Background ng Pelikula [Abstrak]
Ang "Bar Boys " ay tungkol sa apat na magkakaibigan na sina- Toran (Rocco Nacino), Chris (Enzo Pineda), Josh (Kean Cipriano) and Eric (Carlo Aquino), nagsimula ang kanilang samahan sa isang simpleng online game na kinaadikan nila. Hanggang mapag desisyonan nilang kumuha ng kursong Law na apat na taon nilang pagsusumikapan, na tanging si Josh lamang ang hindi nakapasa at iba ang landas na tinahak. Dito nagsimula ang kani-kanilang istorya at mga pinagdaanan.
Naging masalimuot ang pagkakataon lalo na kay Eric na hirap igapang ang kanyang pag-aaral at iniisip niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang tapusin ang kursong iyon, at mas lalong nagpahirap sa kanya nong mga oras na nakikita niya na nahihirapan na ang kanyang tatay na itaguyod ang kanyang pag-aaral dahilan para maisipan niyang bumitiw sa pangarap na iyon at magtrabaho na lamang, ngunit dahil sa labis na pagsuporta at pagmamahal na ipinapakita at ipinadama ng kanyang pamilya ay natapos niya ang kursong ito. Sa karakter naman ni Chris, kaiba sa kalagayan ni Eric, kaya niyang bilhin lahat ng gustuhin sapagkat mayaman ang kanyang Pamilya at suportado siya nito sa usaping pinansyal, ngunit salat sa pagmamahal at suporta ng magulang sa usaping moral. Matalino rin si Eric at nangunguna lagi sa klase. Isa rin sa hindi gaanong nagkaroon ng problema sa kanyang pag-aaral ng abogasya si Toran dahil matalino rin ito at suportado ng kanyang mga magulang ngunit napasama sa Fraternity, na hindi naman naging masamang impluwensya sa kanya, di tulad ng nangyayari sa mga taong napapasama sa mga samahang tulad nito.
PAGSIPAT SA PELIKULA
Kung sisipatin ang Pelikula na ito sa Sosyolohikal na pagtanaw maraming ipinakitang isyu na nagpapamulat sa manonood sa realidad ng buhay at ang pagkakaiba-iba ng sitwasyon ng tao sa lipunan at kung paano haharapin ang pagkakataon higit lalo ang mga mabibigat na desisyon. Pagkatapos kong mapanood ang Palabas na ito ang mga nakuha kong isyu base narin sa ipinakita ng palabas ay:
Pagkakaibigan, Pamilya, Kinabukasan at Pag-aaral, Sarili at Status sa Lipunan.
Sa usapin ng PAGKAKAIBIGAN ipinakita rito kung ano ang kayang isakripisyo ng bawat isa sa ngalan ng pagkakaibigan, ipinapamulat din sa atin na hindi sa lahat ng oras kaya nating ibigay ang hinihingi ng ating kaibigan, kailangan matuto tayong magsabi ng "hindi"dahil sa pamamagitan nito ay hindi natin hinahayaan na dumepende lamang sila sa samahan at matuto rin silang tumayo sa sariling mga paa at igapang ang kanilang sariling kinabukasan. Mahirap ang ganitong sitwasyon sa larang ng pagkakaibigan naging suliranin narin ito sa kasalukuyan sapagkat ang pagsasabi ng hindi ay isang malaking sagabal sa usaping ito dahil dalawa lang ang maaaring puntahan kapag ginawa mo ito; una ang hindi kana nila ituring na kaibigan at alisin kana sa groupo pangalawa ay intindihin ka nila, ngunit lagi nating tatandaan na dito masusubok kung gaano katibay ang pundasyon ng inyong pagkakaibigan. Oo nga't nariyan tayo sa oras ng kailangan nila tayo ngunit may mga bagay na hindi natin kayang ibigay sa kanila kung iyon ay daan para mapatunayan natin ang sarili natin at makuha ang tiwala at pagmamahal na matagal na nating nililimos sa ating mga magulang.
