Ang Pagbabalik!
Matagal nawala sa paningin ng karamihan si Precious, at sa kanyang pagbabalik marami na ang nagbago sa kanyang buhay. Ang dating inaapi api lang ng karamihan, ngayon natuto narin kung paano ipaglaban ang sarili, ang dating hinahamak ng karamihan dahil isa lamang dukha at isang kahig isang tuka lamang, ngayon ay isang professional na. Isang magaling na abogada at napaka gandang babae na dimo sukat akalaing makakamtan niya balang araw.
Lingid sa kaalaman ng nakapaligid sa kanya, noong mga panahong nawala sya sa paningin ng karamihan ay may mabuting tao palang tumulong sa kanya, binihisan at pinag aral. Tinuruan sa buhay na nararapat para sa kanya. Malayong malayo sa buhay niya noon. Nabago qng buhay niya na parang panaginip lamang...
Sa di kalayuan ay biglang may pumaradang sasakyan, bago sa paningin ng iba. Marami ang nagtaka sa kung sino nga ba ang sakay ng magandang sasakyang bago sa paningin ng karamihan, dahan dahang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas dito ang isang napakagandang bride, mala anghel ang awra at mapapamangha ka talaga sa angkin niyang kagandahan. Maamo niyang mukha, mapupungay na mata at matatamis niyang ngiti ay sadyang hahangaan mo talaga siya. Di makilala sa unang tingin pa lang pero kapag pagmamasdan mo ito ng maigi ay dika makapaniwala na siya ba yung taong naiisip mo at malayong mangyari kung wawariin lamang.
Suot niya'y puting wedding gown at simple lamang ang ayos ng buhok pati ang make up ay sadyang napakasimple lamang, marami ang napatitig at humanga sa taglay niyang ganda, maamong mukha at mahahalatang mabait na tao. Nakangiti sa lahat at di kakikitaan ng pagmamataas kahit sa estado ng buhay na meron sya. Mapapahanga ka talaga sa ganda ng suot niyang pangkasal at mapapansin mo talagang mamahalin ito at sadyang mayayaman lamang ang kayang magsuot nito.
Ang lahat sa kanilang lugar ay invited sa reception at di sukat akalain ng lahat na ang taong hinahamak nila noon ay ang taong sentro ng pagtitipong iyon. Ang lahat ay nag usyuso kung sino nga ba ang babaeng nag imbita sa kanilang lahat gayon mang kabilang ito sa mayamang pamilya na bagong lipat sa kanilang lugar. Sandali lang nito hinarap ang mga bisita at sa sandaling iyon ay nag iwan ng tanong sa karamihan kung sino nga ba ang mahiwagang babaeng ito na di nag alinlangan upang imbitahan sila sa pagdiriwang na iyon. Kumain na ang lahat at nagsasayahan na ang taga nayon ng biglang tinawag sila ng pansin ng isang taga anunsyo at ipinakilala sa lahat kung sino nga ba ang tunay na nag imbita sa kanila sa lugar na iyon.
Aking mahal na mga taga-nayon, malugod kung ipinakikilala sa inyo ang taong nag imbita sabinyong lahat sa pagdiriwañg na ito. Siya ay di naiiba sa inyo at marahil kung iisiping mabuti ay kilalang kilala ninyo ang taong ito, may busilak na puso at magandang kalooban. Marahil hinamak man siya noon pero ni minsan ay di siya nagtanim ng sama ng loob, minarapat niyang dito nalang sa nayong ito gaganapin ang pagdiriwang at pagsasalo ng kanyang kasal. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating butihing kanayon na walang iba kundi si Precious!
Lumabas ang isang mala anghel na bride at ang tamis ng kanyang ngiti. Kumaway sa lahat at napakalumanay niyang gumalaw. Ng biglang nanginglid ang luha niya sa kanyang mga mata at di nagtagal ay dumaloy na ito sa maaamo niyang pisngi. Di mawari kung nalulungkot ba ito o natutuwa ngunit di parin naaalis sa kanyang labi ang matatamis na ngiti. Ilang sandali pa lamang ay ngsalita na ito ngunit walang halong panunumbat o anuman bagkus isang napakagandang mensahe ang kanyang binitawan.
Magandang araw mga kapwa ko kanayon, ikinararangal kong makasama kayong lahat ngayon sa napakahalagang araw ng buhay ko. Marahil ay halos dina ninyo ako mamukhaan o makilala, malayong malayo na kasi ang kaibahan ko ngayon sa kung sino ako noon. Ako po si Precious, yung anak ng aleng naglalako lamang ng gulay at ang ama ko ay isang magsasaka. Kami po ung nakatira sa tabi ng ilog, alam ko pong natatandaan pa ninyo ang aking mga magulang bagamat sila ngayon ay pumanaw na. Alam ko po nagtataka kayo sa kung ano na ako ngayon. Di po ako nagagalit o nagtanim ng sama ng loob sa inyong lahat kahit noong panahon ay madalas kaming apihin, alipustahin at maliitin, naging inspirasyon ko po ang lahat ng iyon para marating kung saan man ako ngayon. Ginawa ko pong inspiration ang bawat patak ng luhang nakikita ko sa mga mata ng magulang ko upang magsumikap. Alam ko po g may magandang bukas na maghihintay sa amin basta wag lang akong sumuko at maging matatag, matiyaga at masipag. Di nagtagal ay nakapagtrabaho po ako bilang
katulong at may nakilala akong pamilya na may mabuting puso, inalagaan po ako at itinuring na pamilya maging ang aking mga magulang, binihisan po nila ako at pinag aral. Bawat magagandang gawa nila sakin ay sinuklian ko ng magandang asal, respito at pagmamahal. Ng pumanaw po ang pamilyang iyon ay iniwan nila sa akin ang kanilang kayamanan sapagkat wala na din po silang pamilya dito sa Pilipinas at bago pa man sila pumanaw maging ang aking mga magulang ay ipinagkasundo po ako sa anak ng kaibigan nila. Natuto po ako na lumaban lang at laging manalangin. Maging totoo at marunong mapagkumbababa. Magtiyaga at sipagan lang upang makamit ang magandang bukas. Maraming salamat po at enjoy lang po tayo.
Lesson learn:
huwag magtanim ng sama ng loob kahit kanino man maging ang dulot nila ay di kanais nais, balang araw marerealize din nila ang kanilang kamalian. Ang taong pinagpapala ay yung taong marunong lumingon sa pinanggalingan at mababa ang loob.
Maraming salamat po sa lahat, ito ay kathang isip lamang, ang mga larawan na aking ginamit ay gawa lamang ng edit sa actface, have a wonderful day ❤❤❤
October 7, 2022 Friday
Ang pagbabalik (1)
Photo edited from actface
As always @Sweetiepie ❤❤❤
Welcome back sis!!!!!!!!!!!!!!!! Mishu!!!