"Madaling araw na pagtutula"

5 54
Avatar for Shyryl
Written by
2 years ago
  • Sa mga magbabasa,

    Babala: Ipagpaumanhin ninyo at ilang taon na akong sabog ng ganito.lol

    Disclaimer: Hindi lahat ng nasa tula nangyari sa buhay ko o kung may pagkakapareho man po sa inyo, hindi ko po sinasadya at kasalanan lang po yan ng utak kong maimbento sa oras na ito.

Dahil wala akong maisip na isulat pero gusto kong magsulat dahil alas dos na naman ng madaling araw ngunit mata ko'y mulat na mulat. Naisipan kong buksan muli ang aking telepono at magsulat ng artikulo.

Pagpasensiyahan ninyo na ang aking pagtatagalog dahil minsan mas komportable talaga akong magsulat ng Ingles ngunit napaka-aktibo pa ng aking utak sa mga oras na ito. Kaya ito, pinaninindigan niyang managalog at hayaang ang salita ay maging pararilala pararila parirala(tama ba? 🤣 ibig kong sabihin ay phrase) at ang phrase ay maging pangungusap hanggang sa maging buong ganito.

Nahawa kasi ako kay ate @leejhen sa pagcompile niya ng mga tula pero itong akin ngayon ko lang bubuohin. Salamat ate sa pa-ideya😘

"MULI"

by: Shyryl

Heto na naman ako

nagmamahal sa matipunong ginoo.

Pilit mong binabasag ang pader

na aking binuo.

Kinikitil na damdamin 

Pilit paring lumalim.

Kulang pa ba ang sakit ng kahapon?

Pait at hirap, lahat ba un itatapon?

Ayoko na sanang maniwala

sa konseptong ganito.

Ang magmahal muli

at sa pag-ibig maging bilanggo.

Kahinaang naituturing sa 

mata ng mga tao.

Ngunit bukod-tangi

kang nanindigan laban sa mundo.

Sinubok ng panahon

lalo pa ring bumabangon.

Lalong tumitibay, lalong umaalalay.

Sa dami ng ginawa mo 

nasaksihan mo na nga ang ngiti ko

Galit sa puso'y biglang naglaho

Salamat sa hindi mo pagsuko.

Iisipin ko pa ba?

Mga komento ng iba?

Makasarili ba kung uunahin ko namang sumaya?

Pusong bato nga'y mapapaibig pa pala.

Kumusta naman ang aking nagawa?

Itong pangalawa naman ay tungkol sa pangarap na matagal bago nakamtan.

"LABAN LANG"

by: Shyryl

Pakiusap huwag naman patayin,

Wag naman limitahan,

mga pangarap na hindi pa nga nasisimulan

Pinagtatawanan, pinagkakaitan.

Dahil daw mahirap hanggang dito nalang

Dahil daw pangit walang karapatan,

Dahil daw mahiyain sarilinin nalang.

Mga gawa ko'y laging hindi sapat 

Bakit parang kay ilap ng aking mga pangarap?

Tumanda na at lahat,

Hinahamak pa din.

Hindi ka sapat

Hinding hindi karapat-dapat.

Sariling pamilya sinasabing suportado ka nila

pero ika'y mamaliitin din katulad ng iba

Taliwas ang istorya

sa bawat kilos nila.

Kahit ako'y mag-isa sa laban

Aahon at lilipad kahit maging sugatan

Walang mali sa pagsunod sa saiyo'y nagpapasaya.

Malunod man sa ritmo ng musika, 

mapaos sa bawat bigkas ng linya

Walang batas na nagbabawal sa matandang kumanta 

Hindi krimen ang mangarap ng gising

Sa intablado lang naman ang tanging hiling.

Unti unti na ngang nakakamtan ang kasikatan.

Ngayong may halaga na, madami ng nagpapakilalang kapamilya.

Salamat sa Diyos na siya kong kinapitan,

Nanatiling nakaapak sa lupa at mapagpatawad sa iba.

Hirap ng buhay huwag na huwag susukuan.

Tunay ngang kailangan mo lang Siyang pagkatiwalaan.

Makakamtam mo din ang iyong tunay na kaligayahan.

Ang mga tulang ito ay walang sukat dahil freewriting lamang ito at hindi ko na binusisi talaga para magkaroon ng ekasktong sukat bawat taludtod ng saknong.

Itong pangatlo ay medyo nauna ko nang naisulat sa notes pero isasama ko nalang para maidagdag at humaba ang ating nilalaman.

"KUMPLIKADO"

 by: Shyryl

Bakit nga ba ganito?

puso't isip ko'y gulong-gulo.

Batid kong mali,

ngunit bawat nakaw na sandali.

Di mapigilang nararamdaman, 

Handa ka nga bang panindigan?


Paulit ulit mong bumibigkas ang katagang 

"mahal mo ako"

ngunit pagdududa'y di maikubli sa puso ko

Tapat ka nga bang talaga?

o sadyang pinaglalaruan lamang ako?

Paano ba tayo sasaya ng lubusan?

Kung sa umpisa pa lamang ay may masasaktan?


Pinasok na gulo ay di malampasan

para na tayong may matinding karamdaman.

Lunas na nga ba ang ako'y lumisan?

pagkat wala na akong ibang maisip na paraan.


Salamat pa din at kahit pamandaliang panaginip lang

Naranasan kong ako'y iyong mahalin

higit pa sa isang pinsan🥴😅

ngunit reyalidad ang pinag-uusapan 

ikaw at ako ay malabong magkatuluyan.

Sakit na nararamdaman, heto ngayon sa sulat ko dinadaan.


Patawad kung sa palagay mo'y ito lamang isang katatatwang liham

ito na marahil ang panahong pagod na akong lumuha't masaktan.

Ang umasa pa'y karagdagang kasalanan at pait lang.


Kaya malaya ka nang magmahal ng ibang kababaihan 

Sapagkat ang mundo ay punong puno ng kagandahan,

Hindi naman ito ang katapusan

habang buhay mo ako magiging "pinsan" 

wala naman akong pamimilian niyan.😂

Awit. Natatawa ako sa pinaggagagawa ko kaya sa mga nagbabasa pa po nito. Ang tanging maipapayo ko lamang sainyo po ay matulog kayo ng maaga o kahit hindi maaga basta po ay makatulog kayo sa gabi dahil sayang din ng growth hormones. Kaya siguro ako hindi na tumangkad dahil hindi ko nakolekta ng maayos iyong hormone na iyon. Haha

Maraming salamat po sa pagtangkilik. Maari ninyo po akong makita sa Noise.cash sa parehong pangalan. Isang oras ko din po itong nagawa kaya ngayon ay alas tres na ng umaga.

Magandang gabi at muli salamat po sa pagbabasa.

4
$ 2.94
$ 2.94 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Shyryl
empty
empty
empty
Avatar for Shyryl
Written by
2 years ago

Comments

Saklap naman, ang shakiiit besh, ikaw at ako ay malabong magkatuluyan, ahahaha, acceptance is the key😝

$ 0.00
2 years ago

Hahaha relate ka po ba?

$ 0.00
2 years ago

Parang ganun Nah nga beshey,😝

$ 0.00
2 years ago

Ahaha patawad na po😂

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, it's ok

$ 0.00
2 years ago