‘’My Prince Charming

1 10
Avatar for Sirciram
4 years ago

$

Bata pa lamang ako ay mahilig na ‘ko sa mga fairytale stories. Yun bang may Prince Charming na magliligtas sa prinsesa. Sa katunayan, paborito ko hanggang ngayon ang movie na Pretty Woman.

Lumaki ako sa malayong probinsya, nag-aral at nagkaroon ng trabaho sa Laguna. Nagpunta ako ng Sweden for 6 months dahil sa tulong ng tita ko, nagka boyfriend sa Sweden at in the end, nagka-anak. Pero sa kasamaang palad ay hindi kami nagkatuluyan ng partner ko. Isa ito sa mga makukulay na parte ng buhay ko.
Single parent ako pero suportado ng tatay niya ang baby ko. Magkagayunman, hindi pa rin sapat ang natatanggap naming tulong pinansyal. I have decided to work in Singapore. Mahirap man pero kailangan kong iwan ang anak ko sa mama ko,na siya namang ipinagpapasalamat ko hanggang ngayon. Nagtrabaho ako sa singapore bilang all around yaya, mahirap na trabaho lalo pa’t kakapanganak pa lang ng amo ko. Para din akong nanganak kasi ako ang nag aalaga sa bata plus trabaho sa buong bahay. Yung tipong gigising ka ng ilang beses para padedehin yung baby sa gabi tapos sa araw ay maglilinis, mamalantsa, magluluto at iba pang mga utos. Matutulog ako ng alas onse ng gabi at gigising ng alas sais ng umaga. Kailangan kong bumangon kahit pa puyat na puyat at lutang na lutang ako. Laking pasasalamat ko na lang dahil mababait naman ang aking mga amo.

July 2015 nang makilala ko si Prime sa Singapore. Programmer siya sa isang kompanya,mabait malambing, malumanay magsalita at may respeto sa kapawa. Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko. Lumalabas kami tuwing day off ko, nagsisimba at nagpi-picnic at kung saan-saan. Sinabi ko sa kanya ang istorya ng buhay ko. Hindi nagtagal ay nagkamabutihan kami at naging magkasintahan.

Masaya ang relasyon namin noon ni Prime.Hindi kami nag –aaway. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.Lagi akong may regalo na natatanggap sa kanya. Pati ang anak ko ay binibilhan niya ng kung anu-ano na pinapadala niya sa Pilipinas. Nakakausap din niya ang mga magulang ko. Plano din namin na umuwi sa amin at sa Bicol kung saan siya nagmula. Lahat naka-plano na para sa pag uwi namin. 
Feeling ko noon, eto na yung relasyon na deserve ko, eto na yung sagot sa mga dasal ko, eto na yung taong nakalaan para sa ‘kin. Feeling ko noon, natagpuan ko na rin ang Jowadik ng buhay ko. Pero katulad nga ng laging sinasabi ni Nicole, feeling ko lang un...
Linggo noon at dahil may overtime siya sa trabaho, nagtambay na lang ako sa apartment niya. Nood ng mga movies at nagpapahinga. Habang nagbro-browse ako sa laptop nya, ewan ko kung anung napindot ko at biglang nag pop out yung email niya. Siyempre babae ako, na-curious ako kung anung meron sa email niya. Mostly notification from facebook na laking pinagtaka ko kasi ang alam ko, wala syang FB account.

Isang notification ang nakita ko, galing sa isang babae na ka-apelyido niya. Sinearch ko ang pangalan ng babae sa facebook, at laking gulat ko ng makita ko ang mga pictures ng babae kasama si Prime at dalawang bata. Hanggang sa nalaman ko mula sa mga comments at caption ng mga photos na asawa at mga anak pala ni Prime ang mga yun. 
Bigla akong nanginig, tumulo ang luha ko at parang gumuho ang mundo ko. Yung taong mahal na mahal ko, yung taong pinagkakatiwalaan ko, yung taong kasama ko sa pagbuo ng pangarap kong pamilya, yung akala kong prince charming ng buhay ko, lahat nang yun ay isang kasinungalingan pala.
Kinausap ko siya at umamin naman sya at humingi ng tawad ng paulit ulit, na kesyo hindi na daw nya mahal ang asawa nya.

Kung may parada nga ng mga tanga at bulag sa pag ibig, siguro, ako na ang nangunguna. In short,nagpatuloy ang relasyon namin, naging kabit ako,mahal ko eh, pero ramdam ko sa sarili kong hindi na ako masaya at hindi ito ang relasyon na pinapangarap ko. Yung sa tuwing magkasama kami, ramdam ko at ramdam nya na may malaki nang pagbabago, yung kami nga pero wala na kong tiwala sa lahat ng sinasabi nya.

Alam ko sa sarili kong dapat ko nang tapusin ang relasyon namin, pero bakit ganun, hindi ko pa rin magawa. Isang gabi habang umiiyak ako, naisipan kong magmessage sa Tambalan. Sila ang pinagsabihan ko ng sama ng loob at problema ko. Tumatak ang sinabi ni Nicole na "pina-priotize mo ang taong kahit kelan hindi ka magiging priority." Ang sabi naman ni Chris, "para kang stand ng cake, mabubuhay ang cake kahit wala ka." Ang sabi pa nila, makakahanap ka ng taong ituturing kang reyna ng buhay nya, yung ipaparamdam nya sayo kung panu maging babae at kung pano maging priority.

