We all want to have a Complete and Happy Family, and It's really hard to us that one of our family will lose.
Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay sa mga ito. Dalawang lalaki at dalawang babae. Babae ang bunso..
I am a Daddy's Girl at alam ko noong Bata ako ay ako rin ang paboritong anak ng Papa ko. Pero hindi ganoon ang Mama ko sa akin.
Ang mama ko ang laging nagaalaga sa amin magkakapatid habang ang papa ko naman ay pumapasok sa trabaho. Di ko alam kung ano ang work nya. Pero tuwing uuwi si papa ay lasing.
Takot na takot kami kapag lasing si papa dahil laging nagwawala. Kaya pag tuwing umuuwi si papa tatawagin kaming tatlo kasi yung bunso baby pa noon. Tinatawag kami para magpakamot, Ako sa ulo yung pangalawa sa likod yung pangatlo sa paa. Palitan din kami kaya pag tulog na si papa tumatakas na kami HAHAHA! Mabait naman si papa, lagi nga ako tinatawag tuwing gabi para kumain sa labas, madalas din mag uwi si papa ng Burger na tatak Angel's Burger. HAHAHA!
Si Papa yung tipong istrikto pero napakabait.. Madami din siyang kaibigan sa lugar namin puro kainuman nya, minsan nga sinasama ako sa inuman nila tapos pinagmamalaki nya ko na ako daw yung paborita nya.. Isa lang kinatatakutan ni papa at yun ang Pulis.. Oo naalala ko pa non nung sinaksak yung kapatid ni papa tapos pinaghiganti niya tapos hinabol siya ng pulis tumalon siya sa bubong namin sa kabilang bakod.
Grabi ang papa ko dati lalo na pag nakainom lahat inaaway lahat binabasag.. Pag nga naglalaro kami magkakapatid sa labas sasabihin niya sa amin "MOVE!" ibig sabihin uwi na pag matagal kami kumilos bubunutin niya na yung sinturon niya.. Naalala ko pa napalo kamo ng pangalawa kong kapatid sa pwet nakahubad kami non habang nakadapa habang pinapalo 😩
Pero kahit ganyan naalala ko pa din noong Birthday namin dalawa ng kapatid ko same kasi kami ng birthday, pinasyal nya kami sa Manila zoo.. Natatakot nga ko noon kasi pinagtataguan ako ni papa pati kapatid ko kala ko nawawala na ko hahaha! Tapos pag uwi namin bumili din siya ng Icecream. Minsan kapag di siya lasing pero nakainom dinadramahan niya kami di ko makakalimutan yung sinabi nya sa amin ng kapatid ko habang nakayakap siya sa amin "Tandaan niyo to isa lang ang gusto namin ng mama mo sainyo at yun yung makatapos kayo.. Kahit yun lang iregalo niyo sa akin" Di ko namalayan umiiyak na pala sya. Yung work kasi ni papa noon is Part time lang isa siyang Construction worker..
Minsan nga kapag nagsusugal siya sa Color Game sinasama niya ko.. Tinuturo ko mga colors na gusto ko at yun nanalo siya kaya tuwang tuwa siya eh. Tapos binibgyan nya ko ng bente HAHAHA! malaki na yan dati.. Marami nang nabibili niyan..
Grade 6 ako noon at kahit papaano may alam na din sa nangyayari sa paligid.. Si Papa nagkaroon na ng bagong trabaho at pangmatagalan.. Pinasok siya nang ninong ko non.. Mostly sa ninong ko is mga kumpare at bestfriend niya. Kaya tuwing pasko dati nakakarami kami kasi lagi siyang kasama namin kaya di makatago mga ninong namin dati hahaha! Anyway noon kinagabihan nagba bonding si papa pati kapatid kong lalaki.. May nagawa ata ko noon na di nagustuhan ni papa kaya nasigawan ako at sabing matulog na ako.. Nagtampo ako noon kaya di ko siya pinansin.
Mga alas kwatro sinilip ko sa kama ko sa baba si papa at nagaayos na siya.. Pero di ako nakapag paalam sakanya at umalis na.. Noong araw na yon wala talaga kong gana.. Mga syete naririnig ko naguusap sila mama pati ninong ko pati si tita at lola.. Nakita niya daw si Papa nada Lrt kaso bigla daw tong hinimatay kaya dinala niya ito sa Hospital..
