Father Devil (Part 2)

0 19
Avatar for Soledad
3 years ago
Topics: Experience
Sponsors of Soledad
empty
empty
empty

October 18, 2021 @12:00NN

Magandang Araw mga kaibigan!

Kumusta po kayo? I hope you are well and in good shape.

Ngayon po ay itutuloy ko po yung kwento ko last week. Kung sino po yung gustong makabasa sa Part 1 para mas lalo ninyo maintindihan ang kwentong i-click niyo lang ang link na nasa ibaba.

https://read.cash/@Soledad/father-devil-part-1-59a9263e

Ang pinaka-importanteng tao sa buhay natin ay ang ating pamilya. Kaya malaki talaga ang sakit na maidudulot nito sa ating mga sarili kung ito ay mawawasak at hindi na ito maibabalik sa dati. Hindi lang ang mag-asawa ang maapekuhan mas lalo na ang mga anak. Yung psychological at emotional aspects ang talagang maapektuhan sa buhay ng mga bata. Naway ang kwentong ito ay magbibigay aral sa mga magulang lalo na sa mga ina na dapat tayo ay palaging aware sa mga kaganapan sa buhay ng ating pamilya lalo na sa ating mga anak.

Warning: Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa kamag-anak ko. Medyo maselan itong kwento na ito. Kaya ay suggest na yung mga batang myembro na below 18 years old dito sa read.cash ay huwag na lang po kayong babasa sa article na ito. Gusto ko talaga itong i-share dito to give awareness sa mga ina pati narin sa mga anak.

Nagtataka na talaga si Lyn kung sino ang papaniwalaan niya ang kanya bang anak na si Marie na may bago siyang nalalaman na di kaaya-ayang ugali nito ang pagiging sinungaling nito at ang pangunguha ng gamit na hindi sa kanya o ang kanyang bang asawa na pinagkakatiwalaan niya simula't sapol ng kanilang pagsasama at naging responsable at mapagmahal naman ito sa kanilang mga anak. Pagkatapos ng kaganapang iyon, naging maayos na ulit ang kanilang pamilya.

Isang araw nagtatalo si Marie at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Mae.

Marie: Ate alam ko naman na nakikita mo ang ginawa sa akin ni Papa. Bakit hindi mo sasabihin kay Mama ang totoo?

Mae: Wala akong nakita hindi ko alam ang nangyayari sayo. At isa pa gusto mo bang masisira ang ating pamilya? Kung gusto mong masira ang pamilya natin ako ayokong masira ang samahan nina Mama at Papa. Paano nalang kung magkahiwalay sila ano nalang ang ating gagawin? Kaya huwag kanang magsasalita ng masama tungkol sa Papa natin kasi masisira ang ating pamilya. Kung totoo man yang sinasabi mo tiisin mo na lang at patawarin mo alang-alang sa ating pamilya. At alam ko na hindi na iyon gagawin ulit ni Papa baka lasing lang yun kaya nagawa niya iyon.

Marie: Lasing? Eh maraming beses niya ng ginawa sa akin ito tapos lasing lang?Bahala kayo basta nagsasabi ako sa inyo ng totoo.

Lumipas ang isang taon, at napag-desisyonan ni Lyn na mag-apply abroad bilang domestic helper. June 2019 siya umalis ng kanilang lugar patungong Maynila. Almost 5 months pa siya naglalagi sa Maynila bago siya naka-alis papuntang Middle East. Mas lalong naghihirap ang kanilang pamilya. Ang kanyang asawang si Lito ang nagtataguyod sa kanilang apat na anak sa pamamagitan ng pagiging motor driver. Bago kasi umalis si Lyn pa Maynila ay bumili sila ng motor pero ang mode of payment ay installment. Yun ang pinagkukunan ng panggastos ni Lito. Maghahatid siya ng mga pasahero sa gasling sa kanilang lugar patungong lungsod at vice-versa.

Noong naka-alis na si Lyn patungong Middle East ay naging maayos naman ang lahat. After 1 year doon nakabayad na sila sa kanilang mga utang at hindi na sila gaanong naghihirap sa pang-araw-araw na gastusin. Hanggang sa isang araw nag-aaway nalang bigla sina Lyn at Lito dahil sa pagseselos. May nakakita kasi ni Lito na kamag-anak ni Lyn na mayroon daw itong kinakatagpo na isang babae na kakilala naman ni Lyn sa kanyang pinagtatrabahuan bilang isang lady guard sa mall dati. Kaya mula noon lagi na silang nag-aaway.

Hanggang sa naging malabo na ang kanilang relasyon. At napag-alaman na talaga ng panganay na anak na si Mae na may relasyon na talaga ang kanyang ama sa babaeng kakilala ng Mama niya. Sa galit ni Mae, umalis siya sa kanilang bahay at pumunta sa Lapu-Lapu City sa bahay ng kanyang tiyahin. Balak niyang mag-apply ng trabaho doon kasi natapos naman niya ang kanyang Senior Highschool at 18 years old na rin siya. Kaya gusto niyang makipagsapalaran doon para sa kanyang mga kapatid.

