October 12, 2021, @6:50PM
Good day to all the beautiful readers especially to all Filipinos out there!
Ang pinaka-importanteng tao sa buhay natin ay ang ating pamilya. Kaya malaki talaga ang sakit na maidulot nito sa ating mga sarili kung ito ay mawawasak at hindi na ito maibabalik sa dati. Hindi lang ang mag-asawa ang maapekuhan mas lalo na ang mga anak. Yung psychological at emotional aspects ang talagang maapektuhan sa buhay ng mga bata. Naway ang kwentong ito ay magbibigay aral sa mga magulang lalo na sa mga ina na dapat tayo ay palaging aware sa mga kaganapan sa buhay ng ating pamilya lalo na sa ating mga anak.
Warning: Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa kamag-anak ko. Medyo maselan itong kwento na ito. Kaya ay suggest na yung mga batang myembro dito sa read.cash ay huwag na lang po kayong bumasa sa article na ito. Gusto ko talaga itong i-share ang kwentong ito dito to give awareness sa mga ina pati narin sa mga anak.
May isang pamilya mahirap lang po sila minsan hindi na nga sila makakain tatlong beses isang araw. Ang ilaw ng tahanan nasi Lyn lamang ang tumataguyod sa kanilang pamilya while ang haligi ng tahanan nasi Lito naman ay ang nanatili sa bahay para alagaan ang kanilang mga anak. Tatlo pa lang ang anak ng mag-asawa noon ang panganay nasi Mae, pangalawang anak na si Clark at ang bunsong si Marie. Nang matanggal sa trabaho ang ilaw ng tahanan kasi low evaluation siya sa kanyang work performance kasi naman dalawang beses siyang nabuntis sa isang taon pero nakunan naman siya sa last child dapat sana. Kaya na-terminate siya sa trabaho niya at 3 months old pa yung bunso niyang si Marie.
Mabuti na lang at ang haligi ng tahanan responsable at napakabait. Simula noong nawalan ng trabaho ang kanyang asawa siya na ang nagtataguyod sa pamilya. Nariyang magkukumpuni siya ng mga dahon ng niyog at ilalako niya sa lungsod para gawing hanging rice. Kung minsan naman mag-arkila siya ng pedicab at papasada siya buong maghapon para maitaguyod ang kanilang pamilya. Napakabait at napakabuting asawa ang haligi ng tahanan kaya lagi siyang nakakarinig ng papuri galing sa mga tao na napaka-ulirang ama niya at role model sa lahat ng mga tatay dahil ginagawa niya ang lahat kahit mahirap para sa pamilya niya. Hindi kaya biro ang magpapakain ng limang tao including siya at kakarampot lang ang kanyang kita.
Pero kahit anong kayod ng haligi ng pamilya ito ay kanyang kinikita ay walang labis ang lahat ay sapat lang para sa gastusin sa bahay kaya nagkaka-utang parin sila. Ang tumutulong sa kanila kapag walang-wala na sila ay ang kapatid ng ilaw ng tahanan na si Mira nakapag-asawa ng may maayos ang trabaho sa abroad kaya kung wala ng makain at walang gatas ang anak ay to the rescue ang kapatid na si Mira na hindi naman tumatanggap ng kabayaran sa lahat ng naitulong niya.
Lumalaki na lang ang mga anak ni Lyn at Lito hindi parin sila nagkakaroon ng kanilang sariling bahay. Nakitira lang sila sa bahay ng mga kapatid ni Lyn sa pagkadalaga. Yung tatlong nakakabatang kapatid kasi ni Lyn noong mga dalaga pa sila nakapagtayo ng sariling bahay at noong hindi pa sila nag-aasawa ang pamilya ni Lyn at Lito ay doon muna sa lumang bahay ng mga magulang ni Lyn. Ang kaso medyo sira na ito dahil sa kalumaan. Kaya noong nakapag-asawa na ang tatlong nakababatang kapatid ni Lyn at wala ng tumao sa bahay, sa awa ng mga kapatid, ay sila na muna ang pinatira doon sa bahay.
Ilang years ang dumaan, may na-oberbahan ng hindi kaaya-ayang pag-uugali sa mag-asawa lagi nalang silang nag-aaway siguro dahil sa kahirapan lagi kasi silang salat sa budget at minsan nahihiya na talaga silang dumulog sa kanilang mga kapatid para matulungan sila. Hanggang sa nakapag-desisyon na lang si Lito na magtrabaho sa malayo para matustusang maigi ang pangangailangan ng pamilya. Pero sa hindi alam na kadahilanan ilang buwan lang ang nakalipas ay umuwi si Lito at hindi na bumalik pa sa kanyang pinagtatrabahuan. Hanggang sa nabuntis na naman si Lyn at ang tatlong anak nadagdagan ng pang-apt, si Wayne. Mas lalong naghirap ang pamilya lalong-lalo pa at si Lyn hindi pwedeng mag-breastfeed dahil yung niple ng dede niya ay inverted. Kaya to the rescue na naman ang mga kapatid ni Lyn sa pagbibigay ng tulong. Si Lito naman ay balik sa dating gawain naglalako siya ng dahon ng niyog at namamasada ng arkilang pedicab. Siguro ng dahil sa kahirapan laging inaaway ni Lyn si Lito kasi hindi kasi siya nagtatagal sa kanyang makuhang trabaho kahit sa konstraksyon man o sa pagpipintura ng bahay o malalaking building hindi talaga ito nagtatagal. Alam naman ni Lyn na hindi talaga makakakuha ng desenting trabaho si Lito kasi hanggang Grade V lang ang abot nito. Minsan kung mag-aaway sila ang laging kinakampihan ng mga kapatid ni Lyn ay si Lito kasi nakita naman nila na hindi naman talaga ito ginutom ang pamilya kaya lang hindi talaga ito makapag-impok ng pera kasi yung kita niya araw-araw ay sapat lang sa pangkain ng pamilya at allowance ng mga anak sa pag-aaral.
