Pinoy Short Story part 2

0 14
Avatar for Sincer
Written by
3 years ago

Jus Tan

~~~

T'wing umaga, nakagawian na ni Tikboy ang pag-aabang sa naglalako ng pandesal. Kapag marinig na ang potpot, senyales 'yon na nagsidatingan na ang mga bayani ng kumakalam na sikmura. May apat na maglalako ang dumadayo sa maliit na lugar nila, dalawang binatilyo at dalawang bata.

Pero may isang tindero ang pumupukaw sa atensyon ni Tikboy. Palagi itong nakatambay sa isang kanto at tumitigil ng ilang minuto do'n. Nakatayo lang. Dala ng kyuryusidad, tinungo ni Tikboy ang lalaki.

"Kuya, bakit ka po laging tumatambay dito? Wala namang ginagawa," usisa n'ya.

Nagitla ang binatilyo sa pagsulpot ni Tikboy. "Ha, e may hinihintay akong suki e."

"Po? E lagi kitang nakikita dito. Wala namang bumibili sa'yo e."

"Meron a. 'Yong matanda na suki ko. 'Yong bahay n'ya nando'n sa dulo nitong kalsada."

"Imposible po. Tambakan lang 'yong nando'n."

Namutla ang binata.

*Insert horror sfx* dun-dun-dun-duuuuun

~~~

#ShortStories

SaydWok Bend—

~~~

Nang biglang lumapit sa binata ang kanyang kapwa tindero. Nahalata nito ang pamumutla n'ya.

"O p're, kanina ka pa d'yan a. Lika na, sa susunod na bayan na tayo."

"P're, wala ka bang nakikitang matanda dito na palabili sakin?"

"Oo, wala! Kala ko pinagtitripan mo lang ako kapag sinasabi mo 'yon e." Sabay tawa.

"Buti na lang sinabihan ako ng bata—"

"Sinong bata?"

"E-eto..." Pero wala silang batang mahagilap sa paligid.

Namutla silang dalawa.

*Insert horror sfx* dun-dun-dun-duuuuun

~~~

#ShortStories

SaydWok—

~~~

"Tara na, Pembuo," pag-aaya ni Pembarya, isa sa mga batang maglalako. "Alis na tayo dito."

"Ha? E 'di pa nga tayo nakakapag-ikot dito e. Tsaka tignan mo sila kuya, may benta na," sagot ni Pembuo.

"Sinong kuya?"

"'Yong dalawang kasama natin!"

"Tangek! Dalawa lang tayo lagi!"

Namutla si Pembuo.

*Insert horror sfx* dun-dun-dun-duuuuun

~~~

#ShortStories—

~~~

"Tsaka ba't ba tayo napunta sa baryo na 'to? Hindi naman 'to ang daanan natin," saway ni Pembarya.

"Oo nga ano," sagot ni Pembuo. "Ngayon ko lang nalamang may ganito pa lang baryo..."

"N-nasaan na 'yong baryo?!" sigaw ni Pembarya.

Ngunit wala silang nakita sa paligid. Tanging malawak lamang na bakanteng lupa na may matataas na talahib.

Namutla silang dalawa.

*Insert horror sfx* dun-dun-dun-duuuuun

~~~

"Tara, umalis na tayo agad! Namamaligno tayo!" sigaw ni Pembarya at nagsimulang magtatakbo. "Tara na, bilis!"

Pero walang s'yang kasamang tumakbo. Nag-iisa lang s'ya.

Namutla si Pembarya.

3
$ 0.00
Avatar for Sincer
Written by
3 years ago

Comments