Maglakbay sa Mundo ng Mitolohiya

2 72
Avatar for Stories
3 years ago

For this day, allow me to introduce you in the world of Mythology. It is not about the Greek one nor the Roman mythologies. It is about Filipino Mythologies. Yes, you have read it right. So, if you are excited about this, ready yourself because it will be a series of articles since it is quite numerous. This is it, pansit!

Dedications: DarianA , @Ruffa  , @kingofreview , @WordsAndArts


Image Source

“Ang Bulaklak ng Viera”

Sa isang malayong lugar na tinatawag na Halisaya, nakatira ang mga taong tinatawag na Kaylens. Ang mga Kaylens ay may kani-kanyang kapangyarihan. Nahahati ang Halisaya sa apat na dibisiyon, ito ay ang mga Lera Halisaya, Hera Halisaya, Mera Halisaya at ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat, ang Vera Halisaya. Ang Vera Halisaya ay pinapagitnahan ng mga natitirang dibisyon ng Halisaya. Ang pinakamakapangyarihan na Kaylens sa buong Halisaya ay nagmumula sa Vera Halisaya hanggang dumating ang isang pangyayaring bumago sa buhay ng lahat ng mga Kaylens.

           May namumuno sa buong Halisaya pero sa bawat dibisiyon nito ay mayroon ding namumuno. Apat na babaeng magkakapatid ang namumuno sa bawat dibisiyon. Si Seriya, ang pinakamantanda sa kanilang magkakapatid kung kaya’t siya ang namumuno sa kaharian. Nasa kanya na ang lahat, ang kagandahan, katalinuhan, ang trono bilang reyna ng kaharian at maging sa buhay pag-ibig ay hindi nawalan si Seriya, may kasintahan siyang nagngangalang Hironi na nagmula sa Hera Halisaya kung saan namumuno si Yalisa, kapatid ni Seriya. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang malaman ni Seriya na sa kanya ay nagagalit si Yalisa dahil sa inggit, subalit inggit lamang ang nalaman Seriya, hindi niya kailanman na nalaman na mahal ni Yalisa ang kanyang kasintahan na si Hironi at inaasahan nitong siya ang makakatuluyan ni ng kanyang kapatid dahil sila ay nagmumula sa parehong dibisyon. Hanggang sa dumating ang isang gabi na gumimbal sa kaharian.

           “Hindi ko alam na darating ka ngayong gabi, Yalisa. Maupo ka muna,” ani ni Seriya na kagigising lang mula sa mahabang pagkakatulog sa kapatid ngunit nanatiling nakatitig si Yalisa sa kanya. “Alam kong may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa pagitan nating dalawa ngunit hindi natin iyon maisasagawa ng maayos kung ganiyan ang inaasal mo,” muling banggit ni Seriya at ngumiti pa. Hindi maipagkakait na siya ay karapat-dapat sa lahat ng bagay na nasa kanya dahil sa kabutihan na nakapaloob sa kanyang puso. Sa kabila ng kasiyahan ni Seriya dahil sa muling pagkakita sa kapatid ay ang unti-unting pag-apoy ng kamay ni Yalisa na nangangahulugang tumitindi ang kanyang galit at ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Apoy ang kapangyarihan ni Yalisa samantalang ang pagkontrol naman sa hangin naman ang kay Seriya. 

           “Hindi mo man lang tatanungin kung nasaan si Hironi?” tanong ni Yalisa sa kapatid taglay ang mga mapang-asar na ngiti. “Alam kong nasa Gubat Silon si Hironi, kumukuha siya ng bunga ng Frias para sa lumalapit na pagdiriwang dito sa Vera Halisaya,” buong loob na sagot ni Seriya ngunit nagulat siya sa pagtawa ni Yalisa sa kanya. “Nasaan na ang katalinuhan at kapangyarihan mo, mahal kong kapatid?” muling tanong ni Yalisa na siyang nakapagpawala sa ngiti ni Seriya at nagsimula na siyang kabahan. Hinawakan niya ang kanyang leeg at hinanap ang kanyang kwintas subalit wala na ito. Bawat Kaylen ay may kwintas, nakakatulong ito sa kapangyarihan na nakuha mo mula sa pagkabata at dito ay maaari mong makita at maramdaman ang mga taong malapit sa’yo kahit sila ay nasa malayong lugar. 

Itutuloy...


Kung ika'y naaliw mula sa iyong binasa, maaring isulat ang nais mong sabihin. Maraming Salamat!

Sponsors of Stories
empty
empty
empty

@Stories
No pain, No Gain
read.cash | 

StoriesOrig
With pain, there's a gain
Noisecash 

12
$ 0.05
$ 0.05 from @Ruffa
Sponsors of Stories
empty
empty
empty
Avatar for Stories
3 years ago

Comments

you are welcome :)

$ 0.00
3 years ago

Good morning natapos ko na ulit po basahin hehhee

$ 0.00
3 years ago