My new experiment, jelly salad!

20 60
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

#14 (144)

Magandang gabi kapamilya, kapatid at kapuso! Kumusta ang lahat? Lagi nalang nabi busy ang ate, lola o kapatid niyo πŸ˜‚πŸ˜‚ ang dami kasing gustong gawin sa buhay! Naku naku naku ewan ko nga kung bakit eh wala naman mga anak o apo sa paligid pero maraming mga pamangkin πŸ₯°.

Kahapon masyado din akong na busy, ewan nga diko na pinag iisipan ang bawat galaw ko. Kung anong maisip eh agad agad ng ginagawa. Tulad na lang ng naisip kong magkaroon ng ebike! Maliit lang ang budget kaya sa facebook group nalang ako tumingin ng mabibili. Mabilis naman akong kausap basta ok ang lahat walang problema.

Nagkasundo kami sa presyo at maayos naman ung benebenta niya kaya naging mabilis ang negosasyon. Nagclose deal kami kaya sa hapon na niya inihatid ang ebike. Sa oras ding iyon ay ipinaalis ko ang sementong upuan na pinagawa noon ng aking ina. Masakit para sa akin na tanggalin yong upuan pero no choice kasi wala ng pagparkingan ng aming ebike. Meron pa kasi kaming dalawang MIO na ginagamit ng dalawa kong kapatid sa kanilang work.

Dina ako kumain ng tanghalian dahil ang sakit para sakin na ipagiba ito. Sumisikip ang dibdib ko kaya umiyak na lang ako para gumaan ang pakiramdam ko.

Kinahapunan ay dumating na ang nagbenta ng ebike 3wheels, sinakyan nia ang ebike mula Tondo Manila hanggang dito sa amin sa Taguig City. Dumating ang motor ng nasa maayos naman. Tinry ng bunso kung kapatid at ok na ok. Nagkaroon ng pirmahan sa DEED OF SALE, maayos naman ang seller at magaling makipag communicate. Kahit nong tapos na ang deal namin. Ngchachat parin para sa ibang kaalaman at gagawin sa ebike. Simple lang ito pero nagustuhan ko.

Tinanggalan namin ng atip kasi naka park nalang sa tapar ng aking tindahan, masyado na kasing masikip at marami din motor sa area namin, halos lahat ng kapitbahay namin merong motor gamit sa trabaho kaya crowded na masyado. Need na mag adjust ng mga motor 🀣🀣

Kinabukasan pa bago natapos ang tinibag na upuan at medyo naayos na din. Kaya kinagabihan kanina nakapagpark na ng motor ang bunso kong kapaatid.

Dipa totally ngdry pero ngpark na ang isang motor namin para di makaabala sa mga dumadaan. Ngaung araw din pala ay gumana na naman ang aking imahinasyon hehehe experiment attack na naman pang business sana 😁

Diko na nilagay sa ref, nglagay nalang ako ng mga ice tubes sa isang icebox para lumamig ang aking ginawa. Nakabenta din kahit papaano. Dipa nila nalalaman na meron na naman pala akong bagong paninda kaya dipa patok ayieee.

Gumamit ako ng paggawa nito ng mga sumusunod na recipe. Dina ako gumamit ng asukal pa dahil naglagay naman ako ng sweetened milk or condensed milk.

I used:

Isang latang condensed milk

Isang latang evap milk

Isang latang creamer

Tatlong kulay ng magic jelly flavour jelly

Sago at tubig.

Tinunaw ko bago isalang ang jelly, naka separate bawat kulay. Pagkakulo nito, nilagay ko sa isang lagayan at hinayaang lumamig at tumigas bago ko hiniwa ng maliliit.

Pinakuluan ko na din ang maliliit na sago sa maraming tubig, hinalo halo ko ito mayat maya para di manikit at masunog, pagkakuloo nito, pinatay ko na ang ,tinakpan at hinayaan ko ng mga 15 minutes. Nong lumanig na ay drain ko na ito at hinugasan ng tubig sa gripo.

