Huling Sayaw

1 31
Avatar for Stylish
3 years ago

"Hawakan mo lang ang kamay ko."

Narinig kong sinabi niya sa huling pagkakataon. Ang luhang pinipigilan ko ay biglang bumagsak, at kasabay nito ang pagbitaw ng aking kamay. Sa patuloy na pagbagsak ng aking luha,kasabay din ang pagkahulog ko sa madilim na bangin.

Ipipikit ko na lang sana ang aking mga mata nang makita kong tumalon din siya. Nabigla ako, at bigla na lang, nais kong iligtas siya kahit maging ako ay patuloy na nahuhulog sa banging ito. Mukhang ito na ang ang katapusan naming dalawa. Ngumiti muna ako na may halong luha habang nakatingin sa kaniya bago tumama ang aming katawan sa lupa.

Isang minuto o dalawa o mas mahaba pa ang lumipas, at naghihintay pa rin ako. Minulat ko ang aking mga mata upang makita kung nahuhulog pa rin ako, ngunit tila may isang anghel na lumitaw sa aking harap.

Nakangiti siya na para bang wala ako sa panganib. Napagtanto kong pamilyar ang kaniyang mukha. Mula sa sandaling iyon, tinanggap ko na ang aking kapalaran, ang aming kapalaran. Ngunit parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang sandali na sinubukan kong hawakan siya ay ang sandali na agad din siyang nawala.

Nagising ako mula sa tunog ng dextrose. Blangko ang aking isip. Wala akong maalala, maging ang pangalan ko at ang aking buong pagkatao ay tila nabura lahat sa aking isipan. Maraming tao sa loob ng silid ang umiiyak at nakangiti nang sabay. Sinubukan kong itanong kung anong nangyayari, ngunit biglang sumakit ang aking ulo. Hindi ko mapigilang sumigaw sa sobrang kirot nito.

Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa isang tao sa loob na agad na tumawag sa doktor at mga nurse. Nang makarating sila ay naki-usap ang mga ito na lumabas muna ang mga taong umiiyak na naman ngayon.

Tila ba may mga karayom na tumutusok sa aking ulo at hindi ko mapigilang umiiyak dahil sa sakit. Pagkatapos naramdaman ko na lang na nawawalan ako ng kontrol sa aking katawan. Bago ko pa mapagtanto kung ano ito, ay siyang pagkawala ng aking malay.

Isang oras o dalawa ay nagising ako. Ang aking ulo ay hindi na masyadong sumasakit, ngunit wala pa rin akong maalala, na ikinalito ko. Sinusubukan kong mag-isip ng mas malalim, ngunit wala talaga akong maalala maliban sa mukha ng anghel na nakita ko sa aking panaginip na hindi ko mawari kung tunay ngang panaginip. Hindi, hindi ako pwedeng mangyari ito.

"Ma, gising na si Athena." Narinig kong sinabi ng babaeng itim ang buhok sa babaeng katabi niya na sa wari ko ay nasa mid 50's na. Kinusot ng babae ang kanyang mga mata at tumabi sa akin.

"Salamat, Diyos, gising ka na ngayon anak. Sunshine, tawagan mo ngayon ang doktor."

Ang babaeng nagngangalang Sunshine ay agad namang lumabas sa silid, at sa oras na siya ay bumalik ay kasama na niya ang doktor at isang nars.

Ginamit ng doktor ang kanyang stethoscope upang ako'y suriin, samantalang abala naman ang nars sa pagsusuri sa rate ng aking pulso.

Narinig kong nagsalita ang doktor. "Ang pasyente ay nasa isang maayon nang kalagayan ngayon. Ngunit kailangan pa rin naming magpatakbo ng maraming mga pagsubok upang kumpirmahin kung hindi siya nakakakuha ng anumang malubhang kondisyon mula sa aksidente."

Mula sa sandaling narinig ko ang salitang aksidente, isang biglaang pag-flashback ang tumatakbo sa aking isipan. Nakita ko ang aking sarili doon kasama ang ibang tao habang naglalakbay kami sa kung saan, at pagkatapos ang maganda at maaraw na panahon ay bigla na lamang sumama ang panahon.

Maraming sasakyan ang nagmamadali upang makarating doon mula sa kanilang patutunguhan bago bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang isang kotse na papunta sa kabila na direksyon ay sumalpok sa sasakyang sinasakyan namin.

Bago pa man mahulog ang sasakyan sa dumidilim nang bangin, ay maayos na nakapreno ang sasakyan sa mismong gilid ng bangin. Ngunit labis akong kinabahan nang ang gilid ng aking damit ay naipit mula sa pintuan ng sasakyan. Mula doon, naisip kong ito na ang wakas para sa akin dahil unti-unti na ring nahuhulog ang sasakyan.

Naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Kunti na lang sana para mapunit ang aking damit ng bigla na lamang nagpakawala ang paligi ng isang malakas at malamig na simoy ng hangin na siya namang naging dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang sasakyan.

Napunit man ang aking damit, pero dahil sa lakas ng pwersa ng hangin ay muntik na akong nahulog. Buti na lamang at nahawakan niya agad ang aking kamay. Ang mas masaklap pa ay nagsimula na ring umulan. Nahirapan ako sa kondisyong iyon. Sinubukan kong hawakan ang kanyang mga kamay gamit ang kabilang kamay ko, ngunit tila hinihila ako ng bangin at dahil na rin sa ulan ay mas dumulas ang aming mga kamay. Anumang sandali, mahuhulog na ako sa kailaliman ng bangin na ito. Ngunit naramdaman ko ang kaniyang fighting spirit. Hinila niya ako ng buong lakas. Narinig kong sinabi niya, "hawakan mo ang aking kamay." Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang nawala ang aking mahigpit na pagkakahawak.

Bigla ko na lamang narinig ang isang kantang mas lalo pang nagdulot ng sakit sa aking puso.

Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat...

Pagkatapos ay pumasok ang eksena ng anghel na lumitaw sa aking harap bago tuluyang dumilim ang aking paningin. Sa sandaling sinubukan kong alalahanin pa ang sumunod na nangyari, nararamdaman kong nanghina ang aking katawan.

Narinig kong sinabi ng doktor, "Huwag pilitin ang iyong sarili na gunitain ang nangyari. Sa ngayon, magpahinga ka na." Sa mga payo ng doktor, unti-unti kong pinakalma ang aking sarili.



9
$ 3.17
$ 3.17 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Stylish
empty
empty
empty
Avatar for Stylish
3 years ago

Comments

Ang ganda! 😍

$ 0.00
3 years ago