Secret affair

15 24

  • Ako po ay humihingi ng paumanhin na ako po ay isang tao lamang at nagkakamali din ang importante sa mga pagkakamali kung ito ay naging aral at naging tulay para tumatag pa ang kung anumang relasyon ang meron ako ngayon akin pong ibabahagi sa inyu ang aking pagkakamali sana huwag niyo po ako husgahan.

Taong 2007

Ito yung taon na nakikilala ko ang aking (live in partner ) yan yung term na ginamit ko kasi hindi pa kami ikinasal , masasabi kung nagmamahalan naman kami dahil on and off yung relasyon namin pero parang hindi namin kaya ang mawala ang isat isa char,hanggang sa taong 2008 ay nabuntis ako hanggang sa dumating sa buhay namin ang malusog na batang babae.

Taong 2010,

Naisipan kung mag apply ng work at nakapasok ako bilang isang production worker, akoy hindi mapili pagdating sa trabaho as long as happy ako sa ginagawa ko, lumipas ang mga panahon Patuloy ako sa pagtatrabaho habang yung anak namin naiwan sa pangangalaga ng aking mga mama ,sa pinagtatrabahoan ko ito ay isang open contract yung hindi nag end ang iyung kontrata kahit kailan mo gustong magtrabaho ay okay lang .

Taong 2014

Apat na taon na ako sa aking pinagtatrabahuan bilang production worker, kaya naman ay yung trabaho namin ay medyo magaan na kumpara sa mga baguhan pa lahat naman dumaan sa mahirap na proseso bago tayo maging Bihasa kaya naman kapag may bagong pasok na mga aplikante ay kami yung mag training sa kanila.

Isang araw may bagong pasok na aplikante tawagin nalang natin siyang si Mr.Ryan siya ay kasama sa aking group limang tao sa isang makina at kailangan kada makina ay may isa o dalawang baguhan at si Mr.Ryan yung bago sa group namin.

Sa bawat group ay kailangan namin maging isang team upang ang trabaho ay maging magaan at maiwasan ang mga reject na maaaring makaltas sa sahud namin kaya naman ang mga baguhan ay kailangan namin e train ng maigi.

Ako yung tipo ng tao na trabaho at bahay lang ako yung babaeng wife material lol .

Marami akong kaibigan sa aking pinagtatrabahoan dahil nga matagal na kaya nakagaanan na ng loob masaya kami dahil maraming taon na din kaming magkakasama lalo na yung magiging ka grupo mo dahil lage kaming magkakasama at isa na sa masasabi kung malapit sa akin ay si Mr.Ryan

Lumipas ang mga araw na lage kami magkasama ay parang nakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing oras ng pasuk sa trabaho si Mr.RYAN ay laging nag aabang sa gate at naghihintay sa aking pag pasok at syempre alam naman niya na meron na akong anak at may live in partner na at siya naman ay mayroong girlfriend noong una ay hindi ko binibigyan ng motibo ang kanyang ipinapakita dahil nga malabong magkagusto sa akin si Mr.Ryan una dahil hindi ako kagandahan at may anak na at siya naman may itsura at saka maputi nga siya kaysa sa akin lol.

Bagamat nakaramdam ako ng pagka ilang sa kanya dahil sa kanyang pinapakita ay patuloy pa rin siya kahit may iba ng kasamahan namin na nakaramdam na din pala na iba na ang kinikilos niya sa tuwing kaharap niya ako.

Hanggang sa dumating yung time na nagtapat na talaga siya na nahulog ang loob niya sa akin na sa tuwing mag kasama sila ng girlfriend niya ay walang siyang ibang bukambibig kundi ang palagi niya ikinukwento sa girlfriend niya na kami ang palaging magkakasama sa production at panatag rin ang kanyang gf dahil sinabi niyang mayroon na akong anak at may ka live in partner.

