaha, salamat sissy same to you
Namimiss ka lang cguro nila ng sobra. Para din silang mga tao na kailangan ng pag aaruga at pagmamahal.
Cguro nga mate, pag uwi ko after two years wala akong inabutang buhay kahit isa, ang sakit sa pakiramdam
Nayyss..😍 Ang sarap naman nung mga bbq sis. Pahingi ako, ayy pabili pala. Haha.. Anyways, mukhang plantita ka nga din talaga sis, ano? Ang gaganda nung mga bulaklak na tanim mo. Sayang nga lang at namatay. Pero, mukhang muling binuhay mo talaga. Haha.. Ano daw? Tama ka sis, pag gusto maraming paraan talaga tas pag ayaw naman maraming dahilan. Nawa'y sumigla na ulit sila at tyaka mamukadkad pa lalo yung mga bulaklak..
Hoping too sissy mamulaklak na din silang lahat hehe, nakaka miss lang talaga mga dati kong alagang bulaklak
*Ang gaganda na ng bulaklak mo sissy. Lalo na yung Naka align sa dingding. Gusto ko din yang rose mo. Nakaka relax makita yung mga inaalagaan na halaman lalo na pag namulaklak na*
Salamat sissy pero namiss ko talaga ung mga dati kong tanim huhu
*Nakakamiss nga yun sissy, ang gaganda nun lalo na ang mga white roses mo.*
Wala n nga akong mahanap na ganon ngaun sissy, lagi na kc ako late nakakapunta sa weekend market mula magtinda ako
*Sige lang sissy baka next makatyempo ka na talaga.*
Hoping too sissy
Maghahanap ako ng isaw mamayaaaaaaa! Pinaalaga mo sa iba yung plants mo dati? Minsan kasi may tao talagang hindi green-thumb. May mga kilala akong gustong gusto magtanim pero lagi silamg namamatayan ng halaman. Nararamdaman dn ata ng halaman ang nagaalaga sa kanila hihi
Oo mate pinaalaga ko sa pamangkin ko, sabi din nmn ng mga kapitbahay namin na dinidiligan din ng pamangkin ko pati mga kapitbahay ko nag aalaga sa mga tanim ko pero di daw nila alam bakit di nabubuhay
Kinakausap dn daw kasi dapat char hahahaha
Siguro nga mate niahahahaha
Unti unti sis magagamay mo din ang takbonng negosyong pinasok mo at magkakaroon ka ng oras dito
Hoping too sissy, thank you so much sa walang sawang suporta sakin
Basta dito lng ako sis hehe
Thanks a lot sissy sa lahat lahat
Ah ah makathank you sis wagas🤣
Kc dimo ako nakakalimutan sissy
Sana sis makabili ako ngnihaw ihaw mo heheh,dami na ulit mga halaman
Naparami ko din cla sissy pero mas maganda parin ang dati
Babalik din yan sa dati sis maparqmi mo ulit
Sana nga sissy
Oo naman
Dami mo mga paninda sis. Gusto ko yang iniihaw mo pang ulam hehe.
Last pag iihaw ko na mamaya sissy grabe nakakapagod sobra. Sa paninda pa langpapiso piso ang kujulit ng mga chikiting na costumer ko hahahaha
Ang gaganda ng mga halaman mo dati sis sayang lang at nasira. Pero pwede pa naman maulit yon, it will take time pero for sure mas gaganda pa sa nauna ang maitatanim mo padin.
Salamat sissy, nanghinayang nga ako sissy laki ng ginastos ko sa mga tinanim kj noon nasira lang lahat, hope mamulaklak din mga bagong tanim ko soon
Kaya nga sis eh mukhang malaki laki din ang nagastos mo doon
Wow pabili ako isaw, sis! huhuhuhu I am craving now! Dami mo paninda pati plants din :) For good ka na ba, sis?
Kapag wala na mabenta sissy babalik ulit ako sa abroad hehehehe, last day ko na magtinda ng isaw sissy super nakakapagod sa tindahan pa lang huhu
Talagang nakapag patayo kana ng sari sari store sissy, yung pinaghirapan mo may nakikita talaga. Sana lumago ang pa piso piso hanggang sa may thousands na yan.
Sayang yung isaw sis lalo na kung mabinta. Kaso nakakapagod talaga yan.
Tumigil na ako sissy last na kahapon kc wala nako time magread
Kaya mo yan sis, kung ano mang ganda ang nauna mas maghihigitan pah yun sah pang huli, alam kung kaya mo yang maibalik ang dating wala ng buhay at pag ibig, ay charrrr,ahahha, by the way nice to meet you sis.
Hello sissy nice to meet you too, hehehe tama ka jan lahat ng ex este nauna ay kayang higitan ng mas better pa ayieee
Whahaha, talaga naman kapag ang x nah ay naging bitter tayo sis, ahaha,bakit kaya? Ano kaya ang nasa x?
Hahaha un din naisip ko sissy bakit kaya? Niahahahaha
Whahaha, kaya nga, ako din nagtaka, ahahaha.