Hanggang isang araw nabalitaan na talaga ni Mae na dinadala na ng lantaran ang kabit ng ama niya sa bahay ng mga kamag-anak sa side ng Papa niya. Galit na galit siya sa Papa niya dahil nagsasakripisyo siya para hindi lang masira ang kanilang pamilya pero ang ama niya pala ang mismong sisira nito.

Kaya kinuha niya lahat ng kapatid niya at doon sa poder ng Papa niya at doon na muna sila maninirahan sa bahay ng tiyahin niya sa Lapu-Lapu City. Hindi sana papayag ang ama nila pero gusto narin ng mga anak niya na mawala sa poder ng ama hanggat hindi ito hiwalayan ang kabit niya. Kaya sa ayaw at gusto ng kanilang ama sumama parin sila sa kanilang nakakatandang-kapatid.

Isang araw tumawag si Lito sa kanyang panganay na anak na si Mae.

Lito: Anak umuwi na kayo dito sa atin. Hayaan ninyo hiwalayan ko na ang babae ko. Napagtanto ko na talaga na mas importante kayong mga anak ko kaysa kanino paman. Bukas susunduin ko kaya diyan sa Lapu-Lapu para makapag-celebrate tayong lahat sa birthday ko.

Mae: Talaga pa? Gusto ko rin mabuo ulit ang ating pamilya kasi naawa na ako sa mga kapatid ko. At naawa din ako ni Mama na todo ang sakripisyo niya doon sa malayo tapos ganyan lang ang isusukli mo? Sige babalik kami diyan sa atin para mabuo ulit ang ating pamilya at maging masaya na rin si Mama at ang aking mga kapatid.

Lito: Sige anak ipangako ko sa inyo na magbabago na ako para mabuo na ulit ang ating pamilya.

Naging masaya naman si Mae at ang kanyang mga kapatid sa kanilang nabalitaan sa kanilang ama. Ibinalita na rin niya sa kanyang Mama ang magandang balita at masaya rin ito sa nabalitaan sa pagbabago ng kanyang asawa.

Kinabukasan ay sinundo talaga ni Lito ang kaniyang mga anak. Masaya nilang dinaraos ang birthday ng kanilang Papa. Pero mga bandang 6:00 PM may dumating na isang babae na nagdadala ng malaking cake at maraming pagkain. Iyon pala ang kabit ng kanilang ama. Sinorpresa pala ng kabit ang kanilang ama. Ang plano pala ni Lito ay i-sekreto lang ang kanilang relasyon ng kabit at nagsisinungaling lang pala ito sa mga anak noya. Ang sakit ng naramdaman ng mga bata lalo na si Mae na ang akala maging maayos na ang kanilang pamilya. Galit na galit ang mga bata sa ginawa ng kanilang ama. At kinabukasan umalis kaagad sila sa kanilang bahay. Hindi na sila naniniwala pa sa anumang mga sasabihin ng kanilang ama kasi klaro na sa kanila ang lahat na nangyayari.

Pagdating ng mga bata sa bahay ng kanilang tiyahin sa Lapu-Lapu City, naging sobrang lungkot ang mga bata lalong-lalo na si Mae dahil gusto talaga niyang magkaayos ang kanyang mga magulang upang hindi mawasak ang kanyang pamilya. Nang gabing yun na dumating sila, napansin ng Tito (asawa ng Tita niya) ni Mae na sobrang affected talaga si Mae sa mga pangyayari. Nakita niyang pumunta si Mae sa may rooftop kaya sinundan niya ito. Katakot-takot ang nasaksihan ng Tito niya kasi akmang tatalon na sana si Mae sa rooftop buti nalang at natakbo siya ng Tito niya at agad nahawakan ang kamay nito. Nagimbal talaga ang Tito ni Mae sa pangyayari.

Tito: Ano bang balak mong gawin? Magpakamatay ka ba? Anong gagawin ng mga kapatid mo kung mawala ka? At anong manyayari sa Mama mo doon sa malayo? Mag-isip ka nga ikaw ang panganay.

Mae: (umiiyak) Gusto ko na kasing mamatay Tito dahil ang dami ng nangyayari sa buhay ko. Hindi ko na talaga kaya. Ang tagal kong nagsakripisyo para sa pamilya ko para hindi ito masira pero ngayon sira na talaga ang lahat. Sinakripisyo ko nga aking sarili para hindi masira ang pamilya ko pero ngayon lahat ng sakripisyo ko ay wala ng silbi kasi kailan man hindi na ito maibabalik pa sa dati. Ang dami kong naranasang pambababoy sa demonyo kong ama pero naging tahimik ako at sinasarili ko lang ang lahat ng sakit na aking dinanas sa takot na masira ang aming pamilya.

Tito: Anong pambababoy ang tinutukoy mo? Sabihin mo sa akin...magsalita ka Mae....

At patuloy pa ring humahagolhol si Mae at parang wala na siya sa kanyang sarili.

Itutuloy...

Maraming salamat sa pagbabasa mga kaibigan. Abangan nyo po ang karugtong sa kwentong ito.

God bless and Keep safe dearest readers!

Lead Image Source: Unsplash.com

Love lots,

Soledad 💖💖💖

0
$ 0.00
Sponsors of Soledad
empty
empty
empty
Avatar for Soledad
3 years ago
Topics: Experience

Comments