Hello everyone, kumusta ang lahat? Naway lagi kayong nasa mabuting kalagayan at ligtas sa anumang sakuna sa buhay in Gods will Insha Allah. Maraming salamat sa pagsilip sa aking artikulo kahit madalas ay walang saysay ang nilalaman πβ madalas kasing blangko ang aking isipan ngunit maaari niyo pong iclick ang box ng aking mga sponsors diyan sa taas. Alam ko magugustuhan ninyo ang kanilang mga gawa. Mahuhusay silang lahat at magagaling pa. Sa kanila ako madalas nakakapulot ng mga magagandang ideya na talagang kahanga hanga. Sadyang ang isip ko lang ang ayaw makipag cooperate sakin kaya madalas nakakaboring na ang aking gawa. Sanay pagpasensyahan niyo muna ako at naway magawa ko din ng tama sa susunod pang mga araw o buwan π₯°.
πΆπ΅ kasalanan ko ba kung iniibig kita diko naman sinasadya, ang mahalin kita... kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig na tapat, mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga..π΅πΆ
One of my favorite song, ang gandang pakinggan kasi. Tama nga naman, di natin kasalanan ang magmahal, kusa natin itong nararamdaman at isisi natin sa ating marupok na ouso! Chaarrr joke lang pero totoo wala tayong kasalanan pagdatung sa pag ibig. Nagmahal lang tayo at di natin ito sinasadya. Kung kasalanan nga ba ang mahalin ko siya, tatanggapin ko. Diko ito pinili at sinubukan kong umiwas pero ang puso ko ang may gusto na mahalin ko siya. Alam kong mali at di tama sa mata ng lahat lalo na sa Maylikha ngunit diko sinasadya, sa kanya ako nahulog at alam ng Maykapal diko ito ginusto, diko sinasadya.
Marami ang nagtataka bakit sa edad kong ito ay single parin ako o walang asawa o anak man lang, ang totoo diko talaga pinangarap magkaanak dahil ayokong pagdating ng panahon na mawawala na ako ay maiiwanan ko sila at diko tiyak ang kalalagyan nila kung magiging ok ba sila o hindi kaya mas pinili kong di nalang magkaanak at magdudusa lang siya pagdating ng araw π. Ayoko sanang aminin ito dahil marami ang made-disappoint sa akin at marahil marami din umiwas pero mas pipiliin kong layuan ako kaysa patuloy akong mabuhay na puno ng kinikimkim o tinatago. Masyadong mabigat saking kalooban na kailangan kong itago ang lahat ng about sa akin at baka mabunyag. Sa araw na ito isisiwalat ko na ang tunay na ako ayieee are you ready? Kinakabahan ako pero itutuloy ko na ito.
Sino nga ba ako? @Sweetiepie ang pagkakakilala ninyo sa akin at tama na ako doon. Religion doesn't matter as long as we know how to respect each one, age doesn't matter din atleast marunong tayong magmahal at may nagmamahal. Nililigaw ko na ba kayo? Hindi ofcourse, aamin na ako hahaha. Yes babae po ako pero hindi ako si Darna π nagmamahal ako pero hindi sa isang lalaki kundi sa isang lesbian π shock ka ba? Nandidiri ka naba sakin? Sana huwag naman, malinis pa naman ako at alam ko kung saan ako lulugar, sadyang mali lang ang pintig ng puso ko na diko kayang pigilan. Diko pinili o pinilit, sadyang naramdaman ko nalang na nagmamahal na pala ako sa maling tao. Kasalanan ko na ba? Diko naman talaga sinasadya kusa lang pumintig sa maling tao at diko na maitama pa. Kasalanan ko ba ang mahalin siya? Kung tanging siya lang nagparamdam sakin na sobrang mahalaga ako at ako ang mundo niya. Lalayuan mo na ba ako? Sana wala parin magbabago sa pag amin kong ito. Ayoko lang kasi ng marami pang itinatago. Alam ko mahirap paniwalaan pero yon ang totoo.
Nakilala ko siya taong 2002 nagkasama sa iisang boarding house,ngkikita at naging magkaibigan, nahulog ang loob niya sakin ng diko inaasahan. At that time marami akong suitor kahit di naman kagandahan, siguro dahil napaka friendly ko kaya vanon, ewan. Natapos akong mgwork sa Gensan at naisipang mangibang bansa. 2003 ng pumunta ako ng manila at diko alam ng abroad din pala siya, umuwi daw siya sa Pilipinas taong 2006 at hinanap niya ako dahil halos magkalugar lang kami. Kinuha niya ang number ko sa aking ina, ng bumalik siya sa Abudhabi ay tinatawagan na niya ako at nong una lagi ko siyang ignore. 2years kaming naging magkaibigan sa text. Naging close ulit at diko namamalayan masaya na ako kapag kachat ko na siya.