Ipinakita dito sa karakter ni Erik at Chris ang ganitong kalagayan sapagkat likas na matalino si Chris, siya ang magiging daan upang maka pasa at maka graduate si Erik sa pamamagitan ng pagbabawas niya ng grado naging suliranin ito sa kanilang samahan dahil pagtanggi ang naging desisyon ni Chris na bawasan ang kanyang dahil iyon lamang ang daan upang mapatunayan niya sa kanyang magulang na kaya niya ang umangat, ngunit galit ang naramdaman ni Erik na ayon sa kanya ay kaya nitong ipagpalit ang pagkakaibigan nila sa isang karangalan (Honors), na ayon nga sa marami ay hindi naman magpapatunay ng kagalingan ng isang tao. Pareho silang may punto sa kanilang pinaglalaban ngunit para sa akin tama ang ginawang ito ni Chris sapagkat pinaghirapan niya iyon at iyon rin ang magpapabago sa sitwasyon niyang parang nakatali sa kanyang magulang at walang sariling desisyon. Ngunit bilang kaibigan alam niyang may kailangan siyang gawin upang sabay sabay silang makapasa. Isa rin sa mga naging suliranin ay ang pagkakaroon ng kaibigan na "Left behind" sapagkat nga hindi kapareho ng kurso at gawain si Josh ay unti-unti itong napapalayo sa mga kaibigan at nawawalan na siya ng puwang sa mga ito, magsama sama man ay puro pag-aaral ang aatupagin ng tatlo at siya ay parang poste na hindi manlang makasali sa pinag-uusapan ng tatlo. Sa usaping ito nagiging balakid sa magkakaibigan ang oras dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang landas na tinatahak. Hindi na nila hawak ang kanilang oras dahil sa pag gugol nito sa pag-aaral at hindi na nila magawa ang dating pinagkakaabalahan.
Sa usapin ng PAMILYA ano ang handa nating isakripisyo upang mabigyan nating kulay ang mga gusto nila para sa atin, ano ang iba't ibang uri ng pagpapalaki sa atin ng mga magulang natin na nagiging sandalan natin sa oras ng kabiguan at ano ang iba't ibang uri ng magulang mayroon sa atin. Sa usaping ito hayag na hayag ang pagkakaroon ng iba't ibang estilo ng pagpapalaki ng mga magulang sa atin. Sa kalagayan ni Erik na isang mahirap lamang at kumuha ng kursong Law ay isang hamon para sa kanyang pamilya ang ganitong sitwasyon, na nagiging dahilan rin ng pagsuko niya upang matulungan na lamang ang kanyang pamilya at hindi na magtrabaho ang kanyang mga magulang higit lalo ang kanyang Ama na kahit matanda na, maysakit at mahina na ay nagsusumikap parin upang maitaguyod ang pag-aaral niya, lumutang rin dito ang pagbebenta ng parte ng katawan upang magkaroon lamang ng perang pangtustos sa pag-aaral ng anak. Isa itong nakalulungkot na katotohanan na nangyayari sa lipunan sa kasulukuyan, marami ang nagsasakripisyo higit lalo ang mga magulang upang maigapang lamang ang kinabukasan ng kanilang mga anak, sa pagkakataong ito nakukuha ni Erik ang lahat ng pagmamahal galing sa kanyang pamilya na nagiging dahilan rin upang magpatuloy siya sa laban kahit na lubos na nahihirapan sa kanyang kurso at dahil nga hindi gaanong katalinuhan ay minsan napag-iiwanan ng kanyang mga kaibigan sa klase. Samantalang sa kalagayan naman ni Chris, nasa kanya ang katangiang pagiging matalino na lubos hinahangaan ni Erik at ang pagiging mayaman ng magulang na nakukuha nito ang suporta sa usapin ng pera ngunit nakatali naman sa desisyon ng Ama, walang kalayaang gawin ang gusto nito isang halimbawa nga ang hindi niya pagpapakilala sa Girlfriend niya sa kanyang magulang dahil sa ito'y hindi mayaman at alam niyang tanggi ang kanyang Ama rito. Hindi natin masisi at masasabing mali ang ganitong estilo ng pag gampan ng pagiging magulang ng Ama ni Chris dahil hangad lamang din nito ang kagandahanan ng buhay ng Anak. Ang mga kalakasan at kahinaan ng dalawa ay siyang naging dahilan nila upang lumaban sa hamon ng buhay at sa kursong kanilang kinuha. Hindi perpekto ang buhay dahil mayroon ang isang tao na wala sa'yo ngunit mayroon ka din na wala siya, at ang mga ito ang patuloy nating hinahanap kaya tayo nagsusumikap at nangangarap.
Sa usapin ng PAG TANAW AT PAG HARAP natin sa gusto nating marating ito ay isa rin sa pinakamabigat na desisyon na kailangan nating gawin sa buhay natin, dahil ito ang magdidikta ng ating kinabukasan. Isa ang usapin nang hinaharap (future) sa mga isyu na kinakaharap ng mga kabataan, higit lalo ang mga tutungtong pa lamang sa tertiarya, marami sa panahon ngayon ang hirap sa ganitong kalagayan unang nakikita kong dahilan ay ang pagkuha ng tatahaking landas na binabase sa kung ano lamang ang kagustuhan ng mga magulang at hindi ng sarili, oo nga't mas nakakaalam ang ating mga magulang sa buhay dahil mas nauna sila kaysa sa atin, ang paniniwalang papunta ka palang, pabalik na'ko, at ang pagiging praktikal daw sa panahong ito, dito nagkakaroon ng suliranin ang marami sa atin sapagkat pinipilit natin ang sariling igapang ang mga bagay na hindi natin gusto kaya ang resulta ay nahihirapan tayo ng husto at hindi natin makayanan ang bigat dahil hindi naman tayo masaya sa ginagawa natin.