Hiniwa ko ng maliliit ang mga jelly, inilagay sa isang lalagyan at pinagsalo salo ko na lahat, nilagay ko na din ang krema, evap at condensed at hinalong mabuti inilagay ko sa isang astick cup at bi alot ng plastic. Inilagay ko ulit sila sa ice box at nilagyan ng ice tubes. Kapag lumamig na, ready to serve na πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯° try niyo alam ko magugustuhan ninyo ang simpleng jelly salad. Kung matamis ang panlasa niyo pwede kayo mag add ng asukal o di kaya ay condensed milk.

----------------------------------

Maraming salamat sa mga dumalaw sa akin. Sa mga patuloy na sumusuporta, God bless you all. Supposed to be kagabi ko pa sana ipapublish ito pero antok na antok na ako at diko natapos, kaya paggising ko ngayong umaga ay tinapos ko na. Stay safe all and have a bless day Insha Allah.

March 30, 2022, Wednesday

Philippines time: 6:02 AM

All photos are mine unless stated otherwise

Sending of friendship,

@sweetiepie ❀❀❀

9
$ 1.16
$ 0.95 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Adrielle1214
+ 5
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Comments

Your salad looks great (Jelly) I love jelly and I often try to make coffee at home

$ 0.01
2 years ago

I will try it too sooonLuci, coffee jelly so yummy!

$ 0.00
2 years ago

Ang sarap ng gulaman mo sis, tamang tama yan sah subrang init ngayon, napaka business minded mo talaga sis, alam kung malayo ang maratating mo sis, salute talaga.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy , need lang magsikap lalo na wala na sahod as ofw

$ 0.00
2 years ago

Ok lang yan sissy Hindi Tayo pababayaan ne God, nandyan siya palagi sa atin.

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy, all blessings are bless from God above

$ 0.00
2 years ago

Dami mi ng pinagkakaabalahan sis

$ 0.01
2 years ago

Oo sissy kaya nawawala ako dito hehe

$ 0.00
2 years ago

Super productive ang araw mo sissy. Daming pinagkakaabalahan, pwede patikim ng jelly salad sissy. Natakam ako

$ 0.01
2 years ago

Ngrty bagong paninda sissy hehe

$ 0.00
2 years ago

Try mo green jelly at sago. lagyan ng mango at cheese.. Tapus condense and evap milk.. Masarap..

$ 0.01
2 years ago

Cge sis try ko din yan very soon. Maraming salamat sa bagong kaalaman. Susubukan ko yan for sure

$ 0.00
2 years ago

Perpek yan sa mainit na panahon sis,qt yung e bike ba yan?ang cutrleπŸ₯°

$ 0.01
2 years ago

Mabenta nga sa mga bata sissy hehehe, Mabilis lang pala matutunan ang ebike sis

$ 0.00
2 years ago

Wow sobrang productive mo nmn sis. Maganda ung ebike. Yan pla ang price nya nuh nasa more than 15k.

$ 0.01
2 years ago

32k ang price nia sissy ung 3wheels, kpg may atip 39k. Second hand lang kc binili ko pero good as new din, emergency need lang daw kaya benenta

$ 0.00
2 years ago

Ang sipag mo sis. Sayang nga ung uouan na semento sis. Kaso wla ngang paparkingan no choice noh. Ang ganda sis ng e bike. Ang sarap ng jelly salad

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy, super nanghinayang ako sa upuan kc pinagawa pa un ng nanay kong namatay na. Yun sana alaala nia kc noon don xa lagi nakaupo lalo na sa hapon

$ 0.00
2 years ago

Madiskarte ka po kaibigan. Dyan Tayo aasinso. Tungkol naman sa ebike mo, Meron din Dito. Ang cute talaga sobra.

$ 0.01
2 years ago

Need lang dumisksrte mate lalo at walang ibang source of income. Oo mate inaaral ko pa paano gamitin ebike para sa pagpunta man lang ng palengke hehe

$ 0.00
2 years ago