Masakit pakinggan pero totoong totoo. Sinimulan kong wag na syang tawagan at itext, hindi na din ako nakikipagkita sa kanya. Ibinaling ko na lang ang sarili sa pagtratrabaho. Nag-sign up din ako sa isang ‘dating site’ para lamang kahit papano ay di ko sya maalala. Nakikipag chat sa iba pero hindi ko naman siniseryoso kasi nga ang puso ko ay pagmamay-ari pa rin niya.

Anim na buwan akong ganun, trabaho, nood movie, binubuksan ang ‘dating site’ paminsan, tapos iiyak pag naaalala ko si prime. Hanggang sa panahong yun ay sinusuyo at nililigawan niya ulit ako, pero ewan ko ba, mahal ko sya pero hindi ko naman matanggap na may iba pa.

December 2016, birthday ko, nagsimba ako at hiniling ko sa Diyos na pagtibayin pa Niya ako. Umiiyak ako habang kausap ko Siya. Ang sabi ko, “Diyos ko, hindi ko alam kung hanggang kelan ako iiyak at hanggang kelan ako magtitiis. Alam mo naman na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, bigyan mo pa rin ako ng lakas at talas ng pag iisip para huwag gumawa ng desisyon na alam ko namang pagsisisihan ko sa huli.”

Matapos nun,naisipan ko na namang buksan ang ‘dating site’, isang message ang natanggap ko galing sa isang lalake, ang sabi niya:

" Hi my name is Mike, I am from Sweden, I would like to know you better if its possible, here are my contact details, you can send me email call me or message anytime you want."

Sinagot ko naman siya ng,

" Hi, I´m sorry it took me days to be able to answer you. I have been in Sweden once,”

Simula ng araw na yun ay nagpalitan na kami ng mga messages, nagvi-video call na din kami. He even went to the highest view point of his city in order for me to see the beautiful fireworks during new year. Magkabaliktad ang oras namin, pero we ate noche buena together, both my time and his time. After that, sabi niya na he wants to fly to Singapore and meet me. Nagulat ako at sabi ko, “isnt it that too soon?” Ang sabi naman nya, “Well its been two weeks, I wanna meet you personally, I dont wanna waste our time just talking in front of the screen when I can come there and meet you.”

January 2017, pinuntahan niya ako sa Singapore. Sinorpresa ko siya sa airport kasi ang alam nya ay di ko sya susunduin. After waiting ng mahigit isang oras, finally we set eyes in each other. Nang magkita kami ay nagyakap and we kissed, ewan ko but it felt magic.

We spent hours of talking, hanggang alas tres na ng madaling araw saka namin napagpasyahang bumalik sa hotel, and spent the remaining hours of the night together.
Kinausap niya ang mga magulang ko sa telepono at nagulat ako nang bigla nyang sinabi sa tatay na ko na “I wanna marry your daughter sir.”

After nilang magkausap , I asked him kung totoo ngang gusto nya akong pakasalan, ang sagot nya, “From the very first time I saw you on skype with the towel in your head, I knew from that very moment that you are the woman I wanna spend my life with,”

Sa sumunod na araw, lumipad kami sa Pilipinas at nakilala nya ang mga magulang ko. He ask kung pwede nya daw ako pakasalan. He spent 2 weeks with me and my son. We had an awesome time together. Matapos nun he went back to Sweden, and as soon as he arrives, inasikaso nya ang mga papers na kakailanganin ko to apply for a visa papunta doon.

Feb 2017, araw ng pag alis ko papuntang Sweden, masayang masaya ako kasi magkikita na ulit kami. Pagdating ko sa airport, andun na sya, may dalang bulaklak, at sinalubong ako ng yakap at halik. Nang mga oras na yun ay hindi ko na maalala yung sakit na dinulot sa akin ni Prime.

May 2017 was the happiest day of my life because that’s the day we said I DO to each other. Weeks after the wedding , nalaman namin na nagdadalang tao na ako. Talon sya ng talon sa tuwa at agad-agad niyang inasikaso ang pag-aaply ko ng permanent residency sa Sweden.

Ilang linggo lang ang nakakaraan nang ipanganak ko ang aming beautiful daughter na si MALAYA. Kung susumahin ay napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ko, pero alam ko na ito ang itinadhana para sa amin. Natagpuan ko na ang taong hinango ako mula sa sakit na naramdaman ko. Natagpuan ko na ang taong hindi nagsawang iparamdam sa ‘kin na ako ang pinakamaganda sa paningin nya. Yung tipong may bulaklak ako mula sa kanya every friday kasi daw deserve ko daw yun at hind siya nagmimintis na magsabi na mahal niya ako.

Totoo pala ang kasabihan na everything happens for a reason. Naranasan kong masaktan, ngunit naranasan ko din na maghilom ang puso nang makilala ko na ang taong tunay na magmamahal sa akin. Ngayon ay masasabi ko na fairy tales do come true dahil natagpuan ko na ang Prince Charming ng buhay ko.

Baka kiligin kayo!😁😁😁

Like...

Comment...

Subscribe...!

Thank you...!

2
$ 0.00
Sponsors of Sirciram
empty
empty
empty
Avatar for Sirciram
4 years ago

Comments

Totoong may darating sating tao na magmamahal, sasaktan tayo at aalis din sa buhay natin, mga masasayang alaala ang iiwan ngunit mas mahalaga ang leksyon at aral na ating matututunan para sa mga susunod na panahon para sa atin, ganyan din sa kwento mo, nakatagpo ka pero di kayo tinadhana, at sa ibang tao mo mararanasan ang totoong pagmamahal at kaligayahan.

$ 0.00
4 years ago