Subalit kung magdesisyon kang tahakin ang kagustuhan mo dapat din na pag trabahuan mo ito, upang mapatunayang kaya mo at hindi ka nagkamali sa pagpili ng landas na tatahakin. Pangalawa ang kawalan ng kompyansa at tiwala sa sarili mas nananaig ang takot kaya hindi maayos na mapag-iisipan kung ano ngaba ang gusto nitong kunin. Panghuli ay ang kawalan ng suporta ng magulang, kapag wala nito ang tao ay mabilis manghina sapagkat walang pundasyon na kakapitan nito sa paglaban sa kanyang kinabukasan. Isa sa pinaka importante ang suporta na nangagaling sa mga mahal sa buhay dahil ito ang nagiging sandigan natin upang magpatuloy sa laban. Nakikita ko itong problema ng marami sa atin dahil hindi lahat ng magulang ay kasama ng kanilang mga Anak at hindi lahat ay biniyayaan ng maayos na pamilya, ang ganitong sitwasyon ay maaaring gawing inspirasyon ng mga taong nakararanas ngunit mas lamang ang masamang epekto nito sa tao.Habang nasa proseso tayo ng paghubog ng ating sarili hindi maiwasang masangkot tayo sa mga hindi magagandang impluwensya sa ating sarili, isa ang "Hazing" na lumutang bilang problema ng lipunan, noon paman hanggang sa kasalukuyan ay talamak na ang ganitong gawain, ipinakita rito ang pagkakaroon ng hindi magandang impluwensya ng samahan, sapagkat hindi makatarungan ang gawain at nagiging dahilan ng kamatayan. Marami ang nag reklamo sa ganitong klaseng gawain sa mga paaralan dati, sa kagustuhan na maglaroon ng malawak na impluwensya ay pipiliing sumali kahit na alam nilang delikado sa buhay nila. Para sa akin isa itong balakid sa lipunan na kailangang puksain sapagkat ang gawaing hazing upang masabing solid ang samahan at matibay ang mga miyembro nito ay hindi makatao at makatarungan.
Sa SARILI natin ano ang kaya nating isakripisyo para mapasaya lamang natin ang ating mga magulang at makuha kung ano ang gusto nila para sa atin. Ito ay nagiging isang balakid rin dahil nawawala ang kalayaan nating magdesisyon para sa sarili natin. Sa kagustuhan nating maipakita at mapatunayan sa Pamilya natin na kaya nating lumaban at makuha ang kanilang lubos na pagmamahal at tiwala ay ginagawa natin gapangin ang gusto nila para sa atin. Marami mang masakripisyo katulad relasyon na nawawalan na tayo ng oras at nababalewala na natin ang prisensya ng bawat isa. Pagkakaibigan ipinakita sa palabas na ito ang pinakamahirap na desisyon na kailangang pagdaanan ng magkakaibigan, kung papaano ito harapin at solusyonan. Kasiyahan, sa labis na pag katig natin sa ating mga pangarap nalilimutan na nating libangin at pasayahin ang ating sarili.
KONKLUSYON
Higit na BINIGYANG DIIN din sa palabas na ito ang hirap na kalabanin ang sarili sa pagtupad ng ating mga pangarap, dahil sa patuloy nating pagkatalo ay minamaliot na natin ang ating sarili na iniisip nating hindi natin layang gawin ang mga bagay na bago sa'tin, ang mga bagay na mabigat para sa atin, pagsuko agad ang pumapasok sa ulo natin dahil sapagkat mahina ang kapangyarihan nating labanan ang ating sarili. Sabi nga ng nakararami "Ourselves is our greatest enemy" na sarili natin ang pinaka malaking at pinakamakapangyarihang kalaban sa pagtupad ng anumang bagay na ating minimithi, tunay ang kasabihang ito sapagkat nauunahan agad tayo ng takot at nawawala ang pokus natin na harapin ang anumang pagsubok na ibabato sa atin araw-araw. Iminumulat tayo ng palabas na ito na hindi kailanman nananalo ang umaayaw sa laban, nararapat na lumaban upang makabangon tayo sa ating pagkabagsak, upang sa huli makita natin ang kahalagahan ng mga pagsubok na ating kinaharao bago natin mapagtagumpayan ang ating mga pangarap.
Dalawang Buwan ring hindi napapad rito. Muling nagbabalik.
Sirpogs
09/26/21
1:40pm