read.cash Log in
@Sirpogs

Historyador

Alam na alam natin ang terminong ito subalit hindi natin tiyak kung ano ang pinagmulan nito, bilang nag-aaral sa Wikang Filipino hindi na bago sa akin ang ganitong sulatin sapagkat noon pa lamang ay hinihikayat na kaming alamin ang pinagmulan ng bawat terminong kumakalat sa lansangan upang matutuhan natin ang ibig ipabatid nito at ang katangian ng terminong ito. Mas mabuti nang alam natin upang naipaliliwanag natin sa mga tao kung ano nga ba ang pinangmulan nito. "TARA MAKI CHISMIS TAYO" **What is Tsismis?** Tsismis is a Spanish term **chimes**, translated into a Filipino as chismis or tsismis that means Gossip or rumor. **Ano ba ang Punto De Vista ng Tsismis?** Ang chime o tsismis ay mga salita o pangungusap na binibitawan ng mga tao laban sa buhay ng ibang tao ito ay kadalasan na nasa negatibong aspekto. Sa karaniwang diskurso ito ay pagbabaginan lamang ng mga kuro-kuro at mga impormasyong inilalatag ng isang tao na ang katotohanan ay hindi tiyak. May mga iilang magsasabi na ang ganitong gawain ay tawag lamang ng pagkakroon ng insecurity ng isang tao sa kanyang kapwa sa kadahilang gusto niyang ibaba ang tao sa parang kaya niya, at itaas naman ang kanyang sarili sa iba. Sumisibol rito ang negatibong kaugalian ng mga tao ang pagkakaroon ng "UTAK TALANGKA" kung tawagin ng marami sa atin ito ay panghihila pababa ng mga tao kapag nakikita nilang lumalamang o umaagat na sa buhay ang kanilang kapwa. Ang ilan naman ay sinasabing libangan o pampalipas oras lamang ito ng mga taong walang trabaho at nasanay sa ganitong gawain makikita mo agad sila sa daanan umaga palang ay nagtitipon-tipon na at pinagsasaluhan na ang mga salita laban sa kanilang kapwa. **Chismoso at Chismosa** Ang tawag sa mga taong nahihilig o sangkot sa ganitong gawain, sila ay tinagurian ding "News Caster" sa katagalugan at "Radyo baktas" naman sa mga Waray. Sila ang mga taong ang nais lamang ay umangat at maging malinis sa mata ng iba. **IS CHIMES A CRIME?** YES! it is, a gossip is a crime. Kapag ang tao ay siniraan o binabaan ng dignidad ng ibang tao. Article 358. Slander. — Oral defamation shall be punished by arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period if it is of a serious and insulting nature; otherwise the penalty shall be arresto menor or a fine not exceeding 200. retrieved: pesos.https://www.google.com/amp/s/www.manilatimes.net/2019/10/31/legal-advice/dearpao/legal-consequences-of-gossiping/652207/amp **End thought** We should be mindful of our action, because language is powerful"NO TO GOSSIP YES TO PEACE OF MIND". Here's a poem originally written by yours truly **HISTORYADOR** Minsan pa'y napadaan si Ace sa isang kanto iyon kasi ang daan patungo sa kanilang munting kubo malayo palang namataan na niya ang mga kumare ng kanyang Ina pinangungunahan lagi ito ni Aleng Maria lagi niyang kasama ang kanyang mga ka tropa Ito ang madalas gawain ng mga kababaihan dito inaalmusal ang buhay ng ibang tao Malayo palang ramdam niyang may ibig sabihin ang kanilang matatalim na titig, ang pagbuka ng kanilang bibig. Nang makalapit na siya'y biglang nag-iba ang pakikisalamuha kita niya ang saya sa kanilang mukha, ang mga ngiting ipinapakita Nariyan pang tinawag ang kanyang pangalan at kinumusta sumagot siya ng may respeto ngunit ramdam niya ang pangamba hindi niya maipaliwanag kung bakit sobra naman yata ang kaba Nagpahayag siya ng paalam, dali-dali niyang pinadyak ang kanyang mga paa upang mabilis na mawala sa paningin nila ngunit, limang padyak pa lamang ang kanyang nagagawa narinig niya galing sa kanila ang mga salitang: mga mare ramdam n'yo ba, ay kay hinhin ng anak ni kumare, magaslaw gumalaw, balita ko 'di pa nag kakaroon ng kasintahan 'yan Napatigil si Ace sa kanyang lakad humanap ng mapagkukubliang lugar malapit sa kinaroronan ng mga historyador upang marinig ang mahiwagang usapan Nagpatuloy ang mahiwagang usapan ng mga mababait na historyador sa kanilang bayan Ay, darna si ateng mahilig din sumubo ng mansanas ni Adan, balita ko nga'y maarte raw sa katawan bumibili ng pampakinis ng balat baka sa susunod niyan magpagawa pa ng bilat Hoy' balita pa yata'y nagpapalaki ng bundok may tinataling kung ano ang ugok, 'yong isang tumpok ng talong para di raw kumawala ay kinukulong Nako kumareng Marites, bata palang daw 'yan kumekendeng na ang baywang naglalagay ng mga kolorete sa katawan rumarampa-rampa pa raw sa daan Salot sa lipunan, ito nanaman ang makapangyarihang salita sa bibig ni Aleng Marga pagdating sa mga taong taliwas sa pamantayan ng lipunan Tigas ng ulo ng mga iyan, wika naman ni Aleng Goyang sinabing magpakabarako aba'y gustong ang ka'y Adan ang isubo Itong anak ni kumareng Pudadang dagdag pa ni aleng Danday Ayaw pa kasing magpakalalaki mas inuna pa ang suso sa pagpapalaki Nako Kumareng Danday, mas inuuna ang kagustuhan at tawag ng laman ng mga salot na iyan Nalintikan na! alam na alam nila ang buong istorya mayroon pang kasukdulan sa bawat kabanata, ani Ace na wala manlang magawa kundi damhin ang masasakit na salita Maya-maya pa'y lumabas na si Ace sa kanyang kinukublian lumapit sa mga historyador ng bayan P*ky* with respect, paunang salita. Ako ay taong may pangarap hindi ako sumasabay sa uso ng lipunan wala ako sa nakikita n'yo sa ibang kalalakihan at wag n'yong hanapin ang di ko maibigay sa inyong kasiyahan Mahal ko ang aking katawan kaya ko'to inalagaan ayoko pang magkaroon ng kasintahan dahil iba ang aking pinaglalaanan hindi katulad n'yo na pa upo-upo lang at puro galit at paninira ang nasa puso't isipan Siya nga pala bago ako lumisan may isang pabor akong iiwan sa mga susunod na pagkakataon sakaling balakin kong gumawa ng talambuhay maaari bang kayo na ang sumulat ng nilalaman nito para alam n'yo kong gaano ito kakulay Yours Truly --Sirpogs references: https://unsplash.com/s/photos/gossip https://unsplash.com/s/photos/gossip%20%20https://www.istockphoto.com/search/2/image?phrase=gossip https://www.istockphoto.com/search/2/image?phrase=gossip https://unsplash.com/s/photos/gossip%20%20https://www.istockphoto.com/search/2/image?phrase=gossip To all my reader and silent supporter thank you so much po. I know i didn't know you personally but God sees your good deeds. I am so grateful to have you here in noise.cash.❤️God bless your kind heart.

17¢

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.