Minsan maraming bagay ang akala natin ay yon na nga ngunit paaasahin ka lang pala. Masakit pangakuan ng mga bagay bagay na di naman natutupad, yon bang pinapaasa ka lang, tapos na ang lahat lahat ngunit pagdating ng oras ay wala din pala, di rin pala natutupad!
Sobrang sama ng loob ko, ready na ako lahat lahat, excited na ako pero simple lang sasabihin na di ako matutuloy kasi mahal ang ticket? Kasalanan ko ba yon? Marahil hindi dahil obligations nila yon! January pa lang nagpaalam na akong uuwi pagkatapos ng kontrata, dumating ang August ngunit nakiusap na naman sila. Pinagbigyan ko sila dahil may pangako sila na kahit anong mangyari, kahit hindi pa dumating ang katulong nila ay makakauwi kaming sabay! Kung walang katulong na dumating kukunin ang katulong ng nanay niya at hindi muna siya magtatrabaho. Umoo ako sa pakiusap niya dahil pinanghawakan ko ang promise nila.
Ngayon dumating ang Nobyembre uno ngunit wala pa silang aksyon, kinausap namin sila at humingi ulit ng palugit na sa ikalawang linggo ay makakauwi na kami, dumating na ang ikalawang linggo, nakiusap sila na sa ikatlong linggo na naman, dumating na din ang katulong nilang isa ngunit nag iba ang ihip ng hangin! At di daw kami pwedeng ipagsabay dahil napakamahal ng ticket! Kasalanan ba namin yon kung mahal ang ticket? Ang usapan ay usapan, sana man lang matuto silang tumupad sa pangako. Kung uuwi daw ako ngayong linggo ay idadagdag ang sasahurin ko ngyong Nobyembre sa pambili nila ng ticket, pumayag nako na di sumahod tapos sasabihin na naman na Disyembre o January na naman!
Ginagawa na yata akong tanga nito eh! Hindi na ako papayag kaya di ako nag agree sa pakiusap niya! Kausapin ko daw ang among lalaki about dito sabi ko OO kakausapin ko total wala naman kayong isang salita. Pagkasabi ko non pumasok na ako sa kwarto at dina ngtrabaho pa, umiiyak ang alaga ko, naaawa ako sa kanya pero tiniis ko. Sobra na ito. Ok lang naman sana kung di ako pinaasa eh, kung hindi sana nangako pero hindi! May pangakong binitawan na pinanghahawakan ko. Pinaka ayaw ko sa lahat ang paaasahin ako kaya bahala sila. Kung di nila ako pauuwiin ipapakita ko sa kanila ang tunay na ako. Magkakasubukan na kami this time!
Wala na silang maerason dahil ang haba ng oras ang ibinigay ko sa kanila. Sinabi ko din sa kanila na advance ako ngpaalam kasi alam ko mahal ang ticket kapag rush na, sabi ko mgpabook sila ng advance para makamura sila pero hindi eh, di sila nakinig! Ngayon sasabihing mahal? Oo mabait sila kung sa mabait pero ayoko ng pinapaasa ako. Bakit sinabing ganito ganyan tapos di din pala mapapanindigan? Pagod na ako! Pagod na akong umasa sa mga pangakong napapako! Tama na pagod na ang isip at katawan ko ayoko na! Puwes kung di ako makakauwi sige tingnan natin, tingnan natin kung kakayanin nila ang tunag na ako kapag galit na. Nakakawala ng gana! Nakakawala ng tiwala! Di naman pera pera lang ang labanan eh! Yung ego na ang nakasalalay dito. Akala niya dahil kinagat ko ang offer niya noon ay mukhang pera na ako? Pumayag akong mag extend ng another 3months dahil naaawa ako sa kasama ko at may pangako sakin pero tama na, suko na talaga ako kaya magtiis sila, nagsisimula pa lang ako mgtransform!
Hindi ito fiction kundi totoong totoo na! Please bear with me, diko lang talaga maitago ang nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sama ng loob 😔
Pasensya na sa mga words ko, nasasaktan lang ako at diko na kayang kimkimin ang lahat kaya dito na lang ako ng rant masakit sa dibdib!
November 14, 2021 Sunday
#68 (15)
Halaa,, nakakadisapponted namn yan, sakit panmn na umaasa ka pero pinaasa kalang🥺