Kaya noong 3 years old na ang bunsong anak ni Lyn ay napagdesisyonan niyang mag-train to be a lady guard kasi alam niya na lumalaki ang mga anak niya at si Lito ay hindi talaga makahanap ng stable job. Hanggang nakapagtrabaho siya sa isang sikat na mall sa kanilang lungsod as a lady guard.
Isang araw, nabulabog nalang si Lyn sa isiniwalat ng pangatlong anak niyang si Marie na labing dalawang taon noon na hinihipoan daw siya ng papa niyang si Lito at minsan papahawakin pa siya sa ari nito para mag-masturbate. Hindi makapaniwala si Lyn sa kanyang narinig kaya kinompronta niya si Lito kung totoo ba ang sinabi ni Marie pero ang sabi naman ni Lito ay hindi totoo ang lahat na gawa-gawa lang ni Marie ang kwento kasi galit ito sa kanya dahil lagi niya itong pinapatulong sa gawaing bahay pero ang gusto lang nito ay maglaro buong araw kaya mapalo niya ito. Kaya nagsinungaling ito at gumagawa ng kakaibang kwento.Papaano naman daw niyang magawan ng kahalayan ang kanyang anak na siya naman ang nag-aalaga nito simulat sapol. Siya ang ang dapat pagprotekta nito pero sa halip sisirain niya lang ang buhay nito? Hindi daw niya magagawa sa anak niya ang ganoon kasi mahal niya ito. Hindi rin naman masyadong naniniwala si Lyn sa paratang ng anak kasi alam din niya na si Marie ay sinungaling. Pero kahit ganoon pa man napagdesisyonan parin ni Lyn na ilalayo ang anka sa kanyang ama at patirahin muna si Marie doon sa kanyang tiyahing si Mira.
Hindi pinaalam ni Lyn sa kanyang kapatid na si Mira ang dahilan kung bakit papatirahin niya muna si Marie doon sa kanila. Napag-alaman nalang ni Mira ang buong pangyayari galing kay Marie. Galit na galit si Mira at gustong ipaalam sa pulis ang nangyari pero ayaw ni Marie kasi ayaw niyang malugmok sa kahihiyan ang kanilang pamilya. Ilang Linggo ang nakalipas, na-obserbahan ni Mira na may nawawala siyang pera pati na yung savings ng bunsong anak niya. Kaya kinompronta niya si Marie kung may kinalaman ba siya sa pagkawala ng mga pera lalo na ang savings ng anak niya na pinaghirapan pa naman ito ng todo maka-ipon lang. Pero todo deny talaga ito. Dahil sa gusto talaga ni Mira na paaminin ito dahil sure naman siya na si Marie talaga ang kumuha wala ng iba tinakot niya ito na ipakulam ang kumuha sa pera ng anak niya. Sa takot na makulam, umamin ito na siya ang kumuha sa lahat ng pera at humingi naman ito ng tawad. Pinatawad naman ito ni Mira pati na yung husband niya napatawad narin si Marie dahil bata pa daw ito may chance pang magbago pero dapat mangako siya na hindi na siya uulit magnanakaw kailan man.
Hindi pa naman nag-isang Linggo buhat ang pangyayaring nagnakaw si Marie ay nawawalan na naman ng cellphone sila Mira at ang kumuha na naman ay si Marie. Napag-alaman na lang nila na ibenenta pala ang cellphone sa klasmyt niya worth P200 lang. Normally, magagalit talaga ang tiyahing si Mira. Plano pa naman sana niyang kupkupin na ng tuluyan si Marie at pagpapa-aralin pero sa ginawa nito hindi na niya ito kukupkupin dahil nadismaya siya sa pag-uugali nito. Nang gabing iyon isinauli ni Mira si Marie doon sa bahay nila at ikinuwento niya ang ginawa ni Marie sa mga magulang nito. Kaya sabi ng ama nitong si Lito, "Sinabihan ko na kayo na nagsisinungaling lang ang batang iyan kaya huwag talaga kayong maniniwala sa ano mang sasabihin niya."
Nalito naman si Lyn kung maniwala ba sa anak o sa kanyang asawa. Hinding-hindi kasi umamin si Marie na siya ang kumuha ng cellphone kahit ipinagtapat na ito ng mga kaklase niya.
Itutuloy.....
Maraming Salamat po sa pagbabasa mga kaibigan.
Naway pagpalain kayo ng Diyos palagi. Ingat po tayong lahat.
Lead Image Source from: Unsplash.com
Love lots,
Soledad💖💖💖