Ang Bahay na Pula ay pag-aari ng pamilyang Ilusorio sa huling bahagi ng 1920s. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, ang dalawang palapag na mansyon na ito ay ginawang kuwartel ng mga Hapon at isang lugar kung saan ang mga "comfort women" ay pinilit na magtrabaho. Bagaman na-demolish na ito noong 2014, ang mansyon ay nananatili bilang isa sa mga pinakasikat na haunted na lugar sa bansa dahil sa kasaysayan nito.
Matatagpuan sa Acsaho, San Ildefonso, Bulacan, ito ay tinawa na "Bahay na Pula [Red House]" ng mga taong naninirahan malapit sa bahay dahil sa pisikal na hitsura nito. Ang ancestral house na ito ay sikat sa mga kwentong multo. Ang mga tunog ng mga babaeng nagdadalamhati at isang ghost platoon ng mga sundalong Hapon ay ilan lamang sa hindi mabilang na mga kwento na sinasabi ng mga taong nangahas na bisitahin ang bahay na ito. Ngunit bukod sa mga kuwentong multo, ang Bahay na Pula ay may iba pang kwentong dapat na iyong malaman.
Itinayo noong 1929, ito ang lumang mansyon ng pamilyang Ilusorio. Ang dalawang palapag na bahay na ito ay nag-iisang nakatayo sa gitna ng malawak na hacienda ng pamilya. At dahil sa nakahiwalay ito sa iba pang mga bahay, ginamit ito bilang isang base ng Hapon sa ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon sa tagapag-alaga ng bahay, ang mga kababaihan ng Mapanique (isang baryo malapit sa bahay) at iba pang mga lugar na malapit doon ay kinukuha ng mga sundalong Hapones at dinadala sa bahay na ito. Ginamit sila bilang mga "babaeng nagbibigay aliw," ang ilan ay namatay sa pananatili sa bahay habang umiiyak at nanghihingi ng tulong. Bukod dito, ang mga gerilyang Pilipino na nahuli ng mga sundalong Hapones ay ginutom, dinala sa malaking damuhan sa tabi ng bahay at pinagsama, pagkatapos ay sinunog nang buhay. Ang mga kwentong ito ay nagdagdag impormasyon sa rumors na ang bahay ay isang lugar para sa mga nababagabag na kaluluwa na naghahanap ng katarungan.
$
Don't forget to...
Like..
Comment...
Subscribe...!
Thank you!😘😘😘
Totoo yata ang usap usapan dyan na bukod sa nakakatakot talaga ang bahay na pula ay maraming kababalaghan na nagaganap dyan at kahit mga pagkamatay ng iilang tao sa dating panahon at kasalukuyan.