Chapter I
Araw ng graduation, masayang-masaya si Mika at Chloe sa araw ng kanilang pagtatapos sa highschool, walang mapagsidlan ng tuwa ang dalawa dahil sa wakas ay natapos na nila ang kabanata ng buhay nilang iyon, ngayon haharapin na nila ang tunay na buhay kung saan ay kinakailangan na nilangmaghanda para sa kanilang kinabukasan.
Masayang nagpicture-picture ang dalawa kung saan binansagan nilang “land of memories” dahil doon nakalagay ang lahat ng kanilang ala-ala simula ng mga bata pa ang mga ito.
“best ,pwede mo ba akong ikuha ng tubig sa loob?”. Paki-usap ni Mika sa kaibigang si Chloe nang tila nararamdaman nitong biglang nanikip ang dibdib dahil sa pagiging over excitement. Madalas na sumasakit ang puso ni Mika ng mga nakaraang araw subalit hindi niya ito pinapansin dahil sa pag-aakalang hindi ito malala.
“bakit may masakit ba sayo?”. Tila nag-aalala namang si Chloe dahil napansin nitong nakahawak si Mika sa kanyang dibdib.
“basta, ikuha ma ako ng tubig bilis!”.
“O-o sige , S-sandali lang”. mabilis namang umalis si Chloe upang ikuha ito ng tubig.
Subalit bago pa ito tumayo ay nawalan na ng malay si Mika at biglang bumagsak ang katawan sa may halamanan.
“Mika..!, Mika!”, natataranta namang si Chloe. “ Mika wakeup!”. Malakas nitong yugyog sa kaigan.
“Tita..!, Tita…!”Ma..! Papa..!. Malakas naman nitong sigaw sa nuon ay masayang nagkukwentuhan sa loob ng bahay na kanilang mga magulan. Dahil sa lakas ng boses ni Chloe ay agad na lumabas ang mga nakakatandang kasamahan ng mga ito upang tignan kung anongnangyari,Ma…! tumawag na kayo ng ambulanya..! Tila naiiyak naman na itong humuhingi ng tulong habang kalong ang walang Malay na kaibigan.
“Mika..., Mika…”. Pilit naman nitong ginigising
“bakit, anong nagyari?”. Natataranta namang sugod ng ina ni Mika.
“Hindi ko po alam, bigla na lang po siyang nawalan ng malay”.
Tuluyan naman nang bumagsak ang luha ni Chloe habang hawak ang mga kamay ni Mika.
Mabilis namang tumawag sa emergency hotline ang Ina ni Chloe at binuhat naman agad ng ama nito si Mika papunta sa loob ng bahay.
Mga ilang minuto pa ay dumating na ang isang ambulansya at mabilis na binuhat ang nuon ay nasa sofa at walang malay na si Mika.
Hindi naman mabitawan ni Chloe ang kaibigan hanggang sa makasakay na ang mga ito pati ang ina ni Mika sa amblansya.
Habang nasa daan ito papuntang hospital ay hawak parin ni Chloe ang kamay ng kaibigan na tila nagdadasal ito na iligtas ito sa anumang kapahamakan.
Mga ilang sandali pa ay nakarating na ang mga ito sa may pinakamalapit na hospital.
Mabilis nila itong ipinasok at idinaresto sa operating room. Duon lamang binitawan ni Chloe ang kaibigan at napa-upong umiiyak sa may tapat ng operating room.
Tanging ang ina na Mika ang umakay dito na nuon ay malaki rin ang pag-aalala sa kung ano ang nangyayari sa anak nito.
“Chloe anak, halika tumayo ka riyan”. Pang-aalo naman ng Ginang dito habang hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak sa may pintuan.
“No tita, dito lang ako, hindi ko dapat iwan si Mika, hihintayin ko po siyang lumabas”.
“ huwag kang mag-alala, kakayanin ni Mika ang pagsubok na ito sa kanyang buhay ,kaya tahan na hmmmm”.naiiyak din’g niyakap ng ginang ang kaibigan ng anak nitong si Mika habang pilit nitong inaalis sa may tapat ng pintuan si Chloe.
Habang nakaupo ang dalawa sa may gilid kung saan nakalagay ang mga upuan para sa mga naghihintay na kamag-anak ay bumalik sa ala-ala ni Chloe ang mga masasayang araw nilang dalawa ng bestfriend niyang si Mika.
Malakas ang iyak ni Chloe ng nadapa ito kasama si Mika habang papauwi na ang mga ito galing eskwelahan.
Agad namang binigyang lunas ito ni Mika na nuon ay parating may dalang firs-aid kit dahil sa pagiging sakitin nito.
“Ayan wala na!”. Masaya namang tugon ni Mika dito nang nilagyan ng band-aid. Agad din naman tumigil sa kaiiyak si Chloe ng naramdaman nitong hindi na ito masakit.
Kahit maliliit ang mga braso ni Mika ay pilit parin nitong inalalayang sa pagtayo si Chloe sa kanyang pagkakadapa.
Bilang pasasalamat naman ay agad na niyakap ni Chloe si Mika na tila takot itong mabuhay mag-isa kapag wala ang kanyang kaibigan.
to be continued....