Malupit ang pagkakataon

22 74
Avatar for Sweetiepie
3 years ago

August 31,2021 Tuesday

Kuwait time 1:10pm

Magandang araw sa lahat, naway nasa mabuti tayong kalagayan at ligtas sa lahat ng oras. Maging positibo sa buhay anumang pagsubok ang dumating sa atin. Laging tandaan na isa lang itong pagsubok na ibinigay ng Maykapal upang sukatin kung hanggang saan ang ating pananampalataya sa Kanya, kung hanggang saan natin kayang lumaban.

Totoong kwento ng buhay ko:

Sariwa pa sa aking isipan ang lahat. Pangatlong pagkakataon ng pakikipag sapalaran ko sa Gitnang Silangan Masayang masaya akong bumuo ng pangarap para sa aking Ina, mga pangarap na diko na pala matutupad kailanman.

August 25,2014 ng gabi, kinausap ako ng aking mahal na Ina upang sa kwarto ko daw sya matutulog sa huling gabi ko sa aming bahay at huling pagkakataon na kami ay magkatabing matutulog. Nabigla ako sa kanyang sinabi at kinabahan ako sa mga katagang iyon sapagkat kinabukasan ay ang aking lipad papunta sa bansang Abudhabi UAE upang makipagsapalaran para sa mga pangarap ko sa aking Ina.

Ina: Bhai anak,pwede ba akong tumabi sayo ngayong gabi sa pagtulog? Baka ito na ang huling gabing makakatabi kita sa pagtulog at baka dina mauulit pa.

(Kinabahan ako sa mga katagang yon pero di ako nagpahalata sa kanya at ngumiti na lamang ako sa kanya at niyakap ng mahigpit.)

Ako: Opo naman Ina gustong gusto kita makatabi ngayong gabi.

(Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalik halikan sa noo. Sa gabing iyon di ako nakatulog ng mahimbing sapagkat di maalis alis sa isip ko ang bawat sinasambit ng aking ina na diko sukat akalaing magkakatotoo pala 😭)

Kinabukasan, August 26,2014 ay maaga kaming gumising lahat para sa huling pagkakataon at salo salo kaming kakain ng almusal kasama ang aking Ina, mga kapatid at mga pamangkin.

Dumating ang oras na ako ay paalis na sa aming bahay,niyakap ako ng aking Ina ng mahigpit,hinalik halikan ako na parang dina kami mgkikitang muli. At ganon din ako sa kanya,mga luha namin ay parang ulan na ayaw tumigil sa pagpatak hanggang nakasakay na ako ng traysikel at nawala na ako sa kanilang paningin, ang mga luha ko ay walang tigil sa pagbuhos dulot ng pangamba sa aking puso sanhi ng mga katagang nasambit ni Ina sa gabing iyon. Minabuti ko kasing huwag ng magpahatid sa kanila kasi mas malaking lungkot ang mararamdaman ng aking Ina.

Lumipas ang dalawang taon:

Sa mga lumipas na panahon, ang aking Ina ay nagkasakit na pala. Lubos niyang dinamdam nong panahong nadamay kami sa sunog at katawan lang nila ang nailigtas. Wla silang nabitbit na kahit ano maliban sa suot lng nila dahil natutulog sila sa mga panahong iyon. Mabilis ang pangyayari at mabilis ang pagkalat ng apoy dahil nakatira kami sa dikit dikit na bahay.

Alhamdulillah at mabait ang Panginoon at walang nasaktan sa kanila at dahil nasa abroad ako ng mga panahong iyon ay mabilis ako nakapagpadala ng tulong at naipatayo ulit ang aming bahay kahit simple man lang.

Mga plano namin ni Ina:

August 15,2016 ng sabihin ko sa aking Ina na malapit na akong uuwi. Nakaplano na ang mga susunod naming papasyalan sa aking pag uwi. Mahilig kasi akong ipasyal ang aking Ina noong kasama ko pa siya, kahit sapat lang ang pera ko pero nagagawa ko siyang ipasyal sa mga lugar na gusto niyang puntahan. Halos linggo linggo ipinapasyal ko siya kasi alam ko yon lang ang mga pagkakataong nararamdaman ko ang lubos na kasiyahan niya at nakikita ko sa mukha ng aking ina ang kasiyahan at matatamis na ngiti.

Excited na kaming pareho, habang sinasabi ko sa kanya ang aking mga plano. Naka set up na ang araw ng aking flight, September 04,2016 sana, Ngunit sa di inaasahang pangyayari, August 30,2016 ng binawian ng buhay ang aking ina 😭. Alam mo yung pakiramdam na parang pinagtaklupan ng langit at lupa? Ung akala ko nakalutang ako sa hangin, iyak lng ang tanging nagagawa. Para akong mababaliw sa oras na yon, para akong batang umiiyak, na sana kung alam ko lang ang mangyayari hinding hindi ko na lang sana siya iniwan. Ung kapag naiisip ko na ulilang lubos na talaga kami,na wala ng malilingunang mga magulang. Sobrang lungkot ang aking naramdaman ng mga panahong iyon, di makakain at pagsisisi ang aking nararamdaman.

Kinausap ko ang aking mga amo upang palitan ang aking ticket at makauwi agad pero malupit ang tadhana. Walang available na ticket sa mga panahong iyon. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak na lang at hintayin ang nakatakdang flight ko.

