Filipino Guide: Para sa mga bagong users

1 47
Avatar for Stories
3 years ago

Malawak ang mundo, at gayun din ang mga posibilidad. Ang kalawakan ay tila nakipagsabwatan sa tadhana at dinala tayo dito. Sa unang banda, maraming nandito para kumita. Sa kabila naman, nandito sila upang magpahayag ng damdamin at mas lalong pang pagyabungin ang kanilang mga kakayahan sa pagsulat.

Ang ilan ay masasabing matagumpay na nagagawa ang kanilang layunin dito, at ang ilan ay tila iniisip pa rin kung paano ito umiikot para sila ay kumita ng libreng pera. Hindi natin masisisi ang mga taong nag-isisip ng ganoon dahil tunay nga namang may makukuhang libre na pera dito basta't may tiyaga at may nilaga.

Subukan kaya nating tignan ito sa google.

read.cash is a platform where you can publish content (articles with images and videos) and earn Bitcoin Cash cryptocurrency (ticker: BCH) for doing so. If a reader likes your content - he or she can upvote your post by sending some amount of Bitcoin Cash (BCH) to your online wallet.


Ipagpalagay nating ikaw ay isang tao na talagang naghahanap ng ilang mga paraan upang kumita ng pera habang nasa bahay lamang. Maaari mong agad na isaalang-alang ang pag-sign up sa platform na ito pagkatapos mong malaman ang tungkol dito. Matapos ang proseso ng pag-sign up, sa wakas nakalikha ka na ng isang account.

Habang nagba-browse, maaari kang makakita ng ilang halaga ng dolyar na ibinigay sa iba't ibang mga artikulo. Maaring napanganga ka kaya't naisipan mo na ring gumawa ng arrtikulo.

I to ay isang simpleng gabay para sa mga bagong users na walang idea kung saan o paano magsimula rito, maliban pa sa mga impormasyon na nalaman nila mula sa mga nag-invite sa kanila.

Pero bago 'yan, kailangan mong malaman na kapag gumawa ka ng artikulo, mas mabuting ginawa mo ito mismo. Hindi pwedeng kumopya ka na lang basta-basta sa internet dahil baka maging dahilan pa iyon para ma-ban ka.

Tandaan din na mas maiging nasa 600 words o higit pa ang iyong akda para mas malaki ang tyansa ng malaki rin ang iyong makukuha. Pwede mong isulat ang mga ninanais mo gamit ang wika kung saan ka kumportable.

Para magsign-up, mangyaring pumunta rito: Sign Up

Ngayon ay nagpasya kang simulan ang iyong paglalakbay. Dahil binabasa mo ito, maaaring nagsimula ka nang magsulat ng mga artikulo, hulaan ko. Pagkatapos mong makatanggap ng isang tip, maaring naging masaya ka at maaari ding nag-uudyok ito sa'yo para gumawa ng higit pa.

Sa patuloy na paggamit mo nitong platform, maaring na-fall in love ka na rin dahil sa bigay nitong oportunidad sa atin. Kapag tumagal ka at patuloy na kumikita at natututo, isa lang ang masasabi ko -nakapasa ka sa isa sa mga pinakamalaking pagsubok sa platform na ito.

Maaaring sumali ka rin sa mga ibang users na naglalayong i-share ang tungkol dito maging ng BCH bilang isang paraan upang pasalamatan ang komunidad para sa pagbubo ng platform na ito at para na rin mas lumawak pa ang kaalaman ng iba ukol sa mga cryptocurrency at lalo na ang BCH.

Ang susunod ay isang tula (poem) na isinulat ko sa wikang Ingles na naglalayong magbigay kamalayan sa lahat ng mga bagong users kung ano ang pwede nilang maranasan dito.

A Poem written in English (First Person Point of View)

Wandering in the world of the internet
I found myself looking for something.
Looking for some ways to earn and you might have done the same thing, I bet.
Then I found it, and hope what it may bring.

The first week is a rollercoaster ride.
When the first few dollars arrive
This is it, I thought.
It immediately changed my mood.

Days, weeks, and even months have passed.
I am still here; my account did not rust.
Not just with the intention of earning
But to also help spread awareness about it, and other things.


Sponsors of Stories
empty
empty
empty

Visit me in:

read.cash | Noisecash 

7
$ 2.94
$ 2.94 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Stories
empty
empty
empty
Avatar for Stories
3 years ago

Comments

New users must read it. :)

$ 0.00
3 years ago