Against all Odds (Cont. Chapter I)

0 18
Avatar for Shylee
Written by
4 years ago

Since first grade ay parati ng magkasama si Mika at Chloe. Isang Americano ang ama ni Mika at ang ina nito ay Pilipino, sa America ito naipanganak at nanatili doon hanggan nuong 5 years old ito.      

Subalit nang nag-umpisa na itong mag-aral ng grade 1 ay biglang iniwan sila ng kanyang ama dahil sa ibang babae at nagpasya ang ina nito na i-divorce na lamang ang kanyang asawa at napunta din dito ang kustodiya ng anak, at nang matapos iyon ay nagpasya itong umuwi ng Pilipinas dahil pinipilt ng ama nito na kunin ang bata sa kanyang ina.

Napadpad ang mag-ina sa lugar nila Chloe sa may probinsya ng Pwerto Princesa, kung saan katabi lang ng mga ito ang dagat.

Isang bakanteng lote ang binili ng ina ni Mika doon at nagpatayo ng isang malaking bahay kung saan dalawa lamang sila ng kanyang anak ang titira.

Sa kabila naman ay ang bahay nila Chloe kung saan hindi masyadong kalakihan, hindi naman mahirap ang mga ito, sa katunayan ay nasa dubai ang ama ni Chloe at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang engineer at buwan -buwan ding nagpapadala sa kanila kaya unti-unti ring natapos ang bahay na pinapatayo nito na dalawang palapag din na taas.

Bagong tao, bagong lugar at panibagong kapit-bahay para kina Mika at ina nito nang umuwi ng Pilipinas. At dahil sa tabing dagat ay medyo may kalayuan din ito sa mga tao at ang tanging pinakamalapit lang na kapit-bahay nila ay ang bahay nila Chloe.

Completo na ang laman ng bahay nang lumipat sila Mika at ang kanyang ina kaya wala ng masyadong inayos ang mga ito.

Sabado ng alas singko nang hapon ng mag-isang naglalaro sa may buhanginan sa gilid ng dagat ang  nuon ay limang (5)taong gulang na si Chloe.

Tanging yuon lamang ang play ground ni Chloe nuong bata pa ito dahil sadyang napakalapit ng kanilang bahay sa dagat. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan ding naglalakad ang bagong lipat na sila Mika kasama ang kanyang ina na inabala ang sarili sa pamamasyal sa magandang tanawin ng dagat.

“Look Mama!”. Tila Masaya namang pinakita nang nuon ay Anim (6) na taong gulang na si Mika sa kanyang ina ang napulot nitong shell.

Nakangiti lang namang pina-panood ng ina nito ang kanyang anak na masayang namumulot ng shell sa may gilid ng dagat habang  nakaupo ito sa mapuputing buhangin  na siyang isa sa nagpaganda sa lugar.

Nang nasisiguro naman ng Ginang na masayang naglalaro ang anak at tila save naman para sa anak ang lugar ay hinayaan na muna niya itong maglaro.

At dahil sa sakitin ito,parati itong may dalang maliit na bag na parating nitong bitbit kapag naglalaro. May mga laman iyong mga band-aid, alcohol at kung ano-ano pang first-aid kit.

“Be careful baby!”. Malakas naman nitong bilin sa anak sa may di-kalayuan.

Hindi naman ini-intindi ng bata ang bilin ng ina dahil sa naaaliw na itong maglaro.

Habang tahimik na naglalaro sa may gilid ng dalampasigan si Mika ay may bigla itong narinig na malakas na iyak, hinanap niya kung saan ito nang-gagaling ,at nang may makita siya isang malaking bato ay patuloy siyang naglakad mula sa kabila niyon. At nang makalagpas siya sa isang malaking bato sa may gilid din ng dagat ay nakita nito si Chloe na umiiyak habang nakapikit dahil nalagyan ng buhangin ang kanyang kaliwang mata.

Patuloy parin ito sa pag-iyak nang nilapitan siya ni Mika. Umupo ito sa kanyang tabi at tili sinisilip pa nito ang mukha ng kanyang katabi.

Maya-maya pa ay nagsalita ito.

“What’s wrong?”. Tanong naman ng munting bata. Sandali munang tumigil si Chloe upang tignan kung sino ito, at nang bahagyang imulat ang kanyang mga mata ay bumungad dito ang isang cute at maputing si Mika na nakangiti sa kanya.

At dahil sa hindi ito kilala ni Chloe ay mas lalong umiyak ito, bigla namang nagbago ang expression ng mukha ng nuon ay nakangiting si Mika na tila bigla itong nalungkot.

At nang aalis na sana ito ay napansin niyang pilit pinupunasan ni Chloe ang nuon ay hindi na niya maidilat na mga  mata dahil sa pumasok na buhangin. Nalaman naman agad ni Mika kung bakit siya umiiyak, dahil ito sa pagkakapuwing niya sa buhangin.

Muli itong bumalik at agad na hinawakan ang mukha ni Chloe at tinaggal ang ilan pang buhanging nakadikit  sa mukha nito at tila matanda itong itinaas ang mukha ni Chloe saka bahagyang minulat ang napuwing nitong mata saka hinipan ng hinipan upang maalis ang pumasok na buhangin sa mata nito.

At nang sa unti-unti nang nawala ito ay tumigil narin sa pag-iyak si Chloe at dahan-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata sabay ngumiti ito kay Mika, at duon na nagsimula ang ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

Isang malakas na pagbukas mula sa may pintuan ng operating room ay lumabas ang isang doctor kasama ang mga ilang pang nurse kasama ang nuon ay naka-oxygen at wala paring malay na si Mika na kasalukuyang inililipat sa ibang kwarto. Agad namang lumapit ang doctor sa ina ni Mika.

“Kumusta po ang anak ko doctor?”. Agad namang tanong ng Ginang.

“Successful po ang operasyon, mabuti na lamang at naidala niyo siya agad sa hospital bago pa lumala ang sitwasyon”. Pagpapaliwanag naman ng doctor.

“ ano po ba ang nagyari sa kanya doctor, bakit bigla na lamang siyang hinimatay?”. Tanong naman ni Chloe na tila walang ideya kung ano ang nangyayari sa kaibigan,maaari ko na po ba siyang puntahan?”. Tila pagmamadali naman nitong puntahan ang kaibigan.

“ligtas naman na ang pasyesnte kaya pwede niyo na siyang puntahan pgkatapos nitong mailipat sa kabilang kwarto”. Sagot naman ng doctor. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang dalawa nang malamang ligtas na ito.

Sandaling tumahimik ang doctor saka tumingin sa Ginang.

“Ah, Misis pwede ko po ba kayong maka-usap ng sarilinan”.

Sagot naman nito sa ina nang pasyente na tila may masama itong ibabalita.

“Sumunod na lang po kayo sa akin”. Utos naman ng doctor dito samantalang si Chloe ay agad na hinanap ang kwartong pinaglipatan kay Mika.

“Maupo po muna kayo misis”.Mabilis naman nitong bungad ng nakapasok na ito sa kanyang opisina. “hindi na po ako magpapaligoy-ligoy, may maliit na butas sa puso ang anak niyo na kung saan iyon ang naging dahilan ng kanyang pagka-atake”.tila masama namang balita ng doctor.

To be continued...

1
$ 0.00
Avatar for Shylee
Written by
4 years ago

Comments