Magandang buhay kapwa manunulat at mambabasa,kumusta ang lahat? Laging mag iingat sa lahat ng oras. Flex ko nga pala ang masisipag, mababait at supportive kong sponsors, ang gagaling nilang manunulat kaya sigurado ako magugustuhan ninyo ang kanilang mga gawa once you visit them too. Ikagagalak ko yon at ipagpapasalamat.
Araw ng biyernes, araw na sobrang busy na naman ako. Habang busy ako sa pag iimpake ng mga gamit namin ay biglang tinawag ako ng aking madam.
Madam: Sweetie, are you done already?
Me: Not yet madam but almost done.
Madam: It's ok, I just want to inform you that our flight will be Saturday noon, so please prepare everything for 1week vacation at London ok?
Me: Yes madam, I will.
Halos maghapon akong nag iimpake, sinisigurado kong wala akong makakaligtaang gamit ng bawat isa. Dahil baguhan pa ang kasama ko kaya ako muna ang isasama dahil dipa natatapos ang kanyang civil ID. Naihanda ko na lahat ng mga kakailanganin nila kaya pumasok ako sa aming kwarto at mga gamit ko na naman ang aking nireready. Habang busy ako sa pagtutupi ng mga dadalhin ko, nakamasid lang sa akin ang kasama ko at tila ba nalulungkot.
Mary: Ate, mamimiss kita. Bakit kasi hindi ako isasama, ayoko magpaiwan sa lola kasi natatakot ako.
Me: Mamimiss din kita bhe, di kapa maisama kasi dipa natatapos ang civil ID mo pero soon ikaw na ang kasama nila sa bawat alis nila.
Mary: Ate natatakot ako at wala akong alam sa salita nila. ( biglang tumulo ang mga luha niya at naaawa ako pero wala akong magawa)
Me: Ok lng yan bhe, saglit lang naman ang isang linggo at babalik na kami basta sumunod ka na lang sa sinasabi nila, magiging ok din ang lahat.
Malungkot siyang nakatingin lang sa mga ginagawa ko, chini cheer up ko na lang siya para di malungkot. Nag iimpake na din siya ng mga gamit niya kasi kinaumagahan ay ihahatid na siya ng driver sa nanay ng madam namin. Ngbilin ako sa kanya na magdala ng sariling pagkain kasi minsan matagal kumain kay lola at baka magutuman siya.
Kinabukasan ay abalang abala na nga kami, pagkagising namin sa umaga ay kumain kami ng almusal at naligo na. Tulog pa sila madam ng ihatid siya ng driver namin sa bahay ni lola. Nalulungkot siya pero nagbilin ako na lagi ko siya kukumustahin habang nasa London kami. Umalis na sila na bakas sa mukha niya ang lungkot at takot.
Ng makaalis na ang kasama ko ay hinarap ko na ang iba pang gagawin ko, ginising ko muna ang mga bata at pinapanood ng tv habang gumagawa ako ng mga almusal nila. Pagkatapos ko silang pakainin ay pinaliguan ko na sila at binihisan. Tamang tama gumising ang nanay ng 11am at handa na mga bata, habang siya tarantang taranta dahil 12noon ang flight namin at dipa siya nakakabihis! Ngmamadali na siya magbihis dahil tumawag na ang asawa niya kung nasa airport naba daw kami. Ang amo kong lalaki ay nasa London na kasama ang nanay niyang nagpapagamot doon.
Nilagay ko na ang aming mga gamit sa sasakyan at ready na kami 11:10am. Mabilis ang pagpapatakbo ni madam ng sasakyan pero sa kasamaang palad ay natraffic pa kami. There's no way out! Kaya nong dumating kami sa airport ay kakaalis lang ng sasakyan namin sanang eroplanong Lufthansa!
Lugmok na lugmok si madam sa mga nangyari pero walang nagawa kundi umuwi kami ng bahay at reschedule ulit ang flight namin. Habang binababa ko ang aming mga gamit mula sa sasakyan ay bigla akong napaaray! Ouch! Nabagsakan ng maleta ang aking paa at bigla akong nagising sa katotohanan na kathang isip lang pala ang lahat ng ito π€β
Maraming maraming salamat sa lahat ng bumasa at pagpasensyahan niyo sana ako kung naliligaw na naman ang aking isip hahaha diko sinasadya. Sa lahat ng readers, likers, commentors, upvoters at specially to THE RANDOM REWARDER, thank you so much for always having time dropping by. Hope to see you again next time. God bless you all Insha Allah.
December 11, 2021 Saturday
Kuwait time: 2:25 PM
Article #89 (7)
Lead image is mine
Sending of love,
@Sweetiepie β€β€β€
Kaloka nabudol mo na nmn ako sissy hahaha... Sasabihin ko sanang sana all c london bridgeπ .