2008 ng umuwi siya ulit sa pinas at 2009 ng ako naman ang umuwi. Diko sinabi na uuwi ako pero nalaman niya sa aking ina na umuwi na ako. Madalas na siyang dumadalaw sa amin at dahil magkaibigan kami ay ok lang sa mga magulang ko, minsan samin din siya natutulog. That time meron akong boyfriend na 6yrs din kaming long distance relationship pero normal lang ang relationship namin nong guy. Oo minsan lumalabas kaming dalawa pero napaka marepito niya. Sa tagal naming magkarelasyon noon pang dipa ako napadpad sa abroad at iginagalang niya ako, hanggang pisngi at noo lang ako hinahalikan,holding hands at akbay ay tama na. Ganon niya ako ginagalang, pero dumating yong time na naout of love ako sa kanya, di siya pumapayag pero ang dahilan ko ay kailangan na namin maghiwalay kasi may asawa at anak na siya na ako din ang may gusto na mag asawa siya dahil ang sabi ko kahit umuwi ako kung talagang kami nga ang itinakda ay pakakasal ako sa kanya dahil sa muslim pwede mag asawa ng marami. Ayaw sana niya pumayag pero no choice siya kundi tanggapin na ayaw ko na alang alang sa anak niya at buntis pa ang asawa. Sabi ko magiging mabuting magkaibigan na lang kami pati ng asawa niya. Hiniwalayan ko man siya ay patuloy parin niya akong minamahal ngunit nirerespeto parin niya naging desisyon ko. Hanggang sa huling mga araw niya sa mundo ay naging parte parin ako ng buhay niya at mas mahal niya ako kaysa sa sariling pamilya niya. Yon ang sabi sakin ng asawa niya nong nawala na siya. Naaalala ko pa 3days bago siya mabaril ay dumalaw pa samin at ang sabi sakin kahit sa huling pagkakataon ay uminom daw kami ng coke sa iisang baso pero diko pinagbigyan. Huling dalaw din niya sakin yon at nabalitaan ko na lang na nabaril na pala xa after 3days ng huling dalaw niya sa bahay namin. Nasaktan din ako sa pagkawala niya kasi anim na taon din kaming magkarelasyon at talagang nakita ko at parents ko kung gaano niya kami nirespeto lalo na ako. Kung masakit sakin pagkawala niya lalo na sa mag ina niya at buntis pa ang asawa niya ng mawala siya. Dumalaw din ako sa pamilya niya mamatay na siya. Sana ay mapatawad niya ako kung meron man siyang sama ng loob sa akin π
Back to my maling pag-ibig π nahulog na din ako sa aking maling pag-ibig February 27, 2009 and maniniwala ba kayong hanggang ngayon kami parin π₯° yes kami parin hanggang ngayon kaya naitatanong ko kung kasalanan ko ba ang magmahal ng maling tao. Diko naman talaga sinasadya at pinili yon. Kusabg ipinintig lamang ng pasaway kong puso ang lahat.
Alam kong maraming tanong pero diko alam ang sagot, ang alam ko lang nagmahal ako pero sa maling tao π maling tao na pumuno ng kulang sa buhay ko. Kung kasalanan mang matatawag ay tatanggapin ko. Kung lalayuan niyo ako ay tinatanggap ko pero wag ninyo akong pandirihan dahil malinis parin ako at alam ko ang limitasyon ng lahat. Diko kayo masisisi kung ano man ang nasa isip niyo. Ngayon makakahinga na ako ng maluwag at nailabas ko na ang itinatago ko dito sa platform na ito. Sorry kung na disappoint ko kayo.
Maraming salamat sa patuloy na pakikipag kaibigan parin sakin. Hindi madali ang lahat ng ito para sakin pero gusto ko lang ishare kahit di naman kinakailangan pa.
December 6, 2021 Monday
Kuwait time: 3:45 PM
Article #86 (4)
photos are mine
Sending of love,
@Sweetiepie β€β€β€
Hey memsh, pareho tayo favorite ko rin kanata na yan, haha ngayon ay na LSS tuloy ako sa kanta. Happy to see you that you are in a happy relationship now.