Nakauwi akong diko nasilayan ang aking Ina, sapagkat sa aming mga Muslim kailangang ilibing agad ang isang namayapa sa araw ding iyon kung kayang humukay agad ng paghihimlayan.

Closing message:

Lagi nating mahalin ang ating mga magulang sa abot ng ating makakaya. Dahil darating ang araw na babawiin na sila sa atin at wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan NA ANG ATING BUHAY AY HIRAM LAMANG SA POONG MAYKAPAL.

Ang lahat ng ito ay base sa totoong buhay ko. Habang sinusulat ko ang artikulong ito ay paputol putol kong binabalikan sapagkat diko na halos maaninag ang aking sinusulat dahil parang ulang pumapatak ang aking mga luha. Masakit balikan ang nakaraan pero minsan kailangang alalahanin parin ang lahat.

5th Death anniversary bg aking Ina kahapon August 30,2021 pero sa aming mga Muslim ay walang ganitong mga celebration. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw na iyon, masakit mang alalahanin pero mananatili parin sa aking puso.

Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng aking pangalawang artikulo. Naway nagustuhan niyo ang madramang kwento ng buhay ko.

(#2)

Sending of love,

Sweetiepie ❤

10
$ 0.25
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Adrielle1214
$ 0.05 from @Zcharina22
+ 2
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
3 years ago

Comments

Sorry for your loss ate..Be strong lang ate nasa mabuting kalagayan na si nanay..Godbless you ate!ingat po kayo diyan ate..

$ 0.00
3 years ago

Salamat sissy, Godbless you always at ingat palagi

$ 0.00
3 years ago

Ikaw din ate

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot naman sis,namiss ko tuloy tatay ko bgla nawala din sya ng wla kkmi sa tabi nya, ang nasa tabi nya nung mamatay sya ay ung gf ng kapatid ko na ngaun ay asawa na,nakakapangsisi kasi ndi man lng natin sila naalagaan pero naiintindihan naman nila tayo for sure. Death anniversary pala ng mother mo ang birthday ko sis, for sure ndi mo na din makakalimutan ang birthday ko😀🤣smile na tayo:)

$ 0.00
3 years ago

E2 sana gagawin qong article qo kahapon pro naisip qo na mukhang ang lungkot ng magiging unang article qo,puro luha nlng haha kaya naisip qo c kulit ang panimula ko 🥰 Oo nga sissy mukhang nakatatak n tlga un hehe

$ 0.00
3 years ago

Huhuhu kakaiyak nman di mo nasilayan c mader.. Sobrang sakit nun.. Laban lang 💪💪 eyyy your hear.. Jaytee of noise☺️

$ 0.00
3 years ago

Sissy sending of love Oo sobrang sakit tlga as in kc days nlng sana un pro its part of Gods plan kaya need tlga tanggapin ang lht.feel qo lng parang ngaun ung pangyayari nananariwa pa sa isip ko

$ 0.00
3 years ago

Naiiyak ako sissy huhuhu.. Ang sakit mawlan ng ina kaya. Kaya sinusulit ko mga panahon ko na andito pa mga magulang ko. Fight fight sissy ko

$ 0.00
3 years ago

Grabe sissy sobrang hirap mawalan ng nanay lalo na kpg both parents na ang nawala

$ 0.00
3 years ago

Lolo.. Lola.. Ante.. Uncle ang namatay sa akin grbh nga iyak ko non yan pa kayang magulang.. Napakasakit yan sissy😭😭

$ 0.00
3 years ago

Aqo wla nako both lolo and lola at naya at tatay wla n din

$ 0.00
3 years ago

Wla na din akong lolo at lola tlga sissy kaya nkakamiss silang lahat kasi bumibisita yun dito sa amin

$ 0.00
3 years ago

Hugs tight sissy nakaka miss lng tlga

$ 0.00
3 years ago

Sorry to read tong experience mo about your mom leaving unexpectedly. Ganon talaga siguro and buhay, kasi hindi natin hawak. Ang maganda, you made memories with her even while you were away.

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy everytime na kasama ko xa tuwing nsa pinas ako lahat ginagawa ko mapasaya lng xa. Cla ung naging takbo ng buhay qo na even my own life kinalimutan ko pra sknila.mahirap mawalan ng isang ina. Salamat sissy sa lht

$ 0.00
3 years ago

You did very well and that's what matters, yung hindi mo sila pinabayaan. I believe your mom had been happy all along :)

$ 0.00
3 years ago

Maraming thank you sissy

$ 0.00
3 years ago

You're welcome :)

$ 0.00
3 years ago

Walang mas sasakit pa kapag nawala ang mahal natin sa buhay pero lavan lang palagi tayo sissy ok. May awa lagi ang ating panginoon. Kaya always be strong no matter what happened.

$ 0.01
3 years ago

Oo sissy super sakit balikan ang nakaraan,kaya ayoko mgkwebtoneh haha di nauubos luha qo,pgdating ni madam maga mata qo haha Salamat sa lht sissy

$ 0.00
3 years ago

Laban lang po lagi... Kaya ako kahit gusto ko po mag ibang Bansa pigil na pigil Ang mommy ko .. mahihirapan daw po ako... Di daw pwedeng tumakbo sya dun kapag nasa ibang Bansa na ako

$ 0.01
3 years ago

Tama tlga yan,mahirap mapalayo sa family kaya kung stable nmn ang buhay natin mas ok pa nsa sarili nlng nating bayan.like me dko man lng nasilayan ang aking ina kc di basta basta nakakauwi

$ 0.00
3 years ago