Noong nasa school ako di ako nakafocus iniisip ko lang papa ko kung ano na nangyari sakanya at kung okay na ba siya.. Tatlong araw ding nasa Hospital noon si papa at gustong gsto ko sumama sa kanila sa ospital.. Kaso bawal daw ang bata doon. Baka mahawa daw kami.. Yung araw na Sobrang tamlay ko..Kahit noong umuwi ako kaya nahiga ako noon sa Sofa namin nakadapa ako doon at di ko namalayan na nakatulog ako na nakasuot pa din ang uniporme..
"Ma! Wala na sya... Bakit bakit.. Jusko apat pa ang iniwan mo.." Narinig ko ang boses ni tita ko na kausap si lola.. Tumulo ang luha ko noon. "Wala na si Kaloy!! Wala na bakit..!" Humagulgol ako sa narinig ko habang nakadapa.. May narinig pa ko na chismosa 'tignan mo si karsen te oh tulog na tulog." sabi nung tita ko sakanya umiiyak ako kase alam nya humahagulgol na ako noon. Di ko alam anong nangyre bakit nawala si papa pero sabe nila dahil sa High Blood 😞
Ilang araw akong iyak ng iyak walang tigil sa kakaiyak di ko sila pinapansin basta iyak ako ng iyak noon. "Pano na ngayon yan wala ka ng kakampi.." Sinabi sa akin ni mama yun at mas lalong nadurog ang puso ko noon.
Ang sakit sakit mawalan ng tatay. Yung Feeling na makakita kalang na mag Ama sa kalsada naiiyak na ako.. Ang pinaka masakit pa non sa akin is hindi ako nakapag paalam non..
Ngayong malaki na ako nakwento sa akin ni mama ang nangyre kay papa sa Hospital.. Sobrang lakas daw nya noong araw na yon, siya lang nag babantay kay papa noon dahil si tita bumili ng gamot ni papa.
Nakabagon pa nga daw si papa sa higaan niya sabi nya pa daw kay mama umuwi na sila dahil kaya na nya dahil malakas na siya.. Tinatanong nya din daw sa Nurse doon kung kelan daw siya uuwi. Hanggang nagwala daw si papa..
Ang sakit sakit daw ng ulo niya non. Napapapikit siya sa sakit, hawak hawak niya pa ang ulo niya noon tas noong tumigil nagtataka si papa bakit wala daw siyang makita.. Wala daw magawa si mama noon kaya tinawag nila ang doctor.. Nag wawala si papa kasi wala na siya makita pero unti unti daw itong napahiga at nawalan ng malay.. At doon din nawala si papa.. Sabi ng Doktor nabulag daw si papa dahil nagputukan na ang mga ugat ni papa dapat daw makainom na ng gamot si papa noon kundi buhay pa siya.. Narinig na lang daw ni mama na umiiyak si tita at sinasabing "andito na ko eto na gamot mo! Kasalan ko ito e ngayon lang ako nakahiram ng pera pambili ng gamot mo!"
Di ko sinisisi si tita bakit nawala si papa.. Ang pinagsisihan ko lang ay yung di ako nakapag paalam sakanya... Isang aral sa akin yun na dapat mag paalam sa mga aalis dahil hindi natin alam baka yun na ang huling paalam natin..
Naalala ko pa dati yung papa ko nakita niya ying notebook ko kung saan nakasulat yung love letter para sa crush ko.. Yung sulat na yun hindi maiintndhan ng mga matatanda pero nagulat ako kasi nalaman niya pa din ito.. HAHAHA! 😞
Sa tuwing pinapatugtug yung Dance with my Father naiiyak ako kahit ngayong malaki na ko.. Hays Eto yung Broken Hearted na Hinding hindi gagaling.. Kumabaga napaka laking sugat nito sa puso ko 😞 Gagraduate na sana ko noon kaso nawala siya..
Thank you for reading!
I love you pa! ❤️
😭😭😭 i miss you pa.