Gayun paman, sinabi ko sa kanya na talagang hanggang magkaibigan lang ang kaya kung ibigay sa kanya ngunit sinabi niyang hayaan ko lang daw siyang mahalin niya ako sa paraang alam niya hehe charot parang pelikula lang at yun sa tuwing mag da date sila ng kanyang girlfriend ay ipagluluto siya at dadalhan naman niya ako sa production upang akoy makakain at kapag alam niyang may lakad sila panay ang paliwanag niya at para sa akin natatawa nalang ako dahil hindi ko lubos maisip may mga tanong sa isip ko kung bakit siya nagkagusto sa akin na para bang ginagayuma ko siya dahil kapag may time na hindi ako makapasuk sa trabaho ay sabi ng kasamahan namin ay wala din sa mood, tumagal ng dalawang taon na ipinaramdam niya sa akin na importante ako sa kanya kahit pa sa loob lang kami ng production nagkikita pero ramdam ko na importante ako sa kanya dahil sa tuwing pang gabi yung shift namin lage niya akong kinakausap para lang hindi ako antukin habang oras ng trabaho, nandyan siya lage kapag may hindi ako natatapos na trabaho siya yung pumupunta sa akin during break time,siya yung nag paalala sa akin na huwag magpapagutom,na dapat mahalin ko din ang sarili ko.

Hanggang sa nagdesisyon akong mag resign upang mangibang bansa alam kung napalapit na din ang loob ko sa kanya pero alam kung mali kaya mas mabuti ng lumayo nalang ako upang maiwasan ang mas malalim pang ugnayan.

Sa kasalukuyan, naka block na siya sa akin ngayon para tuluyan ko na siyang malimutan hindi paman kami kasal sa partner ko ngayon pero alam kung siya na talaga ang pakakasalan ko hihi kung may Plano siya .

Hanggang dito na lang muna ang aking medyo napahabang blog ngayon ,nagpapasalamat ako sa aking mga nagagandahang mga sponsors, upvoters, commenters, readers from the bottom of my heart I love you all.

Sponsors of Sophia09
empty
empty
empty

Date published:October 27,2021

6
$ 0.20
$ 0.05 from @Chelle18
$ 0.05 from @Sweetiepie
$ 0.05 from @BCH_LOVER
+ 2
Sponsors of Sophia09
empty
empty
empty

Comments

Ang galing mo sis ang tibay ng paninindigan mo hindi ka nagpatalo sa tuksong lumapit sau,,wala namang mali kasi hindi mo siya pinatulan,

$ 0.00
2 years ago

Totoo to sis?, Buti na lang naiwasan mo ang tuksong lumAlapit sa iyo

$ 0.00
2 years ago

Lageh talagang malapit c tukso..pro atleast naitama mo ung pagkakamaling un sis bago pa may masirang pamilya..👍un ang kinaganda kc naisipan mong lumayo

$ 0.00
2 years ago

para sakin ate mabuti nalang at hindi ka talaga nagkaroon ng relasyon sa kanya, hindi naman siguro malaking kasalanan yun kasi wala naman talagang relasyon na nabuo eh. bunga lang yun ng araw-araw ninyong pagkikita sa work kaya nasabi niyang nahulog ang loob niya sa iyo. at thank God dahil hindi ka nagpadala ng iyong damdamin also, nilabanan mo iyon. congrats ate may malakas kang will power.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sa pagbabasa sis ,hehe at ang haba ng comments oo kadalasan kasi pag lage magkasama kaya yun parang nagkaroon ng mutual understanding.

$ 0.00
2 years ago

napahaba lang, nacarried away ako sa kwento mo

$ 0.00
2 years ago

Tama lang po ginawa niyo..

$ 0.00
2 years ago

Mabuti na lng at nalabanan mo ang tukso at di ka nag kasala sa iyong ka live in ,minsan talaga may pagsubok na kailangan mong paglabanan

$ 0.01
2 years ago

Hehe oo sis , natatawa ako sa isinulat ko walang maisip eh ,nagkaroon ng time dahil walang pumuntang bwesita ngayon dito.

$ 0.00
2 years ago

Kahit ako din natawa na lamang sa aking ginawa

$ 0.00
2 years ago

Labanan ang tukso sissy sayang ang nabuong pamilya. Sana dimk maisipang unblock xa hehe

$ 0.01
2 years ago

Hehe kathang isip lang yan sissy, congrats nga pala may Corona kana pala sana all.

$ 0.00
2 years ago

Niahaha nadali moko don sissy hahaha, dikj naman nabasa fiction pala hahaha

Sana di matanggal sakin hanggang katapusan ang corona para merin pang article hahaha salamat sissy

$ 0.00
2 years ago

Maayo dae naka iwas ka sa tukso kay lisod na,amping diha day.

$ 0.01
2 years ago

Hehe iwas dae kay lisud na .

$ 0.00
2 years ago