Pag-Iisa (Poetry)

0 10
Avatar for Shylee
Written by
3 years ago

Sa aking pagiisa lagi akong nakatanaw sa nakaraan binabalikan ang bawat sayang nagdaan nananatili sa alala ala ng nakaraan paulit ulit... nasasaktan

marahil panahon lang ang makakapagsabi kung kailan ako makaka-alpas sa pighati ng nakaraan'g pilit na winawaksi pilit kinakalimutan ngunit ayaw lumisan

hindi ko alam kung saan ang hangganan kung sa dulo ba'y may liwanag na maaninagan sa nakaraan ba'y may paglaya nang sa kasalukuya'y pag anyaya

sa bawat araw na nagdaraan tanaw ko ang pag-asa ng bagong umaga subalit tila ba hinihila ako ng masasayang ala-ala lungkot at paghihinayang laging nakaamba mga tanong sa isip di mawala

walang katapusang bakit? walang sagot ang dahil paano? ang palaging tanong sana ang palaging hiling magkagayun may hiling lagi sa maykapal katatagan sa kasalukuyan dalagin kay bathala ako'y gabayan sa bawat araw ng aking paglalakbay


1
$ 0.00
Avatar for Shylee
Written by
3